Chapter 39 part 2 -Ice Cream !

1.7K 22 13
                                    

Chapter 39 part 2

 Yasmin’s P.O.V.

WAHH! Mabuti na lang mabait yung mga teachers namin dahil bibigyan nila kami ng chance para ma-take yung quizzes na na-miss habang naglilinis kami ng canteen. Si Isis, hindi kami magkasundo, ang ganda-ganda ng panahon eh tapos magkasalubong yung kilay niya.

Isa pang..WAHHH! kasi yung project namin sa T.L.E. ay gagawa kami ng isang whole meal kasama na yung main dish..dessert…at kung ano pa. Eh hindi marunong magluto si Liam. At nagbunutan nung lunch, ang main dish na lulutuin namin ni Liam ay….Beef carpaccio with apple and pear chutney and saffron infused cuscus. Hindi ko alam kung ano yun. Nung binasa ni Liam yan, feeling ko nagnosebleed ako.:))

Kaya nga after classes, nagpunta kami ni Liam sa library at nag hanap ng meaning nun sa cook books. At base sa mga binasa namin, a beef carpaccio is an italian dish basically its rare roast or pan seard steak, with various spices and the apple and pear chutney is like your salad or side dish with a vinegrette pero you have to chop them into cubes and saute them first, so parang duon manggagaling ung acidic part ng dish mo.

Ahm…Bahala na! :))

Yung cooking na yun ay mangyayari bukas kaya pumunta kami ni Liam sa grocery. Ngayon nasa grocery na kami. Syempre umuwi muna kami para magpalit and Liam insisted that I should wear my contacts again..Grabe, grocery lang eh. Arte-arte ni Liam..:))

“Ang mahal naman ng ingredients ng main dish na iyon. Ang mahal kaya ng saffron at yung chutney..something, feeling ko hindi natin magagawa yan.” Sabi ko..habang hawak yung saffron sa left hand ko.

“Mag fried chicken na lang kaya tayo, mas madali pa!” sabi ni Liam habang nakahawak sa handle ng cart.

“Kung pwede lang eh…” sabi ko, sabay lagay ng saffron sa cart…

“May kakilala ako sa klase natin na magaling mag-luto at wiling na makipagpalit ng lulutuin.”

“Ohhh! Sino? Sino?”

“Si Kristel, magaling magluto yun. Dati may pinatikim siya sa aking dish, hindi ko lang alam kung anong tawag, pero ang sarap. Siya nagluto noon.^____^”

>.<

“Oh, edi siya na! Siya nang maranong magluto ng gourmet dishes.”

Naglakad na ako palabas ng supermarket at umupo sa pinakamalapit na bench na nakita ko.

ARGG!>.<

Ipamukha ba naman sa akin na hindi ako marunong magluto ng gourtmet dishes. Sorry ha! Simple dishes lang niluluto ko.  

Sa sobrang inis ko, nakapag behlat ako sa isang cute little girl. Umiiyak tuloy siya at nahulog yung ice cream niya.

WAIT!...Ice cream????

Nilapitan ko yung bata, buti na lang wala yung Mama niya.

“Bata, sorry. Nainis lang ako sa kaibigan ko, porket hindi lang ako makaluto ng masasarap na pagkain, ganon na siya magmayabang.”

“Ate, nagsosorry ka ba talaga or naglalabas ka ng sama ng loob?”

“HAhha, sorry. Nagsosorry ako. Pasensya na ah..bilhan na lang kita ng bagong ice cream..Saan mo nabili yan?”

Tinuro nung cute little girl yung ice cream shop..and to my surprise…

BASKIN ROBBINS!

Hinila ko yung little girl papunta sa ice cream shop.

Hinanap ko kaagad yung favorite flavor ko…

WAHHH! Merong Mint Chocolate Chip na flavor…

“Kuya, isang mint chocolate chip, cookies and cream, chocolate, at Jamoca Almond Fudge.”

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon