"NAGMULA SA ISANG PANGARAP"
"THE HANDMAID's TALE (1986), one of the most famous novel in history. It is the story of a woman called Offred, living in the public of Gilead, a nightmarishly imagined America of the future..." tumayo ako sa aking inuupuan habang napapangiting inilapag ang magazine na nabasa ko saka humigop ng kape.
"Oh, bakit ngiting-ngiti ka d'yan?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Elle.
"Wala lang naman, masaya lang talaga ako ngayon," nakangiti kong sagot sa kanya.
"Pinapatawag nga pala tayo sa opisina ni Mr. Tuazon, sa pakiwari ko'y mayroong mahalagang sasabihin iyon sa atin." maya-maya pa'y sabi niya sa akin.
" Sige. Susunod na ako." nakangiti pa ring sagot ko sa kanya. Siya naman ay nagdiretso na sa paglabas. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking mga labi.
"2012 Awardee - Queen Elizabeth II Diamond Jubilee Medal"
Ilang minuto pa'y umalis na rin ako para magtungo sa opisina ni Mr. Tuazon, ang OIC ng aming pinagtatrabahuhan.
********"Gusto kong pumunta kayong dalawa sa Canada. Nais kong kayo mismo, sa inyong mga mata ang makatuklas ng pagbabagong nangyari sa buhay ni Margaret Atwood, kilala niyo naman siguro siya, hindi ba?" dire-diretso ang pagsasalita ni Mr. Tuazon sa aming dalawa ni Elle. Iyon ang dahilan kung bakit kami ipinatawag.
"Hayst! Excited na ako!" iyon ang agad na sinabi ni Elle matapos kaming lumabas ng opisina ni Mr. Tuazon.
"Hindi ka ba masaya?" tanong niya sa akin.
"Sino bang hindi sasaya kapag nalaman mong pupunta ka ng Canada?" sabi ko sa kanya.
" Sabagay," sagot niya.
*********
"Is that what you really want? " tanong ko sa isang batang babae na may malamlam na mga mata.
"Yes, that is my dream. " iyon ang mga salitang narinig ko sa labi ng limang taong gulang na bata.
Kung tutuusin para sa akin ay isa lamang iyon sa mga talento na bigay ng Diyos sa kanya at hindi pa niya nauunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang "pangarap" pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang tila hindi maipaliwanag na saya sa tuwing babanggitin niya ang tungkol sa pangarap niya.
Napatingin ako sa kanyang ina at isang ngiti naman ang isinukli nito sa akin. Hindi na halos siya makapagsalita dahil na rin siguro sa hindi niya lubusang maisip na iyon din ang pangarap ng kanyang anak.
********
"After a year, we meet again," nakangiti kong bati ko sa kanya.
"One of the most question I really love to heard until now," sagot niya na siyang nakapagpangiti sa akin.
"I can't imagine that you really pursue your dreams. To become a Writer." muling saad ko sa kanya. " Congratulations to your success!" patuloy na saad ko habang nakangiti sa kanya.
"Thank you." nakangiti niyang sagot sa akin.
Hindi ko lubos akalain na muli kaming magtatagpong dalawa.
Sa dami ng isinulat niyang mga akda, na mayroong iba't ibang klase ng genre, napatunayan niya sa akin na isa siya sa pinakamahusay na Novelist na nakilala ko. At sa dami ng nataggap niyang Award, hindi nagbago ang kanyang pag-uugali.Sa ngayon ay mayroon siyang mga tinuturuan gamit ang "social media",
Sadyang napakabuti niya.
**********"Hindi ba s'ya si Margaret Atwood? Kilala mo pala siya?" tanong ni Elle sa akin.
"Oo, siya ay isa ring batang nangarap maging isang magaling na "Writer" sa kanyang paglaki. At hindi ko akalain ang tagumpay na kanyang narating dahil sa isang munting pangarap." nakangiting sagot ko sa dito.
Ang aking ama ang naging dahilan kung bakit ko siya nakilala.
At katulad niya, tinahak ko din ang mundo na pinangarap ko, sa tulong ng mga salitang narinig ko sa kanya noon. Tinahak ko ang landas na katulad ng sa aking Ama.
-dahil iyon ang aking pangarap.
At nasisiguro kong katulad ko ay masaya rin ang aking Ama sa naging tagumpay nito sa ngayon.