Chapter 19

2.5K 31 2
                                    

CHAPTER 19

Yasmin’s P.O.V.

“Anong sinabi mo?” nainis ako sa sinabi ng King na yan.

Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Queen ko.” Bulong niya sa tenga ko.

“Excuse me, lumayo ka sa tabi ko. I didn’t come here to flirt with you.”

Tinulak ko siya at palayo sakin tapos naglakad na ako.

Saan ba si Emma or si Kuya Philip kung kailangan ko sila.

“Apparentlly, you have to live with it kasi 2 weeks mo akong makakasama.”

Napahinto ako tapos humarap ako sa kanya.

“What?!?”

“Quiet, you’re making a scene queen ko.” Tapos nag smirk siya.

Lalapitan ko na sana siya dahil gusto ko siyang sapakin, [kanina niya pa ako tinatawag na queen ko. Naiinis ako sa mga lalaking ganyan],kaso nagulat na lang ako nang bigla dumating si Emma at niyakap yung “king” na iyon.

“Emma, kilala mo siya?”

“Best friend, boyfriend ko nga pala.” Sabi ni Emma habang nakahawak sa braso nung “king”.

Natulala lang ako…hindi kasi ako makapaniwala na may boyfriend na si Emma. Hindi man lang siya nagshare na may nanliligaw na pala sa kanya.

.

.

.

Bumalik ako sa senses ko ng biglang may nagsalita.

“Princess,narinig kong nag-iingay ka sa canteen.” Sabi ni kuya Philip.

“Hehehe, Yasmin pagpasenyahan mo na lang si King, makulit talaga siya.”

“Narinig mo?”

“Hhahaha, oo naman friend. Ang lakas kaya ng mga pinagsasabi mo.”

“Sige alis na kami. Yasmin, ito pala ang list ng kailangan nating bilhin.” Sabi ni King.

“Best friend, kita na lang tayo mamayang lunch.”

Inabot ni King yung listahan tapos nagwink at lumabas na sila ng canteen.

“Princess, hatid na kita sa sa classroom niyo. Malapit na magbell.”

Habang umaakyat kami ni kuya ,tinatanong niya ako tungkol dun sa nangyari sa canteen.

“Anong sabi nung King sayo, bakit parang nag-away kayo?”

“Wala yun, nainis lang ako.”

“Ahh, okay.”naging malungkot ata itsura ni kuya..ahha alam ko na..

“Kuya,wag kang ma-dissappoint. Marami pang ibang babae diyan.”

Philip’s P.O.V.

“Kuya, wag kang ma- dissappoint. Marami pang ibang babae diyan.”  Sabi ni Yasmin. Napahinto tuloy ako.

Kanina lang iniisip ko kung magkakaroon kaya ako ng pag-asa kay Princess, pero syempre tinggal ko na sa isip ko yun, tapos bigla siyang nagsabi nang ganon.

Nagpaparinig ata itong si Princess eh… tiningan niya lang ako kasi napansin niyang huminto ako.  Sasabihin ko na kay Princess ang nararamdaman ko kahit magalit siya o kaya kahit hindi niya na ako kausapin.

Mas nauna sakin ni Princess ng ilang steps. Hinawakan ko kamay niya tapos humakbang ako ng ilang steps para pantay na kami. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya. Nagulat siya bigla, sa gitna kasi kami ng stairs tapos ang daming dumadaan.

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon