Chapter 33- A Nearly Revelation

2.1K 26 18
                                    

CHAPTER 33

Yasmin’s P.O.V.

*Flashback*

Eickkk! Hala bakit ganon…*Dug*Dug**Dug*Dug*…yung heart ko…

Ano nangyayari sa akin?

Tinanggal ko kaagad yung kamay ni Kuya King tapos inayos ko yung pag-upo ko.

“Ahh, maraming tao…eh…baka may makakitang galing school at ano pang-isipin.” Sabi ko…bigla siyang ngumiti..

“Ano ka ba ok lang yun, let’s return to our position.” Hahawakan niya na sana yung kamay ko nang biglang tumayo ako at nagsalita…

“Ahh, alam mo bang ang sweet ni Liam. Binigyan niya akong ng maraming maraming roses.” With action pa yun ng marami^_^

Nung sinabi ko yun, biglang naging parang may nag-iba sa smile niya..

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya..

“Ah, oo naman. Favorite flower ko yun eh.”

“Ahh, ok.”

“Huy, Kuya King, uwi na ako ahh. Salamat sa pag comfort mo sa akin. Salamat sa ice cream. Bye!” tumalikod na ako nun..pero hindi ako nakagalaw kasi hinawakan niya kamay ko..

Tumingin ako sa kanya…tapos nagkatinginan lang kami for…

1

2

3

4

5 seconds…

“Hatid na kita.” Sabi niya..

--------------------------------------------------------------------------

Nang makarating na kami sa tapat  ng gate namin, paalisin ko sana siya ng biglang nagbukas yung gate…

“ANAK! May bisita ka pala..pasok.” sabi ni Mama..

“Ah, hindi na Mama. Aalis na po siya.” Sabi ko sabay tulak kay Kuya King..

“Ah, sige po tulad ng sabi ng anak niyong cute aalis na ako.”

“HINDII!! Papasok pa siya ng bahay, uulan oh..” sabay turo sa langit na biglang kumidlat. Nakahawak na si Mama kay Kuya King nun at hinihila siya papasok sa bahay.

*End of Flashback*

At sa nabasa niyo naman, pinapasok ni Mama si Kuya King . Ang lakas na nga ng ulan, dito pa siya kakain ng dinner at balak pang patulugin dito.

Nasa dinner table na pala kami, kinakausap ni Mama at Papa si Kuya King ngayon.

“So, matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko?” tanong ni Mama..nakangiti pa..

Ganito yung position namin sa table..

Papa    Blue                      Me

King    Mama

[layo ko sakanila ano?]

“Ahh opo, matagal ko na po siyang kilala.”sabi niya sabay smile…

Hindi kaya… halos 2 months pa lang ata…

“Hindi pa ba tayo kakain?” tanong ko..

“Sige, kain na tayo. Ito oh King, masarap yan.” Grabe pinagsilbihan pa siya ni Mama.

.

.

.

.

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon