CHAPTER 23
Yasmin’s P.O.V.
“Anak, sino yung naghatid sayo?”tanong ni Mama.
“Bago ko pong kaibigan at boyfriend ni Emma.”
“Ahh, sayang naman, gwapo pa naman. Kung sakaling mag-break sila ni Emma, magpa-cute ka dun ah.”
“Yuck Ma, wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend at hindi pwedeng mag-break si Emma at si Kuya King, Masaya sila sa isa’t isa.”
“Okay lang yan, nandyan naman si Philip noh?”
“Hak, paano naman nasali si Kuya Philip dito?
“Wala lang. kain na tayo.”
After naming kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Lagi nang datin kong ginagawa, lumabas ako kasama si Kitty pero ngayon, wala akong binasang story.
Nang nakarating na kami sa park, may nakita akong babaeng nakaupo sa swing, yung usual spot ni Creepy Guy. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakayuko eh. Aalis na sana ako ng bigla, narinig kong umiyak.
Nilapitan ko siya..
“Ito oh, panyo ko.” Inoffer ko yung panyo ko..kwawa naman yung babae, baka naheart broken.
“Salamat.”pinunasan niya luha niya tapos tumingin sakin.
And grabe na shock ako, pareho kami ng itsura, may ilong, mata at bibig din siya tulad ko…hehehe, joke lang pero grabe, halos pareho yung hairstyle namin and may glasses din siya tulad nung akin.
“My name is Abigail, and you?”ang bilis naman mawala ng luha ng babaeng ito.
“Ah…ako pala si Yasmin. Bakit ka nga pala umiyak kanina?” umupo ako sa katabing swing.
“Ahh yun, dahil sa isang girl.”
OMG? May gusto ba ito sa mga bab—
“Hindi yun yung iniisip mo, dahil dun sa girl na yun, ayaw sakin ng lalaking mahal ko.”
“Ahh, sorry wala akong mabigay na advice. Wala pa akong experience sa ganyang bagay eh.”
“Hehehe, ok lang yun. Salamat na lang sa panyo mo.” Tumayo siya tapos binalik niya ang panyo ko at tumakbong paalis.
------------------------------------------------------------------------------------------
-Next Day-
As usual sinundo ako ni Kuya Philip sa bahay at nag bigay ulit ng Hershey’s kisses. Sweet talaga ni Kuya Philip, hindi ko alam anong gagawin ko pagnawala ulit siya sakin…
Pagdating namin sa school, nakasalubong namin sina Emma, Liam, at si Kuya King.
“Best Friend!” sabay hug.
“Ah, tama na. hindi na ako makahinga at kung makayakap ka parang hindi tayo nagkita kahapon.”
“Wala lang, masama na bang yakapin ang best friend ko?”
“Hindi naman, akyat na tayo.”
Nauna kami dalawa ni Emma tapos nasa likod lang namin yung tatlong lalaki.
Habang umaakyat kami papuntang 3rd floor nakarinig kami ng babaeng sumigaw. “I Love you, Akin ka lang.” tingnan namin kung saan galing yung sigaw pero hindi namin nakita
Maya-maya na lang lumapit si Kuya King at kinuha si Emma sakin. Siya na daw mag hahatid kay Emma. May mabait na side din naman pala itong si Kuya King, kahit may pagka-ewan.

BINABASA MO ANG
Who will be my Prince?
أدب المراهقينA story of a girl who is trapped between 3 or 4 guys who'll fall for her with her even noticing. Manhid po kasi... Who will she choose: -her long time knight in shining armor and best friend... -a friend she knew had a crush on her before... -once e...