Chapter 16

2.7K 30 6
                                    

-Chapter 16-

Liam’s P.O.V.

Pagkatapos akong paalisin ni Yasmin sa park, naglakad na ako paalis. Pero bigla kong naalala yung kalat ko sa park. [ yung chocolate castle] at tumakbo ako pabalik. Huminto ako sa pagtakbo ko nang makita ko si Philip at Yasmin na nakaupo sa bench. Kung hindi mo sila kilala, sa unang tingin, aakalain mong lovers sila dahil ang sweet ng tingin ni Philip kay Yasmin na nakalean ulo sa shoulder niya pero pwede mo ring isipin na lover sila pero hindi happy si Yasmin dahil ang lungkot niyang tignan.

                Inantay ko lang silang dalawa na makaalis sa park. Nang makaalis na sila, tinawagan ko na ang maid namin na ayusin ang kalat sa park.

                Umuwi ako sa bahay at dumiretso sa aking kwarto. Naalala ko tuloy ang mukha ni Yasmin at narinig ko rin na sinabi niya na pag nagakaroon ng girlfriend si Philip magseselos siya. Ibig sabihin ba nun ay gusto niya si Philip? Tinignan ko ang picture namin ni Yasmin nung Grade 6 pa kami. Ang cute ng picture na ito kasi magkaakabay kami tapos nakapigtails siya with her glasses at nakapeace sign tapos ako naka-tounge-out lang.

“Paano na lang ako Yasmin, wala na ba talaga akong chance sayo?”

“Liam, bakit mo kinakausap ulit ang litrato niyo ni Yasmin? Hay nako , iho! Walang mangayayari kung kakausapin  mo lang ang litrato niyo.”

---Ito si Yaya, ang laking singit. Siya nga pala yung yaya ko. Siya nag-aalaga sa akin pag nasa business trips yung parents ko.

“Yaya, ang creepy niyo para kayong multo, bigla-bigla ka na lang pumapasok.”

“Wag mong ibahin yung pinag-uusapan natin.”

Galing naman ni yaya…J

“Alam niyo po ginawa ko na lahat ng makakaya ko para lang mapansin niya ako kaso wala talaga eh, may iba siyang gusto. “

“Iho, ganyan talaga pag nagmamahal nang maaga at masyadong siniseryoso. Maaga ka ring masasaktan.

“Alam niyo yaya, madali lang ideny na may feelings pa rin ako kay Yasmin pero mahirap ideny na hindi ako nasasaktan. Yaya, umalis ka na nga po. Ang lakas ng loob kong magbigay advice kay Yasmin, hindi ko naman nilalagay sa isip ko.”

“Sige na nga alis na ako, goodnight.” Umalis si Yaya at sinara ang pinto.

                Kinuha ko ang notebook ko at sinulat lahat ng nararamdaman ko. Pagkatapos nun nilagay ko sa bedside table at natulog na.

Yasmin’s  P.O.V.

Thursday na… Pumasok ako sa classroom at nakita ko si Liam.

“ Hi Liam.” Sabi ko tapos nagsmile.

“Hi.” Yun lang sinabi niya sa akin.

Ang bilis ng oras, mabilis natapos ang favorite subject ko, Math. Two periods kasi yun kaya recess na kaagad. Nilapitan ko Liam at tinanong.

“Liam, bakit parang ang  awkward sa akin? Akala ko ba peace na tayo?”

“Wag mo na lang pansinin yun, halika punta na tayo sa canteen!”

Tapos hinila niya na ako palabas ng classroom.

Nasa harap na kami ng canteen nang lumapit si Kuya Philip.

“Hi Princess, kiss mo for today.” Hinawakan ni Kuya kamay ko at naglagay ng kisses[hershey’s] sa palm ko.

Nakita kong nag-iba ang itsura ni Liam sa sinabi ni Kuya pero bigla ding bumalik sa normal face niyang Koreano nang makita niya ung chocolate.

“Thank you Kuya. Halika, sama ka sa amin ni Liam.”

“Wag na, baka makasira pa ako sa moment niyo.” tapos tumalikod na si Kuya Philip.

“Anong moment,wala namang moment na mangyayari?” sabi ko kay Kuya.

Hinawakan ko ang kamay ni Kuya Philip at ni Liam at say ko silang hinila para lang akong bata na may hilang dalawang higante[compare niyo kaya height ko sa kanilang dalawa..ok..tama na..masyado ko nang nilalalait sarili ko].

“Tara, punta na tayo sa canteen inaantay na tayo ni Emma.” Sabi ko sa dalawa habang hila ko pa rin sila.

Pagpasok namin sa canteen, ang sama ng tingin ng mga babae sa akin. Kasama ko kasi ang dalawa sa mga gwapo sa school na ito. Hindi ko naman kasalanan gwapo mga kaibigan ko.

[I will just describe how they look, sa pananaw ng ibang babae]

Si Kuya Philip parang pang prince ang itsura, gwapo, fair skinned, at maganda pa ang mata pero si Liam gwapo din naman, half Korean, singkit(of course!), may glasses siya tulad ko pero madalas siyang nakacontacts, at matangkad silang dalawa tulad ng sabi ko kanina. I don’t really care kung ano itsura ng mga friends ko.Okay, back to the story.

Nakita namin si Emma na nakaupo na sa isa sa mga table.

“Yasmin, ano ka ba? Ang panget tignan na hawak mo ang MGA kamay ng dalawang gwapong lalaki.” Sabay lapit sa aming tatlo at pinilit na magbitaw kami.

“Eh care ba nila, maghanap din sila ng gwapong kaibigan. Hindi naman sila ganon kagwapo.” Sabi ko sabay smile tapos umupo na ako.

Umalis si Kuya Philip at Liam para bumili ng pagkain naming apat.

“Yasmin, anong plano mo sa birthday mo? May party ba?”

“Wala akong plano, matutulog lang ako sa bahay the whole day baka sakaling tumangkad ako.” Sabi ko na mukhang bored tapos nagsmile.

“Bestfriend wala ka ng pag-asa tumangkad mag party na lang tayo.” Lumapit si Emma sa akin habang sinasabi yun.

“Alam mo minsan hindi ko alam kung bestfriend kita or enemy. Hindi naman masamang mangarap diba?”

After 5 minutes bumalik na din si Kuya Philip at Liam na dala ang pagkain namin.

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon