Chapter 23: Koneksyon

16 1 0
                                    

Nagkaroon ng meeting si Atty. Monemayor sa kanyang mga major talents, kabilang na sina Jeth, Mitch, at Jenny. "Bago ko simulan ang ating pag-uusapan ngayong gabi, nais kong pasalamatan at i-congratulate kayong lahat dahil sa tuloy-tuloy na pagbangon ng ating station. Malaki-laki na ang lamang natin sa ating mga rival networks at walang duda na tayo ang primary choice ng lahat ng prominent companies para sa kanilang ads. Again, thank you very much for your consistent hardwork and passion for excellence. Palakpakan ninyo ang mga sarili niyo.", panimula niya sa pagpupulong.

"Moving on, I would like to inform all of you that after several years of taking it into consideration, I have now come up with this very important decision na for sure ay ikakagulat ninyong lahat... Yaman din lamang na we are promoting our station as 'Kakampi ng Masa', naisip kong ituloy-tuloy ko na ang ating public service programs at koneksyon natin sa ating mga kababayan but this time, in political terms... Opo, tama ang inyong iniisip. Tatakbo po ako this coming election, not for mayor, not for congressman, but for senator.", ito ang napakahalagang announcement ni Atty. Montemayor na halos nagpa-speechless sa kanyang mga ka-meeting.

"Now, what I need you to do is to start thinking of creative ways to feature me in your works. In your case, Jethro, for example, you can lead your fellow singers and your band to come up with catchy pero makabagbag-damdaming campaign jingles. Gusto ko sana, side-by-side kayong magtrabaho ni Jenny more often para makagawa kayo ng perfect output in the shortest time frame possible. I'm thinking na gumawa rin kayo ng isang original non-political song na pwede kong kantahin live bilang pampapogi sa mga campaign rallies. I really trust you guys and I'm very sure na you'll come up with an excellent work within the next two weeks.", pagpapatuly ng CEO ng M3 Broadcasting Corporation.

Madami-dami rin ang mga na-discuss ni Atty. Montemayor sa meeting at halos lahat ay tungkol sa kanyang mga gustong mangyari sa upcoming campaign activities niya. Bago niya pina-dismiss ang  meeting, sinabi niyang kailangang magpaiwan ang dalawang pinaka-successful music  artists ng kanyang network. "As what I've said, Jenny and Jeth, I need you to work more closely starting tomorrow. I badly need immediate updates sa mga new assignments ninyo. Meanwhile, I'm assigning Mitch to host and produce a documentary video about my life, which will be shot exactly in my province, and so she will have to stay there for several months. She's actuallyleaving right now para maumpisahan bukas ang pag-research niya with the team. Now, am I clear?", ito ang instruction niya na nagpabahala sa kanyang kaharap na binata.

Susubukan pa sana ni Jeth na habulin si Mitch pero pinigilan siya ni Jenny sabay pasimbleng sabing "No, Jeth. It's not yet time. Just trust God dahil for sure, may magandang dahilan kung bakit hinayaan niyang magkalayo kayo muna ni Mitch.". Labag man sa loob ng gwapitong rockstar, may di-maintindihang pakiramdam siya na nagkumbinsi sa kanyang makinig sa advice ng kaibigang dalaga. "Let's talk about this later.", bulong ni Jenny para ma-remind si Jeth na dapat mag-ingat sa kanilang mga pinag-uusapan kapag nasa paligid lang ang mga galamay ng kanilang big boss.

"Ano ba talaga ang balak ninyong gawin, Boss?", tanong ng kanang kamay ni Atty. Montemayor. Nakangiti lang ang matanda habang minamasdan ang live CCTV footage ng pag-uusap nina Jeth at Jenny. "Alam mo, Boy, wala talagang kaalam-alam ang dalawang iyan na alam kong magkasabwat sila at may binabalak silang masama laban sa akin. Kung anuman iyan, sigurado akong hinding hindi sila magtatagumpay dahil hawak ko pa rin sa leeg ang pinakatago-tago kong alas. Hintayin lang nating matapos ang eleksyon na ito at makukuha ko na ang pinakahuling kailangan ko sa mga pesteng iyan. Namnamin na nila ang oportunidad na ibinigay ko sa kanila dahil bilang na ang kanilang araw sa mundong ito. Malapit nang dumating ang highlight ng palabas na ito.", sagot naman ng big boss.

Samantala, agad na bumili ng bagong sim card si Jeth nang makalayo na sila sa opisina ni Atty. Montemayor. Dinial niya ang phone number na hindi naka-save sa kanyang phone kundi sa kanyang utak. Nag-ring ang kanyang tinawagan at agad itong sinagot ng lalaking nagulat sa kanyang di-inaasahang pangangamusta.

"Uy Bro! Napatawag ka! Kamusta ka na diyan?"

"OK lang ako, Tol. Ang mga bata, kamusta na? Kayo ni Aaliyah, kamusta?"

"Nasa mabuting kamay naman kami. Sa awa ng Diyos, hindi pa rin kami natuntunton ng mga naghahanap kay Maica."

"Mabuti naman kung ganun. Eliseo, kayo lang ng misis mo ang tanging pag-asa ko para malaman ang katotohanan sa pagkawala ni Maica at para na rin mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya at sa iba ko pang mga mahal sa buhay. Maraming salamat sa inyo at sana huwag kayong magsawang tumulong sa laban kong ito."

"Huwag kami ang pasalamatan mo Jeth... si Lord! Siya ang nag-lead sa amin para samahan ka sa misyong ito. Umasa ka lang sa Kanya at tiyak na makakamtan mo rin ang inaasam-asam mong hustisya."

"Pasensya ka na, Bro... hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin ang mga pinagsasabi mo.... Siyanga pala, may napakahalagang pagbabago sa plano natin."

Ibinalita ni Jeth sa kanyang kaibigan ang tungkol sa balak na pagsabak sa pulitika ng taong pinakaminumuhian niya. Mahaba-haba ang kanilang pinag-usapan para sa pagpapabuti ng kanilang plano laban sa matandang abogado. "Bro, dating gawi pa rin. Sisirain ko na ang sim na 'to pagkatapos nating mag-usap. Kapag may napakaimportante kang sasabihin, tawagan mo lang ang bagong number ni Jenny na ibinigay ko kanina. Mag-ingat kayo diyan.", ito ang huling linya ni Jeth bago niya ibinaba ang phone ng kaibigang singer-songwriter.

Palabas na ng kwarto si Eliseo nang pumasok ang kanyang asawang dating pulis. "Hon, tumawag na ba si Jeth?", tanong ni Aaliyah na hawak-hawak ang kanyang phone at halatang may kausap siyang caller. Tumango naman ang kanyang mister at sa isang tinginan ay nagkaintindihan na sila at nagkasundo sa dapat sabihin ni Aaliyah sa taong kausap niya sa phone. Lingid sa kaalaman ni Jeth, hindi lang siya ang may pinakatago-tagong koneksyon sa mag-asawa.

(Next Chapter: Santo)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon