CHAPTER 26
Yasmin’s P.O.V.(ulit^_^V)
Pagkatapos akong ihatid ni Kuya Philip, nagpahinga muna ako ng ilang oras tapos naglaptop na. Syempre,like always, tinuloy ko yung story na binasa ko kahapon. Gitna pa lang nung story na-iyak na ako. Kinuwento ko kay Liam yung nabasa ko, nung sinundo niya ako kaninang umaga, tapos ito sabi niya..
*Flashback*
Habang naglalakad kami papunta sa school…
“Liam, alam mo bang may nabasa akong story.”
“Tungkol saan?”
“About love,Duh! Hahaha, joke lang.”
“Lagi naman ehh. Naiyak ka?”
“Oo,hindi ko pa natatapos naiyak na ako. Kasi meron isang lalaki na ipinagtapat niya yung love niya dun sa closefriend niya.” Biglang napatigil si Liam ng saglit tapos naglakad ulit.
“Tuloy mo.”sabi niya
“Ayun, ipinagtapat nga nung lalaki yung love niya dun sa closefriend niya kaso nalaman niyang may ibang gusto yung babae. Wala naman magawa yung lalaki dahil bestfriend niya yung nagugustuhan nung babae. So, ang sinabihan niya yung babae na handa siyang maghintay hanggang sa mawala ang nararamdaman nung babae dun sa bestfriend niya. At hanggang dun pa lang naman ang nababasa ko.”
“Hindi yan totoo, wag mo masyadong damdamin yan. Wala naman talagang lalaki magpapakat*nga para sa mahal niyang babae.”
“Hala Liam, watch your mouth. Hindi naman pagpapatachever ang tawag dun, love yun. LOVE.”
“Oo na sige na. Love na kung love.”
Pagtapos ng mahaba naming pag-uusap nakarating din kami sa school.
*End of Flashback*
So, nung natapos ko yung story naiyak ako. Kahit naman nagin happy ending siya naiyak parin ako kasi sa hulinagkita ulit yung dalawang nagmamahalan sa isa’t isa.
Kaya..guess niyo kung nasan ako?....syempre nasa park, dala ko ulit si kitty. Mabuti pa si Kiity laging nandyan sakin. Kahit hindi niya ako kinakausap, kahit nagtatahol lang siya at kahit kasama ko lang siya pag pupunta ng park, mabait naman saakin.
So as I was saying, nasa park ako at nasa swing. Umiiyak nang biglang may nagsalita…
“Ito oh, panyo.”tingnan ko ko kung sino yung nag offer si ..
“Abie, hello. Salamat.” Tapos pinunasan ko yung luha ko gamit yung panyo niya. Ngumiti ako sakanya pero hindi siya nag smile saakin.
“Bakit ka umiiyak, dahil ba hindi ka na kinakausap ni Philip?”sabi niya with a mocking tone..
“Ahh, hindi nama—“
“Kung ako sayo, wag mo na masyadong lalapitan si Philip, isipin mong may girlfriend na siya para naman hindi ka nasasaktan.”
“Ano ka ba Abie, hindi naman ak---“hind niya ako ulit pinatapos
“May nagasabi na ba sayo na flirt ka?” mocking tone ulit
“What?!? hindi naman ako ganon.”tumayo na ako sa kinuupuan ko tapos biglang lumapit si Kitty sakin at nagsimulang tahulan si Abie.
“Don’t act innocent Yasmin, kaya siguro nagkagusto sayo yung Liam na yun dahil nilandi mo. Patigilin mo nga yang aso mo, kung hindi ako magpapatahimik diyan.”
“Abie, wag mo ilabas ang inis mo kay Kitty, naamoy niya sigurong may nangugulo sakin.” Lumuhod ako para pakalmahin si Kitty pero hindi siya nakinig sakin, sinipa niya si Kitty.
BINABASA MO ANG
Who will be my Prince?
Teen FictionA story of a girl who is trapped between 3 or 4 guys who'll fall for her with her even noticing. Manhid po kasi... Who will she choose: -her long time knight in shining armor and best friend... -a friend she knew had a crush on her before... -once e...