Chapter 28
Philip’s P.O.V.
Kahapon birthday ni Yasmin, hindi ako nakapunta sa hinandang celebration ni Emma. Binigyan ko nalang siya ulit ng e-mail, hanggang dun lang kasi ang kaya ko. Si Abie kasi grabe magmanman, hahanap talaga ako ng paraan para maging free sa babaeng yun.
Ang aga ko palang nagising, 4: 00am gumising ako para lang mapuntahan ko si Princess sa bahay nila. Siguro naman hindi pa gising ang mga alagad ni Abie.
5:00 am na, siguro pwede ng gising si Princess, matawagan nga..
Yasmin’s P.O.V.
*RINGGG!!!!*
Hala, ang aga naman gumising ng taong ito, 5:00 am pala…
“Hello…”nasa kama pa rin ako ..
“Princess, nandito ang Knight mo.”
“Hello, adik ka ba? Masamang pagtripan ang bagong gising.”
“Princess, si Kuya Philip mo ito. Tumayo ka na sa kama mo at bumaba ka dito.”
Wa- woah, ang aga nama ni Kuya..
“Kuya Philip, aga pa eh. Tulog muna ako. Bye.” Binaba ko yung phone ko..
*RINNGGG!!*
“Princess, tayo ka na please… may gift ako sayo.”
“Gift?, ahh sige baba na, bye ..”
Sinuot ko yung glasses ko tapos nag brush ng teeth. Hindi na ako nagsuklay, si kuya Philip lang naman yun.
Pag open ko ng gate, niyakap ako agad ni Kuya Philip…
“Ahh, namiss kita Princess.”
“Ku-kuya, hindi na po ako makahinga.”
“Eh, sorry.” Tinanggal niya yakap niya sakin..
“Okay lang , gift ko.” Tinaas ko yung right hand ko na parang nanlilimos ako.
“Ito…” biglang ngumit si Kuya..
Pagbukas ko ng gift ni Kuya, necklace din.. Princess naman nakasulat tapos gold din..
“Akin na isusuot ko sayo. Ingatan mo ito ahh.” Kinuha niya yung necklace tapos nilagay sa leeg ko..
Nagiba yung mukha ni Kuya, napansin niya siguro yung hello kitty necklace. Kung kanina ang laki ng smile niya, ngayon parang naging smown[smile+frown= oo corny sensya na, hindi ko alam paano I explain]
“Kanino galing yang Hello kitty necklace, ngayon ko lang nakita yan.”
“Ahh, ito gift lang sakin ito.” Hawak ko pa yung hello kitty necklace
“Sino nagbigay, si Liam?”
“Hindi. Oh bakit naka school uniform ka na?”
“ Hatid na kita dun, kaso agahan natin ah..baka makita tayo ng evil girlfriend ko.”
“Huh, ano sabi mo tungkol kay Abie? Sama talaga ni Kuya..”
“Heheh, ok lang yun. Mag ready ka na para makaalis na tayo.”
“Sige, pasok ka muna kuya.. tulog pa sila mama kaya sorry wala tayong breakfast.”
“Oks lang , bilisan mo maligo.”
Umakyat na ako sa kwarto ko tapos naligo. Pagkatapos kung maligo nag bihis na ako ng uniform. Nag suklay tapos tumingin ako sa mirror. Ang cute talaga ng necklace na binigay ni Matthew, ---wait diba sabi niya siya daw mag hahatid sa akin papunta ng school. HAk!! Pero ok lang naman yung kay Matthew, tatawagan ko na lang siya…[nakuha ko yung number niya dahil madalas siyang tumawag sakin dati, at kung ano ano ang pinagsasabing pang-asar]
BINABASA MO ANG
Who will be my Prince?
Teen FictionA story of a girl who is trapped between 3 or 4 guys who'll fall for her with her even noticing. Manhid po kasi... Who will she choose: -her long time knight in shining armor and best friend... -a friend she knew had a crush on her before... -once e...
