Chapter 20: Anino

26 3 0
                                    

“Maica?”, mahinahong tawag ni Jeth sa babaeng katabi ng matandang abogado. “Teka, huwag tayong masyadong hot. Bakit, kilala mo ba ang babaeng ito?”, pagpipigil ni Atty. Montemayor sa binata bago tuluyang makalapit ito sa katabi niyang dalaga. Napatigil naman si Jeth nang makita sa mukha ng babaeng tinatawag niyang Maica na tila hindi siya nakikilala nito. “Ang mabuti pa, bumalik ka na muna, Mitch sa kwarto mo. May confidential na pag-uusapan kami ng future work partner mo.”, sabi ng mamang VIP at agad na pansamantalang umalis ang dalaga para makapag-usap ang dalawa.

“Anong nangyayari dito? Bakit kasama mo si Maica?”

“Sinong Maica?”

“Huwag ka nang magkaila, Montemayor! Alam kong si Maica iyon! Kahit bihisan mo ng kung anu-ano pati ang anino niya, makikilala ko pa rin siya. Anong ginawa mo sa kanya?”

“Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo, Boy.”

“Pasensya ka na at tagalog lang ang alam kong salita. Pero demonyo ka naman kaya alam kong naiintindihan mo ang pinagsasabi ko!”

“Hay naku, Mr. Salvacion. Kung gusto mong sagutin ko ang mga pinaparatang mo sa akin, tapusin muna natin ang contract signing, pwede? Haha... As if, may iba ka pang choice.”

“Sukdulan talaga ang kawalang hiya mo! Kung iyan ang gusto mo, sige! Basta tandaan mo, sa oras na sinaktan mo si Maica...”

“OK, OK!!! Alam ko na ‘yan... Andami mo pang satsat. Siyanga pala, naiwan ito ng babae mo noong huling beses siyang humiga sa kama ko. Oo, ilang beses kong natikman ang pinakamamahal mong kasintahan. Ang galing nga niya eh! Pero bago ka mag-react, basahin mo muna ang love letter ng babes mo.”

Muntik nang mandilim ang paningin ni Jeth nang marinig ang sinabi ni Atty. Montemayor pero napatigil siya nang mabasa ang nilalaman ng nakuhang sulat na nagsasabing:

“Labs, patawarin mo ako. Marami akong inilihim sa iyo nitong mga huling araw. Gusto ko lang namang tulungan kang makamit ang minimithi mong hustisya para kay Sheena at sa iyong mga magulang. Nararamdaman kong may papalapit na masamang mangyayari sa akin kaya minabuti kong ihanda na ang sulat na ito. Anuman ang mangyari sa akin, pakitulungan na lang ang mga kaibigan ko sa pag-aalaga sa mga kapatid ko at pakisabi sa kanila na mahal na mahal ko sila at magsumikap sila para huwag silang magaya sa akin. At isa pa, sana makahanap ka ng bagong mamahalin. Siyempre, sana kasingganda ko siya kagaya ni Jenny. Alam kong mabuti siyang tao at magiging masaya ako kapag kayong dalawa ang magkakatuluyan. Sana maiintindihan mo ako. Mahal na mahal kita, Jeth.

--- Maica”

Pinilit ni Jeth magpakatatag at pinilit niya ring paniwalain ang sarili na hindi totoo ang mga nabasa niya sa sulat. “Hindi mo ako maloloko, Montemayor! Nasaan na si Maica?! Ilabas mo siya!”, sigaw niya sa matandang abogado habang pinipigilan siya ng dalawang bodyguard. “Alam mo, Jethro, hindi ko maintindihan kung anong gustong mangyari ng girlfriend mo, pero ang importante, imposible na niyang magagawa ang pinaplano niya laban sa akin.”, mapanuksong sagot ni Atty. Montemayor. “Dahil wala ka namang ibang choice, ang mas mabuti pa, mag-contract signing na tayo at sundin mo lahat ng gusto kong mangyari. Kapag nakapirma ka na, saka ko hahayaang makilala mo si Mitch.”, dagdag pa niya habang sumesenyas sa mga tauhan na ilabas ang mga papeles at ang mga taong magpapaliwanag ng magiging trabaho ni Jeth.

Matapos mag-isip nang malalim, pumayag si Jeth sa gustong mangyari ng tusong abogado, hindi dahil wala siyang choice, kundi dahil sa nabuo niyang bagong plano. Tinawag ni Atty. Montemayor pabalik si Mitch at agad namang lumabas ulit ang dalaga. “Jeth and Mitch, kayo ang magiging bagong singing couple na pasisikatin ko. Sumunod lang kayo sa mga utos ko at siguradong sisikat kayo agad-agad.”, sabi ng matandang VIP bago niya hinayaang kausapin ng binata si Mitch.

 “Maica, ako ito! Sinaktan ka ba niya?”

“Mitch po ang pangalan ko at hindi ko po kilala ang sinasabi niyong Maica.”

“Ano bang ginawa nila sa ‘yo at nagkakaganyan ka? Pinilit ka ba nila?”

“Sorry po talaga. Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo. Bagong luwas lang ako galing probinsya. Napakabait nga ni Atty. Montemayor dahil kahapon ko pa lang siya nakilala, inalok na niya kaagad sa akin ang career na ito.”

“Sigurado ka??? Malaki ang pinagbago ng itsura mo pero alam kong ikaw ‘yan, Maica!”

“Pasensya na po. Nagkakamali lang talaga kayo. Kung wala na po kayong ibang sasabihin, babalik na po ako sa kwarto ko dahil marami pa akong gagawin.”

Natawa lang si Atty. Montemayor habang pinagmamasdan ang litong-litong binata. “Wala ka nang magagawa, Boy. Hindi talaga siya si Maica mo. Pero kung ipipilit mo ‘yang pinaniniwalaan mo, OK lang. Wala ka rin namang mapapala kapag itutuloy mo pa kung anumang balak mong gawin laban sa akin. Tandaan mo, kilalang kilala na kita ngayon at kung maisipan mo mang itakas siya, masasawi ka lang dahil nakagapos na ang mga anino ninyo sa akin. Wala kayong pwedeng puntahan na hindi ko malalaman.... Sige, see you bukas para sa first day mo sa trabaho.”, may halong pangungutya na babala ni Atty. Montemayor bago niya tinapos ang meeting nila ni Jeth.

Napilitang lisanin ni Jeth ang lugar. Alam niyang sa mga sandaling ito, wala siyang laban kaya pansamantalang sasakyan niya ang gustong mangyari ng mortal niyang kaaway. Naisip niyang lalo niyang kailangan ngayon ang tulong nina Aaliyah at Eliseo pero ayaw niya ring pati sila ay gawan rin ng masama ni Atty. Montemayor. “Kahit anong pagde-deny ang gawin nila, sigurado akong si Maica ang Mitch na iyon. Aaliyah, Eliseo... pwede bang kayo na muna ang bahala sa mga kapatid ni Maica? At pwede bang dalhin niyo muna sila sa malayong lugar kung saan kayo magiging ligtas laban kay Montemayor?”, ito ang mga sinabi ni Jeth nang muli sila nagkita-kita sa hospital kung saan naka-confine si Jenny. Pumayag naman si Eliseo sa gustong mangyari ng kanilang kaibigan at ganun din si Aaliyah, alang-alang kay Maica.

Pagkatapos nilang mag-usap, saka namang pumasok si Dr. Quirino para sa isang napakabuting balita. “Dahil sa consistent improvement sa vital signs ng kaibigan ninyo, pansamantala siyang makakalabas ng hospital at makapagatuloy sa pagbabanda. However, hinding hindi siya pwedeng ma-stress. Mahina pa rin ang kanyang puso at habang hindi pa ito napapalitan, kailangang iwasan niya ang kahit anong sitwasyon na makakadulot sa kanya ng matinding emosyon, positive man o negative.” Sabi ng doctor ni Jenny.

(Next Chapter: Hiyaw)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon