Chapter 39- A Growing Scheme

1.7K 22 9
                                        

Chapter 39

Yasmin’s P.O.V.

“Yasmin!”

Patuloy parin ako sa paglalakad..

“Yasmin! A-ano k-ka ba? Ilang beses ko na sinigaw pangalan mo pero hindi ka naman lumilingon.” Sabi ni Matthew habang hinihingal

Huminto na ako sa paglalakad nun..

“Huy! Bakit ka nakatulala? Gising!” hinawakan niya yung dalawang braso ko tapos inalog-alog ako..

“Bwaaa! Bakit mo ginawa yun?”

“Eh kasi kanina pa kita kinakausap…hindi ka naman sumasagot.”

“Ah..sorry..”

Sasabihin ko ba kay Matthew?

“Madalas kang ganyan, dahil parin ba ito kay Philip?” sabi niya habang sabaykami naglalakad…ako naman nakayuko lang..

“Uhm, slight.”

Hindi ko na lang sasabihin baka, mag karoon lang ng gulo…

“Oh, ibig sabihin may other reason pa. Ano naman?”

“Uhmm..wala yun, kulang lang ang kinain ko nung breakfast.” Sabi ko with a smile..”Halika na.” hinawakan ko kamay niya tapos tumakbo kami papunta ng school..

Pagpasok namin sa gate ng school…ang daming nag-uusap in groups tapos nakatingin sila sa amin ni Matthew. Naisip ni Matthew na pumunta daw kami ng canteen dahil ayaw niya daw akong magutom.<3

Pagdating namin sa canteen, bumili kami ng budget meal at umupo sa pinakamalapit na table. Maaga pa naman eh, kaya pwede pa kaming kumain.

Habang kumakain kami may naririnig akong dalawang babae na nag-uusap at halatang ako ang pinag-usapan nila.

“Kamukha niya yung kasama nila Liam at Emma kahapon, diba?” tanong nung isang babae sa katabi niya..

“Hindi kaya! ang ganda nun eh. Eh, yan parang…..hindi ko maexplain.”sabi ng katabi niya.

“Pero hawig naman niya talaga eh.”

“Hindi naman ata siya yung type ng tao na pumunpunta sa mga ganong events. She probably spends her weekends reading encyclopedias or something.”

Bigla akong napahinto sa pagkain at yumuko. Maya-maya, tumayo si Matthew at pinuntahan yung dalawang babae.

“Hello.” Sabi ni Matthew

“H-hi!” sabi nung dalawang babae. Sure ako may gusto yang dalawang babae kay Matthew.

“Pwede po, wag niyong pag-usapan si Yasmin. Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo plus, atleast siya nagbabasa ng encyclodias. Eh kayo, the two of you probably spend your weekends doing nonsense. At para sabihin ko sa inyo, si Yasmin yung kasama nila Emma at Liam kahapon!” bumalik na siya agad sa tabi ko..

“Ok ka lang?” tanong niya

“Oo. Sanay na ako sa mga ganyan.”

“Sorry ah..”

“Bakit ka nagsosorry?”

“Kasi dahil sa nickname ko sayo na Bookworm, bumababa yung tingin nila sayo.”

“Hahahah! Wala yun. I don’t really care kung ano ang sabihin ng mga tao sa akin.”

"Wag kang mag-alala, crush ka naman ng crush ng campus!”

“Hala! Yabang! Umalis ka nga dito! Shu!” sabi ko habang tinutulak siya paalis sa upuan niya..

“Joke lang eh.” Nag belat ako sa kanya pero tumawa lang siya.

Who will be my Prince?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon