TOPIC: ANG BUHAY NG ISANG WAITER

8 2 0
                                    

"MAGDALENA: HINDI AKO PUTA!"

Habang nasa di kalayuan ay alam kong tinatanaw na niya ako. Nakangiti akong lumapit sa kanya.

"Yes Sir, what can I do for you?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Can I order someone like you? Pwede din naman na ikaw na lang." walang kagatol-gatol na sagot niya sa akin.

"Wala na po ba kayong ibang gusto bukod d'yan sa hinihingi ni'yo ngayon?" sarkastikong tanong ko sa kanya ngunit makikita pa rin ang ngiti sa aking labi.

"Wala na, at sa tingin ko'y wala ka din balak na ibigay ang putaheng gusto ko." sagot niya sa akin at tuluyan na siyang tumayo upang umalis.

Naikuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang pagkainis sa kanya.

****

"Oh, nand'yan ka na pala? Kumusta ang bago mong trabaho?" tanong ni Inay sa akin.

"Okay lang naman ho, walang bago." sagot ko sa kanya habang dali-daling patungo sa aking kwarto.

Agad akong humiga dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Ito kasi ang unang araw ko sa trabaho. Sabi nga nila, sa unang araw ay mangangapa ka at naisip kong tama sila.

"Lena, bumangon ka na d'yan at maghain ka muna nang makakain si Mario bago umalis. Patungo ako sa palengke ngayon." rinig kong sigaw nang aking ina habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Mabilis akong bumangon kahit ramdam ko na ang pagpikit ng talukap nang aking mga mata.

"Maganda ba ang nakuha mong trabaho?" bulong na tanong ni Mario sa akin. Hindi ko namalayan ang presensya niya ng mga sandaling iyon.

"Kumain ka na at nang makapasok ka nang maaga," hindi ko pinansin ang tanong niyang iyon. Wala din akong panahon na makipagtalo sa kanya ngayon dahil antok at pagod lamang ang tangi kong nararamdaman.

"Bakit hindi mo ako sabayan?" muli'y tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinalikuran ko na lamang siya.

"H"wag mo akong talikuran dahil kinakausap pa kita." galit ang tinig nang sabihin niya iyon ngunit hindi ko siya pinansin. Wala akong pankahong makipagtalo sa kanya ngayon.

Nakaririndi sa pandinig ko ang bawat sinasabi nila. Tanong man iyon o hindi. Gusto ko man siyang bigyan ng pagkakataon na pakinggan ay hindi ko na magawa pa. Wala naman nang dahilan pa para pakinggan ko siya. Wala akong dahilan para kausapin din siya.

"Putang inang trabaho mo iyan! Kailan mo  natutunan na talikuran ako?" nanggigigil sa galit na sigaw niya.

"mario, wala akong panahong makipag-usap sa'yo ngayon."

Nakakalungkot man na isipin ay wala akong magawa kundi ang umiyak sa harap niya. Hanggang nagyon ay nagtitiis ako sa buhay na mayroon ako dahil wala naman akong magawa. nakaraan ko na ito at kailangan kong tanggapin.

"Wala akong pakialam kung pagod ka! Bakit, paagod ka ba sa mga lalaking nagpasa-pasahan d'yan sa katawan mo?" walang gatol na tanong niya sa akin.

Agad ko siyang sinampal nang marinig ang mga salitang .lumabas sa kanyang bibig.

"Alam kong mababa ang tingin mo sa akin Mario pero putang-inang pagtingin mo iyan! Hindi ako nagtrabaho sa lugar na iyon para isipin mo ang bagay na iyan sa akin. Ginawa mo akong puta sa harap ng pamilya ko kaya wala kang karapatan sabihin sa akin ang bagay na iyan!" galit na sigaw ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Ubos na ubos na ako. Pagod na ako sa aginawa nang pamilya niya sa akin.

Asawa niya ako pero ginawa niya akong parausan sa harap mismo ng pamilya ko.

At pinasok ko ang pagiging Hostess upang makawala kami sa kanya.

Dahil ako at ang aking pamilya'y ginawa niyang alipin sa kanyang mga kamay.





MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon