Chapter 11-15

3.1K 40 5
                                        

-CHAPTER 11-

Yasmin's P.O.V.

"Hi, bookworm"sabi nung lalaki.

Bigla tumakbo si kitty sa harap nung dalawang lalaki at nagsimula siyang tumahol. Lumapit ang dalawang lalaki sa akin. Nakita kong mga kaibigan pala ni Matthew.

"Bakit kayo nandito? Pinapunta ba kayo ni Matthew dito para asarin ako? Well kung Oo, nagtagumpay kayo. Mukha niyo pa lang naasar na ako. Sige alis na ako."

"Wait lang bookworn, date tayo." Sabay hila sa braso ko.

"Anong date ang sinsabi mo, si Matthew ba ang nag-utos sa inyo. Please, don't touch me!" sigaw ko dun sa lalaki at lumayo sa kanya.

"Walang kinalaman si Matthew dito. Halika na nga bookworm!" sabay hawak nung dalawang lalaki sa braso ko.

Bubuhatin na sana ako nung dalawang kaibiga ni Matthew ng may sumigaw.

"Hoy! Mga panget bitawan niyo si Yasmin!" sigaw nang lalaking kakarating lang.

"Hoy! Mas panget ka. Paano kung ayaw namin?" sabi nung isang lalaking habang hawak pa ang braso ko.

"Pag hindi niyo siya bibitawan. Bubugbugin ko kayo." Sigaw pa rin nung lalaki.

"O, pare hawakan mo muna si bookworm." Tapos binigay ang isang braso ko sa kasama niya.

Nagbugbugan ang dalawang lalaki habang hawak parin ako nung isa pang lalaki sa braso. Pumikit ako. Takot kasi ako sa mga nagbubugbugan.

"Oh ano! gusto mo rin mabugbog?" sabi nung lalaking naghahamon ng away.

Bigla akong binitawan ng lalaking may hawak sa braso ko at nahulog ako sa ground.

"Yasmin? Princess? Ok ka lang ba?" sabi nung lalaki. Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko si Liam.

"Liam!! Thank you! Akala ko may mangyayari nang masama sa akin." tumayo ako tapos niyakap si Liam.

"Ikaw kasi, gabi na pero lumabas ka parin." Sabi ni Liam habang nakayakap pa rin ako.

"Akala ko nagalit ka sa akin, hindi mo kasi ako kinausap for about a year."

"Ano ka ba, hindi ko kayang magalit sayo." Tapos umalis siya sa hug ko tapos may kinuha sa bag na dala niya.

"Toblerone oh.....diba gusto mo yan?" Sabay ngiti na binigay sa akin ang toblerone.

"Bakit ka may Toblerone sa bag mo, diba ayaw mo ng chocolate?" tanong ko sakanya.

"Ahh...Ayaw mo ba, sige pakain ko na lang kay kitty. Kitty come here." lumapit siya kay kitty at hinawakan ang leash niya.

"Hindi ko naman sinabing ayaw ko. Thank you. Alam mo baka tumaba ako. Ang damin nagbibigay ng chocolate sa akin."

"Sino-sino naman ang nagbibigay sayo?"

"Syempre si Kuya Philip, ngayon ikaw at ang isa kong friend."

"Sinong kaibigan naman yun?"

"Ang dami mo namang tanong. Hindi mo siya kilala, ako nga hindi ko rin kilala."kinuha ko si kitty sa kanya.

"Siguro may may bagon manliligaw ka noh? Hahaha, sabi ko sayo hindi ka panget eh, daming nag kakagusto sayo."

"Hindi ako maganda. I'm very ugly."

"Yasmin, diba sinabi ko na sayo dati na ang ganda-ganda mo. Nakatago lang yung mala-anghel mong ganda sa thick glasses mo." sabi niya sakin habang nakatingin sa mata ko.

"Eikk! Pwede kang maging lawyer, galing mong magsinungaling. Change topic. Yung tinatanong mo kanina, I call him Creepy Guy because he doesn't really show his face and he comforts me."

Who will be my Prince?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon