Chapter 49

1.1K 12 4
                                    

Na excite akong mag post...nagawa ko na ito nung pinost ko yung isa :P 

Hello sa mga readers!!!

Uhmm, maikli lang itong chapter na ito.  

Mag vote po kayo or comment or become a fan kung gusto niyo. 

Kahit 3 votes lang po[kasama na yung vote ko] ipopost ko na agad yung next chapter! 

-----------

Yasmin’s  P.O.V.

“Kuya King, natatakot ako!” sabi ko ng pabulong.

“Wag kang matakot kasama mo naman ako eh.” Sabi niya tapos hinigpitan yung hawak sa kamay ko.

“Ehh, kailangan ba talaga ito?”

“Oo, ano ang sense nang ginawa natin ngayon kung hindi natin ipapakita sa pamilya ko?”

“Ehh, hindi ito mag-wowork.  Hindi ako magaling umarte..”

“Don’t worry, akong bahala.” Sabi niya sabay wink. Binitawan niya yung kamay ko at binuksan yung pintuan sa bahay nila at biglang…

*toogsh*

“Sorry, Yasmin.” Yung lang ang huli kong narinig bago nagdilim yung paningin ko.

-----------

King’s P.O.V.

“Ma! Akala ko ba sinabi ko sayo na wag mong iiwan yung mga sapatos kung saan saan. At bakit mo pinapasok si Alexa sa bahay?” Sabi ko kay Ma.

Nasa living room pala kami , nasa kwarto ko si Yasmin. Nataaman siya ng sapatos sa ulo. -__-“

Yung kapit bahay kasi namin na bata, si Alexa..mahilig mag bato ng kahit anong makita niya.

“Eh, wala kasing magbabantay sa kanya sa bahay nila. Umalis yung parents niya.” Sabi ni Ma na naka-upo sa sofa at umiinom ng hindi ko alam kung ano.

“Nasaan yung yaya niya?” tanong ko..

“Nagbakasyon…”

“Eh yung isa niya pang yaya?” tanong ko

“Nagbakasyong din?” sabi ni Ma na parang hindi sigurado.

“Sure ka ba or pinapasok mo lang si Alexa dahil umaasa ka na matamaan niya si Yasmin?” biglang nag smirk si Ma.

“MAA!!! How could you? Alam mong ngayon ko dadalhin si Yasmin dito eh.”

“Ano ka ba, King Dominique? Alam kong hindi mo talaga girlfriend yang babae na yan.”

O__O

“P-paano mo nasabi yan, girlfriend ko si Yasmin!” sabi ko.

“Itsura pa lang eh, mukhang mahirap na!”

“MA! Kahit anong itsura pa ni Yasmin, m-mahal ko siya. Siya nag-papasaya sa akin at kung hindi dahil sa kanya matagal ko na kayong nilayasan. Hindi ko kayang tumira sa isang pamilya ganito ang trato sa anak niya!” Iniwan ko si at umakyat sa kwarto ko.

“King, wala ka ding choice kailangan si Elyn makatuluyan mo! Malapit ng ma-bankrupt  yung business natin at sa marriage niyo ni Elyn masasave yung business natin!” sigaw ni Ma.

Lumingon ako sa sa kanya..

“Mawawalan na tayo ng pera …at dahil dyan balak niyong ibenta ako para masave yung business? Ito yung sinasabi ko, a normal mother wouldn’t do that to her son.” 

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon