Chapter 52 part IV- Santa Clause

794 18 22
                                    

SORRY!!! Tagal ko nang hindi nagupdate lol/ ^___^v

King’s P.O.V.

“Ito na ba yung part na sasabihin mong mahal na mahal mo ako?”

“Sira!”

O___O

Teka! Kaboses ni Philip yun ahh..

Nandito si Philip?!?

Ano nangyari sa kanya?

Anong ginagawa ko.. bakit ako nakatayo lang sa harap ng pintuan nila ang tinatanong ang sarili ko. Hindi ko naman masasagot yung sarili ko..

Gusto kong pumasok sa loob!

Huhuh...kaso may pakiramdam ako na magagalit lang si Queen ko sa akin..

Nagpasya akong maghanap ng nurse at tama lang dahil may papalapit na nurse..

“Hi po.” Sabi ko..

Mukhang bata pa siya.. early twenties siguro..

“Hi...” sabi niya tapos napangiti

“May tanong lang ako tungkol sa patient sa room na ito...”

“Sige..” ngumiti siya ulit

“Paano po napunta yung patient sa room na yun?”  sabi ko sabay turo sa room na pinasukan ni Yasmin

“Ahh, kasi yung binata may hear---”

“Nurse!!” napalingon siya kung saan galing yung boses..

Patay!!

“Bakit iha?” tanong nung nurse sa harap ko..

“Kailangan ko po ata ng doctor dito..” sabi ni Yasmin

Hindi niya ako tiningnan, nasa nurse lang yung attention niya.

“Ok, tatawag lang ako ng doctor.” Sabi nung nurse tapos umalis na siya..

Biglang tumingin si Yasmin sa akin..

“Umuwi ka na.” Sabi niya sa akin na walang expression tapos sinarado niya na yung pintuan..

-__-“

Galit siya sa akin. Wala ba akong nagagawang tama?

Philip’s P.O.V.

Gising na ako.

Nakikita ko na ulit si Yasmin.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na ang una kong nakita ay yung mukha ni Yasmin.

Ang ganda niya pa rin. Mas mahaba nga lang buhok niya pero parang ganon parin..

Lumabas si Yasmin saglit para tumawag ng Doctor para daw tingnan kung ok ako.

Bakit pa kasi ako nagkasakit?

“Uwuwi ka na.” Narinig kong sabi ni Yasmin tapos pumasok siya sa loob at sinara yung pintuan.

“ Sino yun?” tanong ko...

Nakaupo ako sa kama ko, napatulong ako kay Yasmin.

“Wala, hindi ko alam na may sumunod pala sa akin na tuta.” Sabi niya tapos umupo sa chair, tabi ng kama ko

Tiningnan ko siya na...

“Yung aso?” tumango lang siya..

“Well, nevermind. Nasabi ko na ba sayo na nauuhaw ako..?”

Lumaki mata niya, tapos biglang tumayo..

“Sorry, kuya. Nakalimutan ko..eick..” sabi niya habang pumunta sa mini fridge at kumuha ng bottle water.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who will be my Prince?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon