-Chapter 37-
Matthew’s P.O.V.
“Good Morning, Bookworm!”
“Wahh! Ano ka ba? Umagang-umaga, ang ingay mo!” Pasigaw niyang sinabi..
“Woah! Init ng ulo mo ah. Anong problema?”
Nasa tapat pala kami ng gate nila. Papasok na kami eh.
“Wala!”
“Eh, bakit ka sumisigaw? Umagang-umaga, ang ingay mo. Magigising mo mga patay niyan.”
“Shut up! Wala ako sa mood makipagbiruan sayo. “ mabilis siyang naglakad palayo sa akin pero sumunod ako agad.
“Uy, Bookworm. Bakit ka kasi nagkakaganyan? Hindi naman kita ginalit kahapon ah. Akala ko pa naman nag-enjoy ka sa picnic natin. Sorry, kung nagulo ko araw mo kahapon. Peace offering?” nilabas ko yung rose sa bag ko[Yellow rose, syempre]. Huminto siya sa paglalakad at napangiti.
“Hehe, salamat. *Hinawakan niya yung rose* Sorry Matthew, nag enjoy naman talaga ako sa picnic natin, may nalaman lang talaga akong hindi ko kayang ipasok sa utak ko.”
“Wag kang mag-alala, makakalimutan mo din yan. Halika na, bilisan na natin.”
Nang makarating kami sa school, para lang matuwa si Yasmin, yinaya ko siyang magpabilisan na makarating sa classroom namin. Success naman dahil natutuwa naman siya pero yung smile niya habang tumatakbo bigla nawala ng makita niya si Philip.
“Princess, Good Morning! Good Morning din Matthew!” bati sa amin ni Philip
“Ah…Good Morning din Kuya. Sige mauna na ako sa classroom.” Dun ko napansin na parang umiiwas si Yasmin kay Philip. Sumunod na din ako kay Yasmin nun.
Hmm, ano kayang nangyari sa kanila?
Nagsimula na ang klase namin at GRABE, 1st time kong nadalian sa Trigonometry. Iba talaga pag may insipiration ^___^
Bago pa mag recess, nagpaalam ako sa teacher namin para mag banyo. Pagdating ko sa banyo, nakita ko si Philip sa tapat ng salamin.
Ngitian ko siya at biglang pumasok sa isip ko ang napansin kong kinikilos ni Yasmin.
“Philip, may tanong lang ako. May nasabi ka ba kay Yasmin kagabi na hindi niya magugustuhan?”
“Wala naman, bakit?”
“Kasi parang wala siya sa mood ngayon tapos parang naiilang siya sayo, yun yung napansin ko ah.”
“Oh, Wala naman. Nagpatulong lang siya sa homework niya tapos tinulugan ako. Tapos----*biglang nagchange yung facial reaction niya ---- > O_O* Hala! Baka narinig niya ako, ang ewan ko talaga! Bakit ko pa kasi nasabi yun.” Bigla siyang sumipa sa pader ng paulit-ulit
“Huy, ano ba kasing nasabi mo?” sinabi ko habang pinipigilan ko siya sa pagsipa sa pader…
“Tha-that, I like---”
“Mr. Bautista and Mr. Sanchez, what’s happening in here? Go back to your classrooms!” sabi nung isang teacher..
“Yes Sir” sabay naming sinabi..
Bumalik kaming dalawa sa kanya-kanya naming room. Sayang hindi niya natapos yung sasabihin niya.
Philip’s P.O.V.
Paano na ito? Alam niya na. Tama nga ako eh, iiwasan niya ako. Ang ewan ko talaga, dapat pinigilan ko na lang sarili ko sa pagsasalita. Mag-iiba na ang tingin niya sa akin simula ngayon. WAHH! Kung pwede lang mag curse, nag curse na ako pero ayaw ni Princess nun. Kaya hak na ..HAK! HAK! HAK! HAK! HAK!!!!
BINABASA MO ANG
Who will be my Prince?
Teen FictionA story of a girl who is trapped between 3 or 4 guys who'll fall for her with her even noticing. Manhid po kasi... Who will she choose: -her long time knight in shining armor and best friend... -a friend she knew had a crush on her before... -once e...