Chapter 38-"Babalik na ako sa U.S.

2.1K 27 17
                                        

Chapter 38

Liam’s P.O.V.

Habang naglalakad ako sa school, may narinig akong mga grupo ng mga chismosa na nagchichismisahan..[pauwi na ako, kung tinatanong niyo lang..mga 6 na]

1st chismosa:“Alam mo ba yung binansagang bookworm ng third year, nililigawan ni Matthew”

2nd chismosa:“Oh? Old news na iyan pero marami atang naiinis dun sa Bookworm.”

1st chismosa:“Oo nga eh at ang pinakabago…kanina ko lang ito narinig..”

3rd chismosa:“Ano?”

1st chismosa: “Alam mo yung late comer sa third year?”

3rd chismosa:“Oo naman yung gwapo, si Philip…”

1st chismosa:“Oo, sabi nila si Philip daw na kababata nung Bookworm…nagtapat ng true feelings niya. “

2nd chismosa“Anong true feelings?

1st chismosa: “Na matagal niya nang gusto yung Bookworm..”

O_O Ano may gusto si Philip kay Yasmin?

1st chismosa: “Pero alam mo basted ata siya eh… “

3rd chismosa: “So ibig sabihin…may gusto yung Bookworm kay Matthew?

2nd chismosa: “Yung bookworm nay un..ang panget panget tapos ang daming nagkakagusto..siguro ginayuma niya yung lahat..Sino ba naman kasi nag magkakagusto sa isang bookworm?”

“Ahem!ahem…Ako, magkakagusto ako sa ‘isang’ bookworm..” bigla akong sumingit sa kanila..pinagchichismisan na si Yasmin eh…

“Ay! Hi Liam..” sabay nilang sinabi..

“Uhm..excuse me po..para sabihin ko sa inyo..1st, hindi po panget yung bookworm; 2nd, mabait siya at masipag; at 3rd hindi bookworm ang pangalan niya. Yasmin… say it…Yas-min”

“Ya-ya-yas- min” sabay nilang sinabi..

“Once more, Yas-min”

“Yas-min..”sabay nila ulit sinabi..

“Very good, ngayon umuwi na kayo kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa principal…”

“At ano naman ang sasabihin mo dun?”tanong nung 2nd chismosa

Hala! Isip..Liam..isip..

..

.

Aha!

“Diba kayong tatlo yung nagsulat ng ‘I <3 Matthew’ at nung ‘Akin ka lang King’ sa tabi ng washrooms?”

“Ha! Ah sige..Bye…”sabi nung 2nd chismosa..

“Bye Liam.” Sabi nila tapos tumakabo palabas ng school

….Sabi ko na nga ba eh..si Philip,pasimple pa pero may gusto din naman kay Yasmin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay…may nakita akong lalaki nakaschool uniform at naka-upo sa swing na inuupuan ni Yasmin at nakayuko siya..

Who will be my Prince?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon