TOPIC: PANGARAP KONG LIBUTIN ANG MUNDO

12 0 0
                                    

🍁LEONOR: EL DOLOR DE LA MUJER🍁

Taong 1965

"Ilang beses kong nabatid ang 'yong mga paghihirap ngunit, nanatili akong bulag, pipi at bingi." nahahabag na sabi ko sa kan'ya.

Naguguluhan ako.

Walang kahit anong kasiguruhan ang nadarama ko para sa kan'ya sa ngayon. Marahil ay dulot ng aming nakaraan.

Datapwa't, natitiyak kong mayroon pa rin siyang puwang sa aking puso.

"Karapat-dapat naman akong maghirap, hindi ba?" mapait na sagot niya sa akin bago tuluyang iniwasan ang aking mga mata.

"Marahil nga ay dapat ngunit –"

*****

Napakaganda ng hardin na ito sa aking paningin. Dito nabuo ang aming pagmamahalan.

"Leonor," napalingon ako ng marinig ang tinig niyang iyon. Hindi ko magawang ngumiti sa t'wing maiisip kong ngayon ang huling araw ng aming pagkikita.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Niyakap n'ya ako.

"Patawad, kung hindi ko nasabi agad sa iyo ang naging desisyon ko. Alam kong sa simula pa lang ay tutol ka na." paliwanag niya. Mabigat sa loob kong sagutin ang mga sinabi niya. Wala akong magagawa kun'di ang suportahan siya sa kan'yang naging desisyon.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin. Tiningnan ko ang kan'yang mga mata. "Ang tanging hiling ko lamang ay makabalik kang ligtas Carlos, iyon lamang." naluluhang sambit ko habang hindi mapigilan ng aking mga kamay na hawakan ang kan'yang mukha. "Ipagdarasal ko ang iyong kaligtasan."

"Ipinapangako kong babalik ako makalipas ang apat na taon," mapait na tugon niya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa kan'ya na ayaw niyang magkahiwalay kami ngunit, iyon ang nararapat.

"Pag-ingatan mo ang iyong sarili." huling katagang narinig ko sa kan'ya bago siya tuluyang nagpaalam.

Subalit nang gabi ring iyon, nasira ang aking pagkatao.

"Maawa ka sa akin Sir Bernardo, nakikiusap ako. Huwag mong gawin sa akin ito." umiiyak habang nagmamakaawang sambit ko ngunit, naging bingi ito ng sandaling iyon.

Bigla nitong sinuntok ang aking sikmura dahilan para tuluyan akong mawalan nang lakas upang lumaban.

Wala akong nagawa upang iligtas ang aking sarili.

Sa isip ko'y naroon ang lalaking pinaka-iibig ko.

Si Carlos.

Ngunit,

Hindi na ako karapat-dapat sa kan'ya.

Isa na ako sa maruming babae'ng hindi nararapat kaninuman.

Walang kahit na sino ang nakaalam ng nangyari sa akin maliban sa aking mga magulang, ngunit ano ang aming magagawa?

Makapangyarihan ang pamilya nila.

Tanging ang pagtangis lamang sa aming mga dibdib ang kaya naming gawin. Iyon lamang dahil, wala kaming lakas upang labanan sila.

Mabilis na lumipas ang mga araw, simula ng marahas na pangyayaring iyon ay araw-araw ang pagbisita niya sa amin.

Masisilayan sa kan'yang mga mata—

Ang pagsisisi.

Walang sawa niyang ipinapakita sa akin ang pagsisisi kahit na hindi ko siya magawang harapin at kausapin. Subalit, ang poot na nararamdaman ko para sa kan'ya ang nananatili sa aking puso.

MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon