Chapter 29- A big mess?

2.3K 28 13
                                        

 CHAPTER 29

 Kings’s P.O.V.

“Wag ka ng iiyak ah, papanget ka lalo.”pinupunasan ko yung mga nahuhulog na luha sa mata niya.

“HEH! Akala ko sweet ka na ehh tapos biglang sinabi mong panget ako. Ang sama mo. BLEH!” nag-belat siya tapos umalis sa kina-uupuan niya. Nakakatuwa talaga yang Yasmin.

Sinundan ko lang siya habang naglalakad palayo sakin. Nakalimutan niya sigurong siya nag-offer na tulungan yung mga janitor.  Nagtaka nga yung mga janitor kanina nung hiniram ko yung walis sa kanila kasi naman sa tinanggal ko sa school na ito, known bad boy ako. Not actually bad boy, siguro ilang beses ko ding napagtripan yung mga janitor.--------HEP!! Too much info, baka isipin niyong masama ako …kaya back to the story..

Huminto siya sa paglalakad niya tapos bumalik sakin, akala ko naman naalala niyang maglilinis pa kami ng auditorium, pero kinuha niya lang yung chocolates sakin. Napangiti lang ako sakanya. Kakaiba talaga itong babae ito. Kaya nagustuhan ni Matthew ito ehh..

Paglabas niya ng pintuan…

Maya-maya..

Narinig ko siyang nag...

.

.

“Aray.”  Napatakbo ako sa labas ng auditorium, kasi baka nadulas na yun. Nag mo-mop pa naman yung janitor kanina.

“Yasmin!!” sabay namang sinabi at ang nakasabay kong pagsabi nun ay si best friend..si Matthew.

Nakatayo lang siya dun, nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa akin na parang masama. Ilang minutes din kaming nagtinginan nang bigla…

“Hoy, baka magkadevelopan kayo niyan. Kanina pa kayo nagtitinginan.” Sabi ni Yasmin na nakatayo na.

“Ok ka lang ba, Yasmin?” tanong ko.

“Yasmin, sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi ni Matthew

“Hahah, ok lang yun.”ngiti lang siya pero biglang tumingin siya sa baba.

Tsk3x, chocolate na naman nasa isip niya. Di bale bibilhan ko lang siya ng bago pero bago ko masabi yun biglang lumapit si Matthew kay Yasmin at nagsalita.

“Wag kang mag-alala. Mamaya pag-labas natin, bibilhan kita ng marami niyan.”sabay hawak sa balikat ni Yasmin.

“Hindi, wag na.” sabi ni Yasmin tapos inalis yung kamay ni Matthew sa balikat niya.

“Ano ka ba, isa yun sa pambawi ko sa lahat ng mga nagawa ko sayo.” Tapos nag-grin siya[super laki]

“HAhaha, ok lang. Hindi na talaga. Si kuya King na lang bibili. Diba kuya?” lumapit siya sa akin tapos parang siniko ako. Napatingin ako sa kanya. Nagsmile lang siya sa akin..

“Ahh, okay.”

“Sige, mamaya na lang Matthew. May gagawin pa kami ni kuya King.” Hinila niya ako ulit papasok sa auditorium.

“Wait, anatayin ko na lang kayo.” Sumunod siya sa amin tapos inaakbayan si Yasmin.

“Ahh, wag na. Kaya na namin ito ni Kuya King at 2 brooms lang meron dito.” Inalis niya yung kamay ni Matthew tapos tinulak palabas ng auditorium

“Uwi ka na lang, may pasok pa tayo bukas. Bye.” Sabi ni Yasmin tapos sinara na yung pinto.

Tumakbo papunta sa mga broom si Yasmin tapos binigay yung isa sa akin.

“Tara, linis na tayo?” hinawakan ko yung isang walis.

Itong si Yasmin, kakaiba ang mga kinikilos. Parang iniiwasan niya si Matthew at may lakad pa pala sila ngayon ni Matthew pero tinanggihan niya.

Who will be my Prince?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon