Chapter 35---You're reading?!?

2K 25 27
                                    

Chapter 35

Yasmin’s P.O.V.

Hello! Kamusta kayo? Fine? Good! Ako? Ok lang din. Fine, I’m still the same Yasmin De latorre, the campus bookworm..and..

*You have one message* AHh, wait lang. tingnan ko lang…

--------------------------------------------

From: Matthew [Dating Crush]

Hello, good morning!                                                                                                                                   Sunduin kita ah, ngayon ang 1st day ng panliligaw ko sayo.

Bye, Future GF!

P.S. Nasa baba na pala ako ng bahay niyo:-*

------------------------------------------------------------

Hak! May future GF pa, taas talaga ng confidence panget na yun…

Kinuha ko yung mga gamit ko tapos lumabas na ng pintuan. [hahaha, sorry naman. Kakatapos ko lang asarin yung tao tapos ngayon makikita ko na siya..AHYiiee! YUCK!]

 Pagbaba ko ng sala. Nakita ko si Matthew, kausap yung parents ko.

WAHHH!!!! Bakit siya pumasok ng bahay!

Napatingin silang tatlo sa akin…

“Sige po, alis na po kami. Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po itong bookworm na ito.” Sabi ni Matthew habang hinihila ako paalis ng bahay…

“Bye Ma! Bye Pa!” yun na lang nasabi ko kasi lumabas na kami ng bahay…

------------------------

Paglabas namin ng gate bigla siyang nagreet..

“Good Morning, Yaya.”tapos todo smile siya. Tumingin ako sa likod ko. Tiningnan ko kung nandun sa likod ko yung yaya niya, pero nung tiningnan… ko wala naman.

“Ako?” tinuro ko pa sarili ko nun

“Oo.”

“Hala, bakit yaya? Mukha ba akong katulong?”

“Hindi, mukha ka ngang nerd eh.”

“So, bakit mo ako tinawag na yaya?”

“Kasi parang Mat-mat lang, inuulit.” Smile ulit siya..

“Ahhh, yan ba itatawag mo sa kin simula ngayon?” nag nod siya..

“Pati sa school?”tinuloy ko yung sentence ko..nagnod ulit siya..

“Pwede ba bookworm na lang? baka naman kasi isipin ng mga tao na alipin mo ako?”

“Ayaw ko nga! Cute ng Ya-ya eh.”pagkatapos niyang sabihin yun, naauna na siyang lumakad sa akin..

.

.

“Ahhh,sige. Basted ka na! pwede mo nang ihinto ang panliligaw mo! Maauna na ka lang din sa school, tatawagan ko na si Kuya Philip.” Bigla siyang tumingin sa akin..

“Seryoso ka?” hindi ko siya pinansin. Kinuha ko lang yung phone ko at nag-dial ng number[kunwari lang:))]

“Huy! Hindi na kita tatawagin Ya-ya. Daya mo naman eh, hindi pa nga ako nakakapagsimula sa panliligaw ko sayo tapos basted na agad. Hindi na talaga, Promise..*tinaas niya right hand niya*. Ito oh, gift ko sayo. Alam ko kasing maaasar kita eh.” Sabay abot sa toblerone..

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon