CHAPTER 22
Yasmin’s P.O.V.
“Yasmin, gising na. nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo.” Sabi ni Liam
Paggising ko, napansin kong nakasandal pala yung ulo ko sa shoulder ni Liam.
“Hehehe, sorry nakatulog ako.”tapos ngumiti lang si Liam.
Bumaba si Liam ng taxi para makababa pero hindi na siya bumalik sa taxi.
“O bakit hindi ka sumakay ulit?”
“Kailangan kong i-ensure na nakapasok ka sa bahay niyo ng maayos at kukunin ko yung story sayo:)"
“Ahh, sige. Halika.”
Pagpasok namin sa bahay,pinantay ko na lang siya sa sala, nandun pa naman si Ma at Pa.
“Eto, ok na.”Binigay ko ang usb sa knya.
“Sige,alis na ako Yasmin. Bye po tita at tito.”
Nung nakaalis na si Liam….
“Yasmin, nanliligaw ba ulit yun?” tanong ni Papa.
“Pa, hindi po. Wala ng gusto sakin yan:D”
“Sige, sabi mo eh.”
----itong si papa talaga, gusto niya kasi si Liam kasi nga diba nung nawala si Kuya Philip, siya yung pumalit na Knight in Shining Armor ko..kaya yun..
So, umakyat na ako sa kwarto dahil gusto ko lang magbasa, wala naman kasing magandang mapapanuod sa t.v. Binuksan ko ang laptop ko at naglog-in sa messenger pero invisible lang dahil si Kuya Philip lang naman ang gusto kong makachat e.
After 20 minutes may nag pop na chatbox..
Yourprince: Hi queen ko:D
Sinara ko lang yung chatbox, baka masira lalo ang araw ko.
------------after 2 minutes------------------------
Yourprince: Alam kong invisible ka lang, hindi ako titigil kung hindi kay magrereply:D
At hindi nga siya tumigil; naka 5 minutes na siyang send ng send ng emoticons at naiirita na ako…Wahhh!!!
Mewantprince: Ano bang kailangan mo, si Emma na lang guluhin mo, siya naman girlfriend mo..”
Yourprince: Wala lang, gusto lang kitang inisin. Ayaw ko namang inisin si Emma baka magalit sakin at Ikaw ang queen ko.
Mewantprince: Pwede bang itigil mo na ang pagtawag sa akin na queen ko. Ano bang nagustuhan sayo ni Emma, bakit ka niya sinagot?
Yourprince: Gwapo kasi ako…maganda siya.. bagay kami:D
Mewantyourprince: Hindi ka magandang kausap, minsan try mong tumino.
Yourprince: Sige, magiging matino ako pag naging tayo na. Antay ka lang queen ko:D
Mewantprince: Ewan ko sayo, bye na.
Nag-sign out na ako, hindi kasi matinong kausap eh. Pagkatapos din nun nakatulog na ako.
Matthew’s P.O.V.
Hello, Matthew Bautista reporting:D first time ito…
So, ngayon nasa U.S. ako kasama ang papa ko. Actually, nasa bahay lang ako ngayon tapos siya nasa isang business meeting.
Diba gusto niyo parin ako para kay Yasmin? Wag kayong mawala ng tiwala sakin. Babalikan ko siya, pag ready na ako.
Yun lang, nagparamdam lang ako…bye:D
Yasmin’s P.O.V.
So, Monday na, start na ng worst two weeks ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko kinukwento ang Sundays ko noh? Dahil lang namn puro bonding lang kasama ang family ko, yun lang.
So after class hinatid ako ni Kuya Philip sa Arts and Craft room[galing ng school namin noh? Parang pang-elementary], dun daw kami gagawa ni King ng decorations. Pagpasok namin sa room nayun, nandoon na si King at nakaupo lang sa harap ng table.
“Sigurado ka bang, magpapaiwan ka dyan?”
“Kuya naman, kaya ko sarili ko. Wala namang gagawing masama sakin yan eh:D”
“Philip, wag kang mag-aalala. Aalagan ko yang maliit na bata.”tapos kumindat siya.
“Sige bye, Princess.”tapos yun umalis na si Kuya Philip.
Lumapit ako dun sa King na yun.
“O ano King, anong unang gagawin natin.?”
“Kuya King ho, mas matanda ako sayo.”tapos ngumiti siya.
“Whatever, hindi ako magbibigay ng respeto sa isang taong tulad mo.” Tapos nag bleh ako sakanya:P
Nakatayo parin ako nun, nang biglang sinara niya yung pintuan tapos lumapit sakin.
“Nakakaselos ka naman, queen ko. You’re hurting me.”bulong niya sakin tapos biglang nahulog siya sa floor. Doon lang siya nakapikit. Anong pakulo ito?
“Hoy, ano ka ba? Tumayo ka dyan.” Tapos sinisipa ko siya pero mahina lang.
“Ano ako?tao ho ako at wag ka ngang magulo. Can’t you see, I’m still hurting here…Ouch, ouch, my heart.” Sabay hawak niya sa chest niya.
“Ang O.A, tama na yan. 4 pm na wala parin tayong nagagawa.”
“Heh! Bahala ka dyan. Kuya King muna itawag mo sakin or else aabutin tayo nang 6pm dito na walang natatapos.”
“Ewan ko sayo. Kung ayaw mong tumayo, gagawa ako mag-isa.”sinipa ko siya ulit tapos nilapag ko na ang bag ko sa table at umupo sa upuan.
Tumayo siya bigla tapos umupo sa tabi ko.
“Queen ko naman, joke lang. Mahirap bang tawagin akong Kuya King?”
Hindi ko siya pinansin, kumuha lang ako ng ruler, pencil at cartolina tapos nilagay ko sa table.
“Ito try mo, KU-YA KI-ING. Isa pa, KU-YA-KI-ING.”
“Wag kang maingay, please.” Ang niya kasi eh..turuan ba naman akong sabihin ang Kuya King:))
“Ito na lang, TU-RON, TU-RON.” Sabay taas sa apat na turon.
“Wahh!!Turon.” tapos kinuha ko yung apat na turon.
“Selos na talaga ako ngayon. Yung turon kinaya mo pero yung ‘Kuya King’,hindi?”
“Salamat, Kuya King.”
Tapos ayun, kumain na ako ng turon.
“No problem, queen ko.”
Pagkatapos nun, ginawa na namin yung letterings pero hindi pa namin nagugupit napansin kasi ni Kuya King na sleepy na raw ako. Tingnan mo nagku-kuya king tuloy ako, binigyan niya ako ng pagkain eh:D
King’s P.O.V.
Ano ba itong si Yasmin, parang bata lang. madali talaga itong makidnap, bigyan mo lang nang pagkain, sasama na sayo.:))
Pero napangiti ako dun sa simpleng Kuya King na sinabi niya.
-----WAHh!! Stop, ano ka ba King? Hindi pwede yang nararamdaman mo. Sumunod ka lang sa plano.
Anong bang nararamdaman ang pinagsasabi ko, wala namang akong feelings dun...
Naglalakad nga pala kami ngayon dahil hahatid ko siya sa bahay niya. Baka pag-iniwan ko itong mag-isa, magalit pa si Philip. kailangan ko kayang makuha ng trust nila...Nagtataka siguro kayo kung ano yung plano na pinagsasabi ko kanina? haha, mukha namang sasabihin ko sainyo. It's for me to know and for you to find out^_^
"Sige bye, queen ko."
"Bye 'Kuya King', ayan ah, sinabi ko na. Mag-ingat ka, laging isipin si Emma."tapos pumasok na siya sa gate nila.
pwede bang ikaw na lang isipin ko? okay lang kay Emma....kadiri ka King, ang corny mo...
~~~~Hello po, wala lan nag hello lang sainyo, kung meron mang-nagbabasa nito:D~~~~
-Yellow_roses
BINABASA MO ANG
Who will be my Prince?
Teen FictionA story of a girl who is trapped between 3 or 4 guys who'll fall for her with her even noticing. Manhid po kasi... Who will she choose: -her long time knight in shining armor and best friend... -a friend she knew had a crush on her before... -once e...
