Chapter 50

905 9 6
                                    

Chapter 50

Yasmin’s P.O.V.

Beeeep...

Beeep...

Beeep...

Beeep....

Beeep

Yung heart monitor lang ni Kuya Philip ang maririnig mo sa kwarto niya dito sa hospital. Ang sakit sa puso na Makita na ganito itsura niya.

Parang kahapon lang nagtatawan kami tapos ngayon nandito siya, nakahiga sa isang kama, hindi gumagalay at nagsasalita.

Sigh

Sunday na.

 1 week na si kuya dito, ibig sabihin, 1 week na din ako hospital na ito. Pinapaalis nga ako ng mga staff dito eh kaso nag makaawa ako sa kanila[ibig sabihin, umiyak ng umiyak sa harap nila]Dinalhan lang ako ni Emma ng damit dito. Yung mama ni kuya, araw-araw bumisita. Pinilit niya nga din ako umuwi eh kaso hindi ko talaga kayang iwan si Kuya dito.

“Kuya, ano na? Isang linggo ka na dito? Nakaiwas ka na sa exam kaya safe ka na, pwede ka nang gumising.” Hawak ko yung kamay niya..

“Huy.”

O__O

Napalingon ako kung saan galing yung boses.

“Hi.” Sabi ko..

Tiningnan niya ako, parang pinagaaralan yung mukha ko...

“Kumain ka na ba?” tanong niya

Hindi ako nag-salita. Binalik ko na lang yung attention ko kay Kuya Philip

“Yasmin, napakaputla ng mukha mo. Kumain ka ba?” tanong ni Liam ulit

“Emma, palitan mo nga si Yasmin sa pwesto niya kasi baba lang kami para maghanap ng pagkain.” Sabi niya tapos nakaharap kay Emma na nakaupo sa sofa na nasa kabilang side ng bed ni Kuya.

Tiningnan ako ni Emma tapos ngumiti siya parang pinipilit akong sumama. Everyday din si Emma nandito, well silang tatlo. Matthew, Liam at Emma

Pagkatapos na pagkatapos nila mag exam, didiretso silang tatlo dito at sasamahan lang ako. Kinakausap nila ako pero “Hello” at “Bye” lang lumalabas sa bibig ko.

“Best Friend, ako naman dyan. Sige na, kailangan mo nang fresh air. Please? Wag kang mag-alala, hindi ko papabayaan na makaalis si Philip. Haha!” Sabi ni Emma as a joke..

Nginitian ko lang siya. Pilit na ngiti

“Yasmin, Sige na. Hindi naman siguro gusto ni Philip na iniiwasan mong kumain, diba?”  Pilit ni Liam.

Umiling ako.

At dahil napakabait ng tiyan ko, my stomach grumbled. -__-

Lumapit si Liam sa akin tapos ngumiti..

“Halika na Yasmin. Ayaw mo naman siguro na kaladkarin kita palabas diba?” sabi niya habang hinawakan yung left arm ko. 

“Please?” sabi nilang dalawa

Tumayo na lang ako, pero bago ako umalis tiningnan ko muna si Kuya Philip.

“Babalik ako Kuya. Bye.”

****

Lumabas kami ni Liam sa hospital at pumunta sa isang maliit na carinderia. Naghanap siya ng available na table at chair at pinuupo ako ng nakahanap na siya.

Tiningnan ko lang si Liam, lumapit dun sa babae na nagbebenta. Laki ng ngiti nung babae tapos si Liam naman kung makangiti parang....parang---

Bakit ako naiinis?

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon