Chapter 42- </3

1.3K 16 7
                                    

Chapter 42

Emma’s P.O.V.

-       A  week after V-day   -

“Alam mo bang simula kanina umaga pang magkasama si Bookworm at si King. Tawanan sila ng tawanan, wala namang nakakatawa.  Parang mga ewan lang. Ganito ang pinagtatawanan nila ‘Yasmin, tingnan mo yung damo oh..*tapos ginawang pichy ung tono ng boses* ‘Ha! Oo, nga. Hahhaha!’.” Sabi ni Matthew sa akin habang masama ang tingin sa dalawang magkatabi sa bench.

“Sigurado ka bang yan yun pinagtatawanan nila?” Sabi ko.

“Hindi pero mukha namang walang kwenta yung pinaguusapan nila.” Sabi ni Matthew

“Hahha! Selos ka lang eh kasi mukhang mas nag-enjoy si Yasmin kasama si King.”

“Hindi kaya.” Sabi ng katabi ko.

“Halata kaya.”

“Ang alin?” tanong ni Liam na kakarating lang sabay upo sa kabilang side ko.

“Yasmin.” Sabi ko sabay turo sa labas ng window ng canteen

“Ahhh! Oo nga, masyado silang Masaya at kanina pa sila mag kasama.” Sabi ni Liam sabay subo ng chips[ Sa akin galing yung chips na yun -___-“] tapos naging masama din yung tingin kay Yasmin at King.

Ang cute kaya nila.  At dapat pagbigyan na nila si King, paalis na siya sa school eh. Alam niyo ba na muntik ng ipadala si Yasmin sa malayong lugar dahil 1 a.m. na siya nakauwi sa bahay nila after nung date nila ni King.  Kung hindi dahil kay King, nasa probinsya na sana si Yasmin.  At sabi ni Yasmin sa akin habang trap daw sila sa elevator bigla----

“Sino naman tinititigan niyo?”

“Oh, Philip, nandyan ka pala .” sabi ni Liam

Habang nagkwekwento ako sainyo, naubos na yung chips ko T____T WHY!?!? Hehe Jk:P

“Bakit niyo tinitingnan si Yasmin at King?” Tanong ulit ni Philip nang marealize niya na si Yasmin at King ang tinitingnan namin.

“Obvious ba? Kung makangiti silang dalawa eh…parang …sila na.”  biglang sinabi ni Matthew

Nanlaki naman yung mata nina Liam at Philip.

Narealize na din siguro nila.

----------------------------------------------------------

Matthew’s P.O.V.

After nung Valentines day, lagi ng magkasama si King at Yasmin. Although, sumama pa rin siya sa amin pero lagi niya ng hinahanap si King. At ngayong one week na makalipas yung araw na yun, mas lalo silang nagsasama. Minsan nga pagmagkikita kami nila Emma, Liam, at Philip, si Yasmin at King ang laging wala. Ayoko namang mag-isip ng masama pero nakakainis na eh. Kung mag-ngitian silang dalawa parang sila na. Wala akong magagawa kundi ang tanungin sila.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas sa canteen. Nang makalapit na ako sa kanila…

“Yasmin, tapatin mo nga ako, kayo na ba?!?” napahinto silang dalawa, halatang nagulat sa tanong ko…

“Matthew, wag mong guluhin si Yasmin.” Sabi ni King sabay hawak sa braso ko.

“Wag mo nga akong hawakan!” sabi ko sabay suntok kay King.

“Matthew! Ano ba?” Sabi ni Yasmin, na halatang naiinis na sa akin

“Wag kang lumapit sa kanya!” sabi ko kay Yasmin at nakinig naman siya

Lumapit ako sa kanya at…

Yasmin’s P.O.V.

Lumapit si Matthew sa akin at hinawakan ang wrist ko.

“Sabihin mo Yasmin, kayo na ba?!?” napahigpit ang hawak niya

“Matthew, nasasaktan ako.” Naluluha na ako

Bago makapagsalita ulit si Matthew..

“Matthew, bitawan mo si Yasmin!” sabi ni Kuya Philip at katabi niya si Emma at Liam.

“Sagutin mo ako, Yasmin.” Napahigpit lalo ang hawak ni Matthew. Nakikita kong galit na siya..

“Matthew, masakit na.” May tumulo na na luha sa mata ko, biglang bumitaw si Matthew at napaatras ng konti pero bago pa siya makapagsalita ulit, sinuntok na siya ni Kuya King. Lumapit si Kuya King sa akin.

“Ok ka lang?” tanong niya, sabay punas sa luha ko

Nang sinuntok ni Kuya King si Matthew, nahulog siya at hindi na tumayo. Tiningnan niya lang  kaming dalawa ni Kuya King.

“Kayo na ano, kaya hindi ka makasagot. Hak naman, Yasmin! Akala ko ba wala ka pang napipili, yun pala meron na. Tinago mo lang. Hak, Yasmin! HAK!!!!!” Sinuntok ni Matthew ang bench sa tabi niya tapos tumayo.

“Matthew!” Susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Emma.

“Wag mo munang lapitan, Best friend. Baka lalong magalit. Wag kang mag-aalala kakausapin ko siya.” Sabi ni Emma sabay sinundan si Matthew.

Biglang humarap ako kay Kuya Philip at Liam…

“Kayo na talaga?” malungkot na tanong ni Liam..

Hindi ko siya masagot, kasi masasaktan ko lang siya tulad ni Matthew. Tiningnan ko siya …

“Liam, I’m sorry. I’m very sorry.” Naglakad ako papapunta kay Liam pero bago ako makalapit sa kanya umalis na siya..

“Yasmin, why didn’t you tell me?” sabi ni Kuya Philip and I could see hurt in his eyes

“Kuya.. you would not understand.” Sabi ko tapos umalis na din si Kuya Philip.

Humarap ulit ako kay Kuya King tapos lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Kuya King, h-how could I be so selfish. Huhu..”

“Tama na Yasmin, kasalanan ko ito eh. Sorry na.” sabi ni Kuya King habang yakap parin ako ..

*RIIIIINNGGG!!!!!*

May klase pa pero hindi ko kayag pumasok sa klase ng ganito ang itsura ko…

“Halika, uwi na lang kita sa inyo.” Sabi niya.

Nagalakad kaming dalawa palabas ng gate at nag-sakay ng tricycle.

Pagdating namin sa tapat ng gate ng bahay namin, bumaba kaming dalawa sa tricyle at niyakap ako ni Kuya King. Sinabi niyang tatawag na lang daw siya sa akin at dadalhin niya na lang mamaya yung gamit ko. Nagpasalamat ako at pumasok na sa bahay.

Mabuti wala si Mama at Papa at mabuting wala sa sala yung mga kasambahay namin. Dumiretso ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang iyak ko.

Hindi talaga ako makapaniwala nagawa ko yun…

Nasaktan ko si Kuya Philip, Liam, at Matthew..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yellow_roses: Hello! Sorry ngayon lang ulit ako nag-update. 

Sana may readers pa ako... 

Well, kung wala na, continue pa rin ako sa pag-update kahit walang nagbabasa. 

Goal kong matapos itong story na ito bago mag October..:)))

sige BYEEE~:)

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon