Chapter 38 part 2- dedma..

1.8K 27 17
                                    

Chapter 38 part 2

Yasmin’s P.O.V.

*Flashback*

“HAH!?”O_O

“Bakit? “dugtong ko…

“I can’t always pretend that everytime na sweet sayo si Matthew, ay hindi ako nagseselos. Kaya mas mabuti na lang na umalis ako. Mahirap makapag-move on…”

“…” Basta pag ganito.. hindi ko alam kung anong sasabihin ko..Ayaw kong madagdagan yung sama ng loob ni Kuya..

“Sabi ko sayo, umalis ka na. kasi alam kong pag ako nagsalita..wala kang masasabi dahil kuya lang naman ang tingin mo sa akin…”Nagsimula siyang maglakad

“Kuya! Wag kang umalis, please. I may not like you the same way you like me but I really care for you.--”huminto siya sa paglalakad at nagsalita ng hindi tumitingin sa akin..

“But….mas gusto mo si Matthew.”

“Kuya naman, pareho ko lang kayo gusto ni Matthew but if I treat you the same way, maraming magbabago..and I don’t want that..”humarap na siya sa akin..pero same distance[malayo parin sa akin]

“Paano pag gusto ko yun?”

“…” My eyes started to water…hindi ko talaga alam anong gagawin ko…habang tumatagal ito, hindi ko alam kung paano ko aayusin…

“Ayan ka na naman, iiyak ka na naman. Dati ako nagpapatahan sayo, ngayon ako ang naging reason kung bakit ka umiiyak…kaya mas mabuting bumalik na ako sa U.S.. Maybe next week yung flight ko..”tumalikod na siya at umalis..

Habang ako nakaupo sa bench na umiiyak at takip yung mukha ko gamit ang kamay ko.

Iiwan na naman ako ni Kuya Philip, ngayon ang reason niya dahil gusto niyang maka move-on sa akin. Nalala ko nung bata pa kami, lagi kaming magkasama at hindi niya ako binababayaan na lumabas ng mag-isa dahil naman kasi utos yun nung parents niya..pero hindi ko alam na aabot pala sa ganito…

I cried like there was no tomorrow.. nang….

…..

….

..

.

“Wag ka nang umiyak, ako nasasaktan niyan..” pagtingin ko

“Kuya..akala ko iiwanan mo na naman ako..” umiiyak pa rin ako..umupo siya sa tabi ko..

“Pwede ba yun? Umiiyak ka dyan tapos ako walang care sayo? Syempre hindi…Ayaw parin naman kita nakikitang umiiyak..”sabi niya habang pinupunasan yung luha ko gamit yung panyo niya..

“Ibig sabihin hindi ka na aalis?” tanong ko

“…” naging straight yung mukha niya tapos pinunasan ulit yung luha ko..

“So, aalis ka pa rin..”umupo na siya ng maayos..

“Oo, nakabook na eh.”

“Kuya naman eh, please wag ka nang umalis…what do I have to do for you to stay?”

“Hehehe, hindi dapat yan ang tanong mo kasi hindi mo mabibigay ang sagot ko. Dapat ang tanong mo, ‘Anong pasalubong ang dadalhin ko pabalik sayo?’ “

“Kuya, Sorry…kung nagulo ko man buhay mo..”

“No need to be sorry..” then he smiled…

*End of Flashback*

Ito nga aalis na si Kuya, nasa bahay lang ako..hindi ko siya kayang makita na umalis. Sabi niya 2 years lang naman daw siya dun pero ang tagal kaya nun. I did my best to convince him not to leave but it didn’t work. Ngayon siguro nasa loob na siya ng airplane..

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon