Chapter 43- Reason

1.3K 12 2
                                        

Yasmin’s P.O.V.

*Knock*Knock*Knock*

     I wiped the tears in my face and stood. I checked myself in the mirror, only to see my puffy eyes, red nose and cheeks, messy hair, and my crumpled clothes. What do you expect, I’ve been crying for the past 5 hours. Mabuti na lang may trip sila Mama at Papa sa ibang bansa at si Blue naman ay nag-overnight sa kaibigan niya. Hindi ko kayang makita akong nang pamilya ko na ganito.

      I thought liking someone would make you happy, then why am I sad. Are those stories lying?

      I opened the door, expecting Kuya King with my back pack pero…

      Nagtininginan lang kaming dalawa pero hindi ko kaya ito kaya nag salita na ako..

“Kuya Philip, I’m sor--” bigla niya akong niyakap at hinulog niya yung back pack ko.

“Princess!” Nung narining ko yung boses napaiyak ulit ako.

“K-ku-ya, I-I’m Sor-rry. I---”

“Shhh, tahan na. Princess naman, alam mo namang hindi ko kayang makita kang umiiyak diba. Shhh, tahan na.” sabi niya while he patted my back.

       Tumahimik na lang ako at nag stay kami sa position na yon for almost 5 minutes.

       Nang humiwalay na ako sa hug namin, napansin kong basang-basa na yung buong right shirt ni Kuya ( A/N: Hindi talaga buong right shirt, exagge lang si Yasmin. BYE!)

       Sinundan ni Kuya Philip yung tingin ko sa shirt niya, bigla siyang..

“Yak!” Nagulat ako kasi baka hindi na ako patawari ni Kuya pero biglang siang ngumiti, napangiti tuloy ako.

“Okay ka na ba?” tanong niya na may ngiti pa rin sa bibig niya. Tumungo lang ako.

“Halika.” Sabi niya sabay nilagay yung kamay ko sa arm niya at bumaba kaming dalawa.

“Nice look, by the way. Hahha.” Sab niya habang bumababa  sa hagdan.

       Tumawa na lang ako dahil alam kong kahit anong maging decision ko sa buhay, kakampi ko si Kuya Philip.

Philip’s P.O.V.

       Bumalik ako sa classroom ko nang hindi ko makita si Matthew. Lumipas ang 3 hours pero si Yasmin lang yung nasa isipan ko. How could she not tell me, I’m her Kuya.  She could trust me. Kahit masakit, tatanggapin ko  naman eh.

Tapos na ang klase at ako na lang natitira dito, nang mag 4:30 na tumayo na ako. Paglabas ko ng classroom nakita ko sa si King, dala ang back pack ni Yasmin.

“Philip!”

“Bakit mo dala gamit ni Yasmin?” tanong ko

“Uhmm, ihahatid ko sa kanya.”

“Bakit? Nasaan siya?”

“Nasa bahay nila, inuwi ko na lang, mukhang hindi niya kayang mag klase eh.”

“Ohh, tara samahan kita.” Sabi ko.  Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero bumaba parin siya kasama ako.

Papunta sa bahay ni Yasmin, walang umimik. Pero hindi huminto sa isip ko na tanungin si King kung sila na nga ni Yasmin.

Pagdating namin sa gate, nagsalita na ako.

“Ako na lang magdadala niyan kay Princess.” Nang hihinayang pa sana si King na ibigay sa akin yung bag ni Yasmin pero huli binigay niya din.

Who will be my Prince?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon