PAKSA: INITUTOK KO, IPINASOK KO AND BOY WALANG DAPLIS!

2 0 0
                                    


🍁BOLO: ANG HIWAGA SA KUWEBA🍁

Walang kasiguraduhan.

Walang kahit na anong liwanag siyang nasisilayan.

"Mabuti at narito ka na. Kanina pa kitang hinihintay,"

*****

"Nasaan ako?" impit ang pagsigaw ko nang magising ako sa gitna ng kagubatan.

Hindi ko lubos maisip kung paano ako nakarating sa lugar na ito, ang tanging naaalala ko lamang ay nahulog ako sa bangin dahil nawalan ng preno ang sinasakyan naming Bus ng mga kaibigan ko.

Hindi ako sigurado kung mayroong nakaririnig sa akin ngunit kailangan kong gumawa nang paraan upang malaman kung saan ako naroon. Naglakad ako sa gitna ng kagubatan kahit may bigat akong nararamdaman.

"Minerva! Alexis! Jane! Patrick! Jerome!" isa-isa kong tinawag ang aking mga kaibigan ngunit bagsak ang aking mga balikat ng wala kahit isa sa kanila ang sumagot.

"Pumunta ka sa dulo roon, baka sakaling naroon ang hinahanap mo." napalingon ako ng marinig ang tinig na iyon hanggang sa tuluyan kong masilayan ang mukha ng isang magandang babae.

Parang hinihigop nang kagandahan nito ang aking mga mata.

Sinundan ko siya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa aking paningin subalit sa 'di kalayuan ay nakita ko ang isang kuweba. Nagmadali akong pumunta roon sa pagbabakasakaling naroon ito kasama ang aking mga kaibigan.

Makalipas lamang ang ilang sandali'y unti-unti ko nang nalalapitan ang kuweba. Nakapagtatakang tila ito nama'y lumalayo sa akin.

"Kailangan mo ang makapangyarihang bolo upang makapasok ka at mailigtas ang iyong mga kaibigan." muling sambit ng dalaga sa aking likuran. Kung paano siyang napunta roon ay hindi ko alam.

Nangilabot ang aking buong katawan ng makitang papalapit siya sa akin.

"A-anong l-lugar ba ito?" nasa boses ko ang panginginig ng sandaling iyon dahil sa matinding takot at pangamba bagaman ang mga mata ko'y nakatitig sa kanya.

"H'wag kang matakot, hindi kita pababayaan sa lugar na ito." tugon niya sa akin.

"P-pero,"

"Maniwala ka sa akin, Ikaw ang inatasan ng aking Ama upang iligtas ang aming kaharian sa mangkukulam na si Grasilda." muli ay tugon nito.

Alam kong nakikita niya ang pagkalito sa aking mga mata.

Hindi ako makapagsalita.

Wala akong kahit na anong lakas upang sagipin ang sinasabi nitong kaharian nila.

"I-isa lamang akong h-hamak na t-tao, kaya malabo ang s-sinasabi mo!" naguguluhang sigaw ko sa kanya.

"Pakiusap. Maniwala ka sa akin, hindi lamang ang mga tao sa kaharian namin ang nanganganib, ku'ndi maging ang mga kaibigan mo."

"H-hindi ako maaaring maniwala sa'yo. H'wag mo akong linlangin. Hindi ka totoo! Hindi ka totoo!" iiling-iling na sabi ko sa kanya. Tila isang baliw habang paulit-ulit na sinasabi iyon.

"Earl! Tulungan mo kami!" maya-maya'y narinig ko ang tinig ni Minerva.

Nagpalinga-linga ako upang malaman kung saan nanggaling ang tinig nito hanggang sa tuluyang napatutok muli ang aking paningin sa kuweba na ngayon ay malayo na ulit sa akin.

"Maniwala ka, naroon sila kasama ang aking Ama. Hindi kayo maka-aalis sa lugar na ito hangga't hindi natatapos ang kasamaan ni Grasilda."

"A-anong dapat kong g-gawin?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Kailangan ko nang lakas upang makaalis kami dito. Kailangan kong matalo sa labanan ang kung sinuman ang sinasabi niya sa akin.

"Kunin mo ang bolo sa unahan ng kuweba, iyon ang magiging daan upang pasukin ang lungga ni Grasilda. Kinakailangan mo siyang patayin." tugon nito.

"Pero lumalayo ang kuweba. Anong gagawin ko?"

"Hintayin mong sumapit ang dilim dahil sa pagpatak nito'y mananatili na ang kuweba sa iisang lugar." tumango-tango ako nang marinig ang sinabi nito.

Hinintay kong sumapit ang dilim. At sa pagpatak ng itinakdang oras ay nanatili nga sa iisang lugar ang kuweba. Kahit na pakiramdam ko'y wala na akong lakas dahil sa maghapong kasusunod rito ay hindi ako nawalan nang pag-asa hanggang sa tuluyan kong nakuha ang bolo.

Unti-unti kong pinasok ang loob ng kuweba. Nakarating ako sa loob sa tulong ng bolong hawak ko na nagbigay liwanag sa aking daraanan.

Tama siya.

Narito ang aking mga kaibigan.

Maging ang kanyang Ama ay naroon din.

Ngunit.

****

Walang kasiguraduhan.

Walang kahit na anong liwanag siyang nasisilayan.

"Mabuti at narito ka na. Kanina pa kitang hinihintay," sabi ko sa kanya sabay ang pagtutok nang balisong na aking tangan sa kanyang tagiliran. Mabilis ang kilos kong idiniin iyon sa kanya hanggang sa tuluyang umagos ang kanyang dugo.

"J-Jane," naguguluhang sambit nito sa pangalan ko.

"Sa akin ka lang, Earl. Sa akin," nakangising sambit ko sa kanya habang tangan ang isang kwintas na ginawa ng aking Ama upang mahipnotismo ang sinumang ninanais ko.

At siya ang target ko.

Ang Pag-ibig ko.

MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon