TOPIC: LAST 12 DAYS

2 0 0
                                    

"LUHANG DULOT NG DAMBANA"

Nagulat ako.
Hindi halos makapagsalita.
Hindi ko inaasahan ang sandaling ito.

Nakita ko ang takot sa kanyang mata ng walang kahit anong mga kataga ang lumabas sa aking labi, tanging ang pagtulo lamang ng mga luha ang mababakas sa aking mukha.

***

"Mahal mo pa ba ako?" bakas sa mukha ko ang pagkatuliro nang itanong iyon sa kanya habang nanonood ng telebisyon sa sala nang aming bahay.

Kadarating lamang niya upang dalawin ako. Dati-rati ay araw-araw naman niya itong ginagawa,
ngayon ay isa o dalawang beses na lamang niya itong ginagawa.

"Ano ba namang tanong mo iyan, s'yempre mahal kita," sagot niya matapos maupo sa sofa'ng naroon habang inilalapag ang mga pagkain na kanyang binili.

Gusto ko s'yang paniwalaan pero natatakot akong matalo sa huli.
Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob kong may inililihim siya.

"Pero bakit pakiramdam ko ang lamig ng pakikitungo mo sa akin?" nanginginig ang boses kong tanong sa kanya.

Hindi siya agad nakasagot. Sa kulang ilang araw para sa Anibersaryo namin, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. At mabibilang na sa mga daliri ang araw na iyon.

Hindi ko alam kung bakit.
Natutuliro ako.
Natatakot.

"Ano ka ba? Bakit ba kung ano-anong iniisip mo?" kunot-noo'ng tanong niya sa akin.

"May pakiramdam ako, Marvin, may problema ka ba?" alam kong nakikita niya ang takot sa mga mata ko.

Ayaw ko siyang mawala sa akin. Iyon lang alam ko.

Malalim na humugot siya ng paghinga, tumayo't humrap siya sa akin. "P-paano kung mag--" hindi ko na siya pinatapos magsalita. Ayaw kong marinig ang sasabihin niya.

"Kung iyan ang gusto mo, sige. Payag na ako." nakangiti kong sagot sa kanya.

Alam ko na.
Ramdam kong hindi na niya ako mahal.

Marahil, pagod na pagod na siya sa akin.

****

"Will you marry me?" kabadong tanong niya sa akin habang nakaluhod.

Nagulat ako.
Hindi halos makapagsalita.
Hindi ko inaasahan ang sandaling ito.

Sa dami ng sinabi niya ay tanging iyon lamang ang nakapagpakabog sa dibdib ko.

Nakita ko ang takot sa kanyang mata ng walang kahit anong mga kataga ang lumabas sa aking labi, tanging ang pagtulo lamang ng mga luha ang mababakas sa aking mukha.

"Yes," lumuluhang sagot ko sa kanya.

Kulang dalawang linggo akong nag-isip dahil sa huli naming pag-uusap.

Takot ang naramdaman ko.

Pero ngayon.

Eksaktong isang dekadang pagmamahalan, niyaya niya akong magpakasal.

Walang tigil ang aking pagluha dahil sa galak.

MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon