Chapter 17: Yapak

42 7 0
                                    

Excited na lumingon si Atty. Montemayor nang marinig ang mga yapak na papunta sa kinauupuan niya. Tuwang-tuwa siya at nagkita rin sila sa wakas ng babaeng kinahuhumalingan niya. “Hi Attorney! Na-miss mo ako, noh?”, bati ni Maica naka-sexy outfit at kitang-kita ang kanyang cleavage para lalong matakam sa kanya ang matandang malibog at maisagawa niya ang kanyang binabalak ngayong gabi. “Oo naman! So, shall we?”, sagot ng abogadong nakatutok ang mga mata sa mala-dyosang katawan ni Maica. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at dali-dali silang pumunta sa condo unit ni Atty. Montemayor kung saan isang mainit na eksena na naman ang naganap.

Balik sa ospital, nagkausap-usap sina Jeth, Eliseo, Aaliyah, at pati na rin si Polo kung ano ang dapat na gawin para mailantad ang mga ilegal na gawain ni Atty. Montemayor. Sinusubukan nilang makabuo ng maayos na plano para masigurong hindi sila masalisihan ng mga taong hindi dapat pagkatiwalaan kagaya ng ilang mga opisyal ng awtoridad at ilang mga matataas na tao sa media. Walang anu-ano’y, biglang nagising si Jenny at sinigaw ang pangalan ni Maica. Agad na tumawag ng doktor si Jeth para maobserbahan ang pasyente at maisagawa ang nararapat na aksyon.

“It’s a miracle na nagising siya, although hindi pa rin stable ang condition ng kanyang puso at iba pang cardiovascular organs and most likely, kailangan pa ring ituloy ang operasyon as soon as possible.”, maikling paliwanag ng doktor. “Thank God! Maraming salamat din Doc at patuloy ninyo kaming binibigyan ng pag-asang makakaligtas sa kapahamakan ang kaibigan namin.”, pagpapasalamat naman ng maluha-luhang si Polo habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ng pasyente. “Polo, si Aaliyah ba ‘yan?”, tanong ni Jenny sabay turo sa kaibigan kahit hirap pa siyang magsalita. “Oo, Jenny. Ako nga ito. Natutuwa kami ni Maica na makita ka muli, lalo na ngayong nagkamalay ka na. May pinuntahan lang si Maica ngayon. Maya-maya, nandito na siguro ‘yon.”, sagot ni Aaliyah.

Kitang-kita sa mukha ni Jenny ang labis na kaligayahan. Matagal na niyang inaasam-asam na mabuo muli ang dating nawasak na pagkakaibigan nilang tatlo. Masaya rin siyang makita si Polo na hindi siya iniwanan, ‘di tulad ng mga kamag-anak niya na tila walang pakialam sa kanyang sinapit. “Magpahinga ka na muna, Jenny. Makakasama sa iyo kung pipilitin mong magsalita. Kailangan mong mag-relax. Huwag kang mag-alala dahil nandito lang kami para sa iyo.”, payo ni Polo. Napaiyak na lang ang pasyente sa tuwa at sinunod na lang niya ang sinabi ng kanyang bestfriend. Kinantahan naman siya nina Aaliyah ng paborito niyang mga kanta hanggang sa nakatulog na siya muli.

“Huwag kayong mag-alala. This time, natutulog lang siya at hindi na siya comatose. Hopefully bukas, may improvement sa kanyang vital signs at pwede niyo na siyang kausapin.”, sabi ni Dr. Quirino bago siya umalis sa kwarto. Hinintay ni Aaliyah si Maica dahil hindi pa rin niya ito ma-contact. Pero sumapit ang alas-diyes ng gabi at nagdesisyon na sina Eliseo at Aaliyah na umuwi na muna para makapagpahinga rin sila. Nag-volunteer naman si Jeth na magbantay muna kay Jenny habang wala pa si Maica at para na rin makauwi si Polo pagkatapos ng ilang araw na walang alisan sa ospital. Pumayag naman si Polo dahil may tiwala siyang hindi pababayaan ni Jeth ang pasyente, lalo nang alam niyang papunta na rin si Maica.

Sinubukan ni Jeth na ma-contact ang kanyang girlfriend pero out of reach ito. Wala siyang kaalam-alam na kasulukuyang hinahayaan ni Maica na babuyin ng matandang VIP ang kanyang katawan alang-alang sa pagbabakasakaling makuha ang mga kailangan niyang impormasyon. Habang tuwang-tuwa si Atty. Montemayor sa ginagawa nila ng maalindog na dalaga, nag-iisip naman si Maica kung paano niya mapapaamin ang kaeksena tungkol sa totoong plano nito sa binata. Sinubukan niyang unti-unting painumin ng wine ang matanda. Ilang sandali pa at nakaisip rin siya ng magandang paraan para maisingit ang napakaimportanteng tanong niya sa lasing na attorney.

“Uhmm... Maiba lang ako, Labs. Naalala ko ‘yung naging winner ng dating contest niyo na ‘The Quest for the Super Rockstar’. Parang never-heard na siya ngayon noh?”

“Actually, wala naman talagang fan ang mokong na iyon at ‘di hamak na mas magaling sa kanilang tatlo ang naging third runner-up. Kung hindi ko lang kumpare ang ninong niya at kung wala lang koneksyon ang dalawa niyang runner-up, hindi ko na sana kinailangang ilaglag sa contest ang kawawang Jethro.”

“Ayos lang iyon. Ang mahalaga, napanatili mo ang koneksyon mo sa mga kumpare mo. Pwede ko ba silang makilala?”

“Huwag na. Baka agawin ka pa nila sa akin! Malaki na nga naiambag ko sa career ng mga walang katalent-talent nilang mga anak at sa shabu business nila, pati ba naman ikaw iaambag ko sa kanila?”

“O sige... Masyado namang seloso ang Labs ko. Siyanga pala, ano na ang plano niyo ngayong maraming naghahanap kay... ano nga pala ulit ang pangalan ng third runner-up ng contest niyo?”

“Jethro... Jethro Salvacion. Hindi maikakailang hanggang ngayon, maraming fans ang totoy na ‘yon. Ayoko man sana, pero kailangan kong pagbigyan ang patuloy na dumadaming demands para sa kanyang pagbalik. Nalulugi na ang istasyon namin kaya kailangan naming maiangat ang ratings ng shows namin sa pamamagitan ng kanyang TV guestings, mall shows, at album launching.”

“Ah ok... Sige, tulog na tayo.”

Ang hindi alam ni Atty. Montemayor, na-record ni Maica ang lahat ng pinag-usapan nila. Nang makatulog na ang lasing na abogado, agad niyang sinend ito sa email ni Aaliyah para masigurong matanggap ng kanyang kaibigan ang mga bagong impormasyong nakuha niya, anuman ang mangyari sa kanya ngayong gabi. Bago siya umalis sa lugar, sinubukan niyang maghalungkat ulit sa opisina ng matanda. Sa kasamaang palad, naglagay na pala ng CCTV camera si Atty. Montemayor sa loob ng kanyang personal office at hindi ito napansin ng dalaga. Nakakuha nga si Maica ng pictures ng karagdagang ebidensya at pinadala niya rin kaagad ang mga ito kay Aaliyah. Pero maaga pa kinaumagahan, ni-report sa abogado ang na-record sa CCTV na panloloob ng isang babae sa kanyang opisina.

Nakilala ni Atty. Montemayor ang nanloob na babae at nagwala siya nang ma-realize na naisahan siya nang dahil sa kanyang makamundong pagnanasa sa dalaga. “May gustong sumunod sa yapak ni Sheena. Humanda kang babae ka. Siguradong pagsisisihan mo ang ginawa mong pagtraydor sa akin.”, bulong ni Atty. Montemayor sa sarili habang matalas ang tingin niya sa litrato ni Maica.

(Next Chapter: Entablado)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon