Tila ordinaryong araw lang ngayon sa warehouse ng Happy Nights. Si Jeth, mistulang robot na zombie pa rin na kahit mga nagliliparang mga lamok ay nagsasawa na sa kanyang pagdededma sa paligid. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtatrabaho pero sa kanyang kaloob-looban ay may isang bulkan na malapit nang sumabog. “
Pagkagising ni Maica, naligo siya kaagad at nagbihis para sa isang mahalagang lakad. “Hi! It’s me, Maica. Remember?”, text niya sa isang numerong nakasulat sa nakuhang callind card. Pagka-send ng message, nagmadali na siyang umalis ng bahay para dalawin ang mga kapatid sa kanilang appartment. Dalawang linggo na kasi niyang hindi sila nabibisita at paubos na rin ang kanilang mga allowance. Biglang nag-ring ang kanyang cellphone kaya agad niyang sinagot ito.
“Hello beautiful Maica! Grabe, sobrang nalasing ako kahapon. Hindi ko nga namalayang nabigay ko ang personal calling card ko! Anyway, i’m glad nakuha mo ang number ko kaya ngayon, may contact na ako sa ‘yo”
“Hi Attorney! Ganun po ba? Ako din nga po, nagulat nang makita ko ang calling card mo sa wallet ko. Pareho lang pala tayong sobrang nalasing kahapon.”
“Haha.. By the way, are you free tonight? Baka pwede kitang i-invite for a dinner or coffee if you like.”
“Hmmm.. Actually, may ime-meet akong friend pero parang hindi naman urgent kaya cancel ko na lang ‘yun.”
“So, pwede ka mamaya?”
“Well, pwede... 6PM matatapos class ko pero kailangan kong makauwi before 12 midnight.”
“Cinderella? Hehe. Sige, sundo na lang kita sa school niyo after class. Ok lang?”
“A... eh... Naku, huwag na. How about sa Cafe del Rio sa Magic Mall na lang? May bibilhin kasi ako dun.”
“Sure. I’ll be there at 6PM. Wait na lang kita.”
“Okay. See you!”
Alas tres ng hapon nang mapansin ni Jeth ang kakaibang ingay na nanggagaling sa stage ng night club. May bandang parang nagsa-sample ng tugtog sa harapan ni Mrs. Villaluz. Hindi namalayan ni Jeth na nakailang minuto na siyang nakikinig sa tumutugtog na banda. Maya-maya, biglang nagsalita ang manager ng Happy Nights. “So kelan kayo pwedeng magsimula?”, tanong niya. “Kahit mamayang gabi po, pwedeng pwede kami.”, sagot ng dalagang bokalista. “O sige. Mamayang 6PM kelangang nandito na kayo.”, napatigil ang ale nang makita si Jeth. “Nandito pala ang taong mag-aassist sa setup ninyo mamaya. Kung may kailangan kayo habang wala ako, sabihin niyo lang sa kanya.”, dugtong ni Mrs. Villaluz.
Walang narinig na salita ang banda kay Jeth. Kagaya ng kanyang ginagawa sa mga katrabaho, binigyan niya lang ang mga ito ng isang tingin na nagpapahiwatig na mauna na siya. “Masanay na kayo mga iho, iha. May pagka-weirdo talaga ang batang ‘yan. Pero masipag at mabuting tao ‘yan basta huwag niyo lang siyang kulitin na magkwento tungkol sa personal na buhay niya.”, paliwanag ng ale nang makita ang reaksyon ng mga musikero sa inasta ni Jeth.
Sumapit ang alas syete ng gabi at nagpakita din sa wakas si Maica sa napagkasunduang cafe. Agad-agad siyang humingi ng dispensa sa mamang executive dahil naipit siya sa buhol-buhol na traffic papuntang Magic Mall. Hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng matanda dahil akala niya hindi na siya sisiputin ng babaeng may kakaibang alindog sa paningin niya. Dahil dito, lalong lumakas ang loob ni Maica na ituloy ang kanyang binabalak kay Atty. Montemayor. Pagkatapos ng halos isang oras na pakikipagbolahan, sinimulan na ng dalaga na ibahin ang topic nilang dalawa.
“Maiba po ako. Attorney, kamusta naman po ang pamilya niyo?”
“Uy, masyadong personal na ‘yan. Pero let’s just say na hindi na nila ako kailangan dahil nabigay ko na in advance lahat lahat ng kakailanganin nila sa loob ng 50 or even 60 years.”
“Ganun po ba? Eh paano po ang inyong lovelife niyan?”
“Hahaha... Wala sa bokabyularyo ko ang salitang ‘lovelife’. Kalokohan lang iyan. Siguro kung tinanong mo ang about sa sex life ko,... Well... uhh...”
“Ay, ‘yun ho ba? OK lang po iyon. Open-minded naman po ako kaya feel comfortable kung gusto niyo pong pag-usapan natin iyan.”
Painit nang painit ang naging usapan ng dalawa at kagaya ng binabalak ni Maica, naging dahilan ito para i-insist ng attorney na ihatid ang dalaga sa inuuwiang appartment unit. Pagdating at pagdating nilang dalawa sa nasabing lugar, inumpisahan nila kaagad ang galaw ng mga malilikot nilang kamay at labi. Di na sila nag-atubiling buksan pa ang ilaw dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Animo’y may papasabog nang bomba ang kanilang pagmamadali sa kanilang mga ginagawa sa isa’t isa sa dilim. Kung sabagay, dapat nga talagang matapos na agad-agad ni Maica ang kanyang tunay na intensyon sa kasamang lalaki dahil may show pa siya sa Happy Nights pagtawid ng hatinggabi.
Natapos din ang mainit-init na eksena sa dilim at umalis na ang matandang VIP sa appartment ng babae. “OK. Mission accomplished. Labas ka na diyan.”, sabi ni Maica habang nakaharap sa kanyang tukador. “Best actress ka talaga babes! Sukang suka ako sa mga nakita ko pero sulit naman dahil ito na ang unang alas na nabunot ko.”, linya ni Jeth pagkalabas at pagkalabas ng kanyang pinagtataguan. “Buti na lang at maganda ang night vision ng camera mo kaya kitang kita pa rin itsura ng ulol na iyon sa nakuha kong video!”, dagdag pa niya. “O sya, sya. Tayo na at may hahabuling show pa ako.”, sagot ng dalaga.
Kagaya nung isang gabi, binigyan ni Jeth ng bonus prize ang kasabwat na babae nang matapos na ang show nito sa night club. “Matanong ko lang babes. Bakit nga ba may malaking utang sa iyo ang DOM na iyon?”, singit ni Maica habang nasa kalagitnaan sila ng erotikong senaryo. “Sabihin na lang natin na first payment pa lang ‘to sa sinisingil ko sa kumag na iyon. Saka ko na ipapaliwanag. I-enjoy na lang muna natin ang sandaling ito.”
(Next Chapter: Putik)
BINABASA MO ANG
Detour
ActionSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...