Chapter 30

2K 25 9
                                        

CHAPTER 30

Yasmin’s P.O.V.

Tuesday na..

Hindi ko makakalimutan yung nangyari kagabi. Yung ipamukha ni Matthew na may girlfriend si kuya King, magkaibigan lang naman kami.  At kanina hindi, pumasok si Matthew pati rin daw si kuya King sabi ni Emma.

Ikaw kasi Yasmin, mali yung desisyon mong iwasan si Matthew.

 Gusto niyo ba malaman kung bakit ko siya iniwasan kahapon? Dahil, sa totoo lang, hindi ko din alam. Bigla na lang pumasok sa isip ko na iwasan si Matthew ang bilis naman bumait nun, yung yung sabi niya. Good boy na daw siya pero mukha namang nagbago na talaga siya diba? Hay Ewan…

Kaya guess niyo kung nasa’n ako..

.

.

.

.

Nasa tapat ng bahay ni Matthew. Nagdala ako ng peace offering, para hindi na magalit. Ako na lang mismo yung nag-intindi, kasi kasalanan ko din naman.

Hahaha, pasensya na magulo akong kausap…

So, ito na..

*Ding Dong*

Wala pang nag bubukas ng gate…isa pa nga

*Ding Dong*

Ayun! May nagbukas, yaya nila.

“Ano po yun?” tanong niya

“Nasan po si Matthew?”

“Ano pangalan mo?” tanong niya..

“Yasmin po” bigla siyang ngumiti

“Ah, ikaw pala yung sinasabi ni Matthew. Halika, pasok ka.”

Pinapasok niya ako, sinara niya yung gate tapos nauna sakin..

“Sunod ka na lang.”tumango na lang ako..

Pagpasok namin ng bahay nila Matthew, puno ng shelves at frames at kung ano ang normally gusto ng mga lalaki. Games! Ng iba’t ibang game consoles…

Pinapasok ako nung yaya nila Matthew sa isang room, yun ata sala nila at nandun din si Matthew. Nakaharap siya sa t.v.

“Mat-mat, may bisita ka.” Sabi nung yaya niya..

“Wag mo papasukin!”

“HOY! Matthew!” sabi ko ..

“Ano ba?!?” napatayo siya at biglang napaharap sa akin..

“Yasmin?” sabi niya ulit tapos biglang tinakpan yung mukha niya at umupo sa sofa..

Umalis na yung yaya nila at iniwan kaming dalawa sa sala. Nilapitan ko si Matthew..

“Huy, Matthew.” Umupo ako sa sofa nila…

“Bakit ka ba nandito?”

“Nagdala ako ng peace-offering kasi baka kaya hindi ka pumasok dahil galit ka na sa akin.”

“Para saan naman yang peace  offeri—ah tungkol ba ito sa nangyari kagabi? Wag kang mag-alala, hindi ikaw ang may kasalanan. Kaya pwede ka nang umalis.” Sabi niya habang naka takip yung mukha.

“Oo na, inaamin ko nang panget ako. Ilang years na din tayong magkaklase kaya naman siguro sanay ka na sa mukha ka. Nakaka-offend naman masyado. HMPP! Sige alis na ako.”paalis na sana ako ng biglang hawakan niya kamay ko[nakayuko naman siya ngayon kasi yung kamay niya yung nagtatago sa mukha niya] at syempre at an impulse tinanggal ko kamay ko sa pagakahawak niya.

“Yasmin, diba sabi ko sayo, hindi ka panget. Maganda  ka..” biglang humarap siya at nakita ko yung pasa niya..

“Hala! Sino gumawa sayo niyan?” bigla akong napa-upo..

“Haha, wala lang ito. Nauntog lang ako.”nakangiti niyang sinabi..

“Untog ka diyan, sa mata? Paano mauuntog ang tao sa mata? Knowing you, nakipag-away ka siguro..”

Bigla siya ngumiti..

“Anong nginingiti mo dyan?” yung itsura ko parang nakataas yung isang kilay..

“Wala, natutuwa lang ako. Pumunta ka pa dito, ano ka ba naman Yasmin. Magpa-hard to get ka naman. Alam ko nang may gusto ka sa akin at wag kang mag-alala gusto rin kita.”

*dug dug *dug dug* Hala yung puso ko..lakas ng tunog. Sa mga nabasa kong story, pag ganon ………..WAHH ! hindi ko alam! Nababaliw na ako..

“Baliw! Ang lakas siguro nung nag-suntok sayo kasi kung ano sinasabi mo eh.”

“Oo pero ok lang.” smile ulit siya

Baliw talaga itong lalaki na ito, nasuntok na nga ok lang daw. Baliw talaga…

“Masakit pa ba? Pwede hawakan?” tanong ko

“Sige try mo, baka mawala ang sakit.” Ngiti ulit siya..TSK! may sayad na ito sa utak..ngiti ng ngiti ehh

Hinawakan ko yung pasa niya…masakit talaga siguro yun kasi yung pasa niya violet na violet.

“Ouch!” sabi niya

“Hala, sorry Matthew.” Ngumiti ulit siya

“Hehehe, joke lang. Tara, punta tayo sa park.” Tumayo siya tapos sinara yung t.v.

“Halika na.” sabi niya…tumayo naman ako hawak yung peace offering ko sa kanya.

“Sigurado ka ba, kaya mong lumabas na may pasa sa mukha?”

“Oo naman, don’t worry.” Palabas na sana siya ng pintuan ng ng..

“Wait! Paano ito?” sabay taas sa peace offering ko..

“Ano ba laman niyan?”[nasa basket kasi ehh]

“Sopas..”

“Sige, punta tayo park. Picnic tayo dun.” Hinila niya ako palabas ng bahay nila at hanggang sa park.

------------------------------------------------------------------

Philip’s P.O.V.

“Philip, bagay ba sa akin ito?”

“Huy! Philip, bagay ba?”

“Hoy! Kanina ka pa ganyan, may problema ba?” bigla lumapit sakin si Abie at hinawakan yung shoulder ko..

“Oo, may problema ako. Ikaw! Hindi ko na kaya ito, pagbawalan mo akong makita si Yasmin at kausapin. Sobra na, gawin mo na kung anong gusto mo pero sa the deals off!” bigla ko siyang iniwan…

Habang naglalakad ako palabas, naririnig ko siyang sumisigaw..

“Philip, bumalik ka dito! Gagawin kong magulo ang buhay ni Yasmin, pag hindi ka bumalik dito! PHILIP!!!”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yellow_roses: Hello po! comment po kayo and vote...[nag-iiba na ugali ni Yasmin, parang hindi na siya yung shy na babae...sorry kung nagiging panget na yung story line..try ko sa next chapters na lagyan ng konting exciting scenes:))]

Salamat sa mga, nagbabasa pa rin ng story ko :D 

Kayo nag-papasaya sa akin, everytime nagoopen ako ng wattpad:))

pasensya drama ko talaga:))[PEACE OUT^_^V]

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon