Chapter 52 Part II

859 7 1
                                    

HI!!!! Next week na pasukan namin...mahirap na ulit mag update..T___T share ko lang 

Please, vote, comment or become a fan kung hindi pa ^___^

Salamat! 

Chapter  52 Part II

Yasmin’s P.O.V.

“Hi, Queen ko.”

O__O

Isa lang tumatawag sa akin nun ahh..

Ayaw kong lumingon... hindi pa ako handang makita siya.

“Yasmin, ok ka lang ba?”  sabi niya ..

O__O

Ano ka ba Yasmin! Bakit ka nagdradrama dyan, Si King lang yan. Si Kuya King.

Lumingon ako at nakita ko yung mukha niya.  Nakangiti siya sa akin at may hawak siyang bulaklak. Isang yellow rose.

O__O

Yellow rose! Siya kaya  yung nag- iiwan nung mga bulaklak na yun?  Iniling ko yung ulo ko para mawala sa utak ko yung pinag iisip ko..

“Ok ka lang ba? Bakit ka nasa labas ng bahay niyo?” sabi tapos nakangiti pa rin siya..

Napatingin lang ako sa kanya, ganon pa rin itsura niya. Ngitian niya ako na parang walang nangyari, na parang hindi siya umalis, parang nung “kami” pa.

Bigla akong nagalit.

Ang lakas ng loob niyang magpakita  sa akin at nakangiti pa rin siya, hindi ba obvious na na-lock ako sa sarili kong bahay. GRRR!!!

Bakit ba kasi ngayon ko pa naiwan susi ko.

Tumayo ako at nag simulang mag lakad pa punta sa park.  Baka mawala init ng ulo ko...

“Huy!” sabi niya tapos hinabol ako at hinawakan yung braso ko. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

“Bakit hindi mo ako kinakausap? Ito oh, bulaklak para sayo yan.” Tuloy niya, nang naintindihan niyang hindi ako magsasalita. Pagkatapos, inabot niya sakin yung bulaklak pero hindi ko kinuha.

Tiningnan ko lang sapatos niya nung nagsasalita siya.

“Queen ko?”

Nagulat ako nang biglang nilagay niya yung isang daliri niya sa baba ng baba ko at inangat yung tingin ko sa mukha niya.

O__O

Malapit na ang mukha namin sa isa’t isa. Nagtitigan lang kami, ang ganda pa rin ng mga mata niya.

Biglang mas lumapit pa mukha ni Kuya King...

Naramdaman kong uminit yung pisngi ko...hmmp, sana hindi ako namumula ngayon..

At biglang...

Inalis ko yung kamay niya sa mukha ko at tiningnan ko siya ng masama. Wala na yung ngiti sa mukha niya at napalitan nang pagmalasakit.

“Ano bang gusto mo?”  tanong ko at halatang nagulat siya sa tono ng boses ko. Naglakad akong patalikod para may space sa aming dalawa.

“Ya-yasmin, bakit?”

“Anong bakit?!?” tiningnan ko siya...                                                                                                                                                                                      

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon