Marami pang mga bagay-bagay ang napag-usapan nina Jeth at Maica pagkatapos nilang mag-almusal at maligo. Nalaman na ng dalaga ang buong dahilan kung bakit at paano naging napakamiserable ng naging buhay ng kanyang boyfriend bago pa nagkakila sila pinagtatrabahuhang night club. Kinwento din niya ang mga bagay-bagay na ipinagtapat niya noong isang araw sa kanyang dating bestfriend na si Aaliyah. Pero nang patapos na ang kanilang kwentuhan, may di-inaasahang tawag ang nakaputol sa kanilang pag-uusap.
“Hello, Maica. Si Aaliyah ‘to.”
“Uy, Chief! Napatawag ka.”
“Pwede ka bang pumunta dito sa bahay ngayon? May importanteng pag-uusapan tayo.”
“Ha? Eh pwede ko bang isama ang boyfriend ko?”
“Sige, kung sa tingin mo dapat niya ring malaman ang tungkol sa ibinulgar mo sa akin.”
“Salamat Aaliyah. Pupunta na kami diyan ngayon.”
Nag-aalinlangan man sa balak ng kanyang girlfriend, minabuti na rin ni Jeth na ibigay na lang ang kanyang buong suporta, lalo nang alam niyang kailangan nila ng proteksyon mula sa kalaban nila na pwede silang salakayin anumang oras. Wala pa man siyang nabuong bagong plano ng paghihiganti, mas iniintindin niya sa ngayon kung paano masigurong hindi mapapahamak ang kanyang bagong minamahal laban sa kamay ng matandang attorney. “Basta tandaan mo Labs, hinding hindi ko hahayaang saktan ka ng demonyong iyon. Gagawa ako ng paraan para hindi ka na mapahamak dito.”, bulong niya kay Maica bago sila kumatok sa pinto ng bahay ni Aaliyah.
“Finally, nakilala rin kita, Jeth. Tuloy kayo.”, bati ng babaeng pulis nang makita ang kasamang lalaki ng kanyang dating bestfriend. Pagkatapos niyang mag-serve ng meryenda sa mga bisita, binuksan niya ang kanyang laptop at pinakita ang ilang mga web articles tungkol sa mga hinihinalang smuggled sportscar. Pinakita niya rin ang malakas na posibilidad ng koneksyon ng grupong responsable nito sa mga taong nasa likod ng palihim na bentahan ng milyon-milyong halaga ng droga sa mga malalaking negosyante, ilang mga politiko, at iba pang mahahalaga at nasa upper class society na mga tao.
Habang pinapakita ni Aaliyah ang mga larawang nakunan sa hinihinalang lungga ng big-time na sindikato, may biglang bumalik sa alaala ni Jeth. Napagtanto niya na ang lugar kung saan niya sinundan si Atty. Montemayor noong gabing pinatay si Sheena ay ang lugar na tinutukoy sa mga larawan. Hindi niya masyadong napansin kung anong meron sa lugar na iyon noong panahon na gustong-gusto niyang kitilin ang buhay ng taong kinamumuhian niya pero isang bagay ang siguradong sigurado siya --- ang lihim na daanan papasok sa pinakaimportanteng kwarto ng bodegang iyon na nasa basement lang ng kanyang condo.
“Ayos! Sa tulong ng nalalaman mo at ng mga kopya ng top secret files na ipinadala sa akin ni Maica, mas madali na nating mapapatunayan ang mga pinakatago-tagong sekreto ni Atty. Montemayor.”
“Oo nga pero... paano natin magagawa ‘yan? Sigurado akong maraming koneksyon ang demonyong iyon sa gobyerno at awtoridad. Sa panahon ngayon, hindi mo na alam kung sino-sino pa ang pwede mong pagkatiwalaan.”
“Naiintindihan kita, Jeth. Kaya kailangan nating pag-isipang mabuti ang susunod nating hakbang. Napakadelikado ng papasukin nating gulo. Hindi tayo pwedeng magkamali ng galaw.”
“May hahanapin akong tao. Sigurado akong matutulungan niya tayo.”
Pagkatapos ng ilang palitan ng mga tanong at sagot, nagpaalam na si Jeth para simulan na kaagad ang paghahanap sa isang taong matagal na niyang hindi nakikita. “Mamaya ka na umalis. May pag-uusapan pa tayo.”, pasimpleng bulong ni Aaliyah sa kaibigan na naghahanda na sanang umuwi. Sumunod naman si Maica at nagpatuloy pa ang kanilang pag-uusap tungkol sa kani-kanilang nalalaman tungkol sa mga alegasyon kay Atty. Montemayor.
Inabot ng alas-tres ng hapon nang narating ni Jeth ang lugar na may malaking parte sa kanyang nakaraan. Agad-agad niyang tinungo ang isang maliit na Christian church at may iilang mga taong namukhaan siya pero nangibabaw sa kanila ang pag-iisp na hindi siya ang taong minsan nilang nakilala mahigit limang taon na ang nakaraan. Ang buong akala nila, matagal nang patay si Jeth dahil ilang taon din nila siyang hinanap pero wala ni isa sa kanila ang nakakita kahit isang yapak niya. Bago pa nakapagsalita ang mga taong minsan nang naging parte ng kanyang buhay, malakas na binigkas ni Jeth ang tanong na “Nandiyan ba si Eliseo?”. Tamang-tama naman ang kanyang pagtanong at dumating ang kanyang dating matalik na kaibigan na sa una ay nagtataka kung sino ang lalaking naghahanap sa kanya.
“Jeth, ikaw nga! Salamat sa Diyos at buhay ka!”, agad na sigaw ni Eliseo nang makilala sa wakas ang lalaking nasa harapan niya. “Nagkakamali ka. Matagal na akong patay... matagal na akong pinatay ng Diyos mo!”, malakas na sagot ng di-inaasahang bisita ng mga nagre-rehearse na banda. Natulala si Eliseo sa di-kapani-paniwalang mga salitang narinig sa dating bestfriend niya. Hindi niya namalayan na napatulo na ang kanyang mga luha habang tinititigan ang napakalaking pagbabago sa itsura at pagkatao ng binatang tinulungan niya noong makilala ang Diyos.
"Pakiusap, huwag muna nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. May importante akong pakay kaya sinikap kong mahanap ka sa lalong madaling panahon.”
“Sige Jeth. Sabihin mo lang kung may kailangan ka sa akin. Handa akong tulungan ka.”
“Mahaba-habang usapan ito kaya mas makakabuti sigurong doon muna tayo sa dati nating tambayan.”
“Wala na ang convenience store sa labas ng school natin. Pero may bagong kainan diyan sa kanto at pwede tayong mag-usap nang tahimik doon.”
“Okay. Tayo na.”
Ikinwento ni Jeth ang tungkol sa abogadong kinamumuhian niya --- kung paano nagbuwis ng buhay si Sheena at kung paano siya duguan at baldadong napadpad sa kulungan pagkatapos noon. Sinabi niya rin ang tungkol sa balak nilang pagsiwalat sa mga illegal activities ni Atty. Montemayor bilang paghigante niya at pagsiguro na hindi na silang dalawa ni Maica gagambalain pa kapag nag-umpisa na silang magbagong-buhay. Pero pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Jeth, hindi pa rin makuha ni Eliseo kung ano ba talaga ang pakay sa kanya ng kaibigan. Dahil masyadong mapanganib na malaman ng ibang tao ang tungkol sa pinag-uusapan nila, naisip ni Jeth na isulat na lang sa tissue paper ang tulong na kailangan niya mula sa kanyang dating kaibigan.
(Next Chapter: Bato)
![](https://img.wattpad.com/cover/22910397-288-k173625.jpg)
BINABASA MO ANG
Detour
AcciónSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...