🍁Babae sa Kakahuyan🍁
Hapon na ng makarating kayo sa baryo kung saan naninirahan ang iyong nobyo. Nang makababa kayo ng traysikel, agad mong inilibot ang iyong mga mata at pinagmasdang mabuti ang bagong kapaligirang inyong titirhan ng pansamantala.
Mula sa bawat metro-metrong agwat ng mga bahay ay nakikita mo rin ang mga naglalakihang puno na nakapaligid sa isang barong-barong.
"Dito ba talaga tayo maninirahan?" tanong mo kay Felipe na iyong asawa habang ang iyong mga kamay ay bahagya mong inihawak sa kan'yang braso.
"Ayaw mo ba dito sa aming baryo?" nag-aalalang balik-tanong nito sa iyo.
"Hindi naman!" mabilis ang naging pagtugon mong iyon. May pag-aalala kang naramdaman na hindi nito nagustuhan ang 'yong tanong.
"Inang! Tatang!" tawag ni Felipe habang nasa tapat pa rin kayo ng barong-barong.
Agad na ibinaling mo ang iyong ulo ng mapansin mong nakatigil sa 'di kalayuan ang isang magandang babae, nakasuot ito ng itim na blusa at saya habang bitbit ang isang bilao na animo'y nagtitinda. Matagal ka niyang tinitigan, hindi mo mawari kung bakit ang 'yong mga balahibo'y naninindig at nakararamdam ka ng matinding takot. Sa isip mo'y kakaiba ang kan'yang mga tingin. Tila tumatagos ito sa buo mong katawan.
"Kuya!" bahagya ang pagkagulat mo ng marinig mo ang pagtawag na iyon ng babae sa iyong asawa. Agad itong lumapit sa inyo.
"Siya ba ang iying nobya?" tanong nito na muling ibinaling sa iyo ang kan'yang tingin."Oo Felipa, siya nga! Nasaan sila Inang at Tatang? May dala akong masarap na putahe para sa atin ngayong gabi." masayang aniya ng 'yong asawa.
Napatingin sa 'yo si Felipa matapos na marinig ang litanya ng 'yong asawa. Halos manghilakbot ka sa takot ng walang kaabog-abog na ngumisi ito sa 'yo. Sa isipan mo'y tumatakbo ang hindi magandang mangyayari.
"Ikinagagalak kong makilala ka." aniya nito na tumango pa sa harap niya bago kausapin ang kan'yang kapatid. "Saktong-sakto ang 'yong pagdating Kuya! Si Tatang ay nasa gubat, nangangahoy! Ang sabi mo'y may dala kang masarap na putaheng ating pagsasaluhan ngayong gabi," nakangiting saad pa nito. "Halina, tayo ng pumanaog sa loob dahil baka mahamugan pa kayo riyan." Pang-aaya pa ng dalaga sa inyo. Agad naman kayong sumunod rito.
Habang nasa kwarto at nagliligpit ng mga damit ay narinig mo ang boses nang 'di pa katandaang babae at lalaki hudyat na dumating na ang inyong hinihintay.
Agad kang sumilip sa bukana ng pinto upang siguruhin na magulang ni Felipe ang dumating. Bitbit ng lalaki ang mga kahoy habang ang babae'y may dalang kaing.
"Inang! Tatang!" masayang dinaluhong ni Filepe ang babae at lalaki. Sumunod ka naman rito upang magmano.
Matapos kang maipakilala ni Filepe sa kan'yang mga magulang ay naroon pa rin ang iyong masidhing pakiramdam kahit batid mong maganda ang kalooban ng mga ito.
Ilang araw na ang lumipas at masaya ka na ring nakikisalamuha sa iba. Gabi-gabi ay nagkakaroon ng bisita ang inyong barong-barong.
Isang gabi, habang matamang nagkukwentuhan ang ilan sa kaibigan ng iyong asawa ay biglang napag-usapan ang nangyari ng nagdaang gabi.
"Wakwak ang katawan at walang kahit na lamang-loob ang natira." Balita ng isa sa kainuman ng iyong asawa. Nakaramdam ka ng kaba sa iyong narinig.
"Sa tagal ng panahong nanirahan ako sa lugar na ito'y mukhang ngayon lang dinayo ang lugar natin ng ganito." Aniya ng isa pang kainuman.
"Hala! Bagay may gan'yang hayop na sumasalakay ngayon sa ating lugar, dapat ay mangagsiuwi na kayo." Pangaral ni Tatang sa kanila.
"Ay oo nga po! Mangyari pong ipagpapabukas na lamang ulit namin ang pagbisita dito kay Felipe." Sagot ng isa pa sa kaibigan ng iyong asawa bago tuluyang umalis ang mga ito.
****
Ilang oras ang nakalipas matapos ang inumang naganap ay iniisip mo pa rin ang mga pangyayaring napag-usapan kani-kanina lang. Nakaramdam ka ng hindi maaliwalas na pakiramdam kaya minabuti mong magpahangin sa labas.
Umupo ka sa duyang naroon at doo'y mataman mong tinitignan ang liwanag ng buwan.
Napabaling ang tingin mo sa may kakahuyan ng makita mo ang isang babaeng naglalakad patungo roon. Agad na sinundan mo ang babae ng hindi nito namamalayan. Ang 'yong mga kilos ay iyong pinapino upang masigurong hindi ka niya mapapansin.
Napatigil ka at napatago sa likod ng isang malaking puno ng tumigil ito sa gitna ng kakahuyan. Doo'y kitang-kita mo kung paano niyang sinimulan ang kan'yang ritwal. Pinahiran niya ng kung anong dala-dala ang kanyang katawan. Sa isip mo'y naroon ang kahibangang makita ang kan'yang mukha upang makilala ito ngunit hindi iyon nangyari dahil tuluyan ng nagbago ang anyo nito.
Nakaramdam ka ng matinding takot dahilan upang hindi ka makagalaw. Ang pagbabagong anyo nito'y nagpasiklab ng init na 'yong nadarama ng mga sandaling iyon. Hindi pa rin nito nababanaag ang iyong kalagayan.
Nang makaalis ito'y dali-dali kang lumapit sa naiwang bahagi ng parte ng katawan nito. Gumagalaw-galaw ang lamang nakikita mo roon. Sa iyong palagay ay ito na ang dahilan ng mga nangangamatay na hayop at taong nakikitang wala ng lamang-loob.
Ang masidhing pagkatakot ay bumagabag sa iyong kalooban kung kaya't dali-dali kang umuwi sa inyong barong-barong upang sabihin ito sa iyong mga magulang maging sa inyong asawa.
"Ahhhhhh! Tulong!" narinig mo ang malakas na hiyaw na iyon malapit sa inyong tahanan kung kaya't mas binilisan mo pa ang pagtakbo papauwi.
Ilang sandali pa'y narating mo ang inyong tahanan. Doo'y nangingilabot na pangyayari ang iyong nasilayan.
Isang manananggal ang kumakain ng sariwang lamang-loob ng iyong mga magulang at kapatid.
Ngunit wala roon ang iyong asawa.
Tila nakaramdam naman ang masamang nilalang dahil napatingin ito sa kinatatayuan mo.
Nahihindik kang pinakatitigan ang mukha ng nilalang sa harapan mo.
Hindi ka maaaring magkamali.
Siya ang iyong asawa.
Hanggang sa 'di mo namalayang maging ikaw ay kan'ya na ring dinakmal.
"Ahhhhh!" tanging pagsigaw na lamang ang 'yong nagawa.
At tuluyan kang nagising sa nakapangingilabot mong bangungot.
#