Yasmin’s P.O.V.
Ughhh! Mag-isa na naman ako, bigla kasing nagkaroon ng gagawin yung dalawa. Harff
Ito ako ngayon, naghahanda para makapunta na ako sa hospital.
Nagpaalam ako kanila mama at papa at lumabas na ng bahay...
Pagbukas ko ng gate, nakita ko ang isang lalaki na akala ko hindi ko na makikita...
O__O
“Yasmin.”
“Ba-bakit ka nandito?”
“Eh si Emma kasi tinawagan niya ako, sabi niya busy siya at kesa daw na magcomputer lang ako, samahan na lang daw kita.”sabi niya tapos ngumiti.
O///O
Ganda talaga ng mata niya..
“Ta-tagal na nating hindi nagkikita ah, kayo nga ni Emma, hindi ka naman sumasama sa kanya pag may meet up kami.”
Tsk! Nagstustutter ako!
“Ehh, kasi naman baka bubugin ako ng mga lalaking niyong kaibigan. Lalo na yung si Liam, kasi pakiramdam ko nainis siya sa akin dati...” sabi niya tapos pumasok siya property namin..
“Hay nako, Xyler. Ok lang, mabait si Liam. Dapat kang mag-alala kay Kuya... King.”
Wow, Yasmin, Ang talino mo talaga. Paano pag nagtanong siya tungkol sa kanya ..
Please, sana hindi...
Please..
“So, Yasmin.. hanggang dito na lang ba tayo sa tapat ng bahay mo or maglalakad na tayo?” napangiti ako..
Wahh! Salamat po!
“Dapat na tayong umalis kasi naman feeling ko naiistorbo kita..”
“Ano ka ba, no problem. I’m happy to help.” Sabi niya tapos ngumiti tapos inakbayan ako..
Hmmm....
“Parang masyado ka atang nagiging comfortable sa akin, aalisin ko lang yung braso mo ahh...” sabi ko tapos tinggal ko yung kamay niya sa shoulder ko.
“Tama yan, Queen ko.”
O__O
Tumingin siya sa likod namin...
“Queen ko?!?” sabi ni Xyler tapos tumingin sa akin
“Ikaw, kung sino ka man, umalis ka sa tabi ni Queen ko!” humarap ako sa kanya at nakita kong nakaturo siya kay Xyler
“Siya ba si King?” tanong ni Xyler
Tumango lang ako, nasa labas siya ng gate...
“Oo, ako si King.”sagot niya tapos pumasok siya..
I just rolled my eyes...
“Mataas ba tingin niya sa sarili niya?” bulong ni Xyler..
Nag-smirk ako tapos tumango..
“HOY!!! Umalis ka na nga dito! Hindi ka namin kailangan!” sabi ni Kuya King tapos nakaturo kay Xyler
Grabe na siya! Sino siya para mag-paalis ng tao. GRRR!!
“Bakit kaya hindi ikaw ang umalis, huh? Nagawa mo na din naman yun dati?”
Napansin kong nagulat yung dalawang lalaki sa sinabi ko..
“Alam mo namang, nawalan ako ng choice. Nagkasakit si Papa, maghihirap kami.” Tiningnan niya ako..
“Hindi ka man lang nag paalam ng maayos?”
BINABASA MO ANG
Who will be my Prince?
Teen FictionA story of a girl who is trapped between 3 or 4 guys who'll fall for her with her even noticing. Manhid po kasi... Who will she choose: -her long time knight in shining armor and best friend... -a friend she knew had a crush on her before... -once e...
