Dumiretso si Maica sa isang sophisticated na bar at nagpanggap na isa sa mga conyong nagha-hangout lang sa lugar. Walang makakapagsabing isa siyang kalapating mababa ang lipad dahil sa maamo niyang mukha at mala-inosente niyang appeal. Kung sabagay, halos wala nang pinagkaiba ngayon ang suot at asta ng mga babaeng bayaran at ng mga babaeng liberated kahit na mayaman, may pinag-aralan, at galing sa matinong pamilya pa sila.
Padami nang padami ang mga lalaking lumalapit at pilit nilalandi si Maica. Hindi siya nagpapatinag dahil naka-focus siya sa pag-aabang sa isang lalaki. Lumipas ang dalawang oras at naiinip na siya sa kakahintay sa taong iyon at sa kakadedma sa mga lalaking pumuporma sa kanya. Maya-maya, bibigay na sana siya sa lalaking naglabas na ng libu-libong cash pero nang mapatingin siya sa entrance ng bar ay nakita niyang dumating na rin sa wakas ang lalaking kanina pa niya hinihintay. Lumapit siya sa isang lalaking may pagkapormal ang suot at nasa singkwenta anyos ang edad. Pasimpleng kinuha ng dalaga ang atensyon nito.
“Excuse me Sir. Di ba kayo po si Dr. Santeban?”, approach ni Maica sa lalaking kakarating lang.
“Actually, it’s Atty. Montemayor. But… I think I know you, Miss… Miss...”
“Maica po. Ay, oo nga po. Kayo pala si Atty. Montemayor. Remember me?”
“Uh… Yes. Nag-meet na tayo before… Sa…”
“The Fort... Sa isang bar, right?”
“Ah yes, sa Fort… You look more amazing than that time!”
Ganito talaga ang style ni Atty. Montemayor kapag may nagugustuhang babae sa kanyang bar. Tiyempo lang at naunang lumapit ang babae kaya napadali ang kanyang diskarte. Di-hamak na mas maganda si Maica kaysa sa ibang babae sa loob ng madilim na establisementong puno ng mga umiikot at makukulay na ilaw na sinasabayan ang nakakabinging house music. Nakuha niya sa tingin ang lalaki at pumagitna silang dalawa sa dance floor. Sinimulan nila ang mainit-init na sayaw sa gitna ng mga nagsasayawang lasing at hyperactive na party-goers.
Malikot ang mga kamay ng lalaki at halatang mabilis siyang dumiskarte. Nag-astang mahinhin na pakipot na lang ang kasayaw na babae para lalong mahulog ito sa kanyang nakahandang bitag. “Hmmm... Tingnan natin Tanda kung sino sa atin ang maiisahan sa gabing ito.”, bulong ni Maica sa sarili habang tuloy ang sensual dance nila ng attorney.
Makalipas ang mahigit isang oras ng mainit na eksena sa dance floor, napagpasiyahan ng dalawa na tumabi sa isang VIP table para mag-order ng drinks at makapagkwentuhan. “So Maica, are you a student or working na?”, panimulang tanong ni Atty. Montemayor. “Actually, pareho. Nagtatrabaho ako sa... basta sa isang government office. Medyo confidential kasi. Pero kaka-start ko din ng culinary course.”, sagot ni Maica at nagtuloy-tuloy na ang kanilang kwentuhan habang nakaakbay at pasimpleng pahimas himas ang matandang lalaki sa mga binti ng dalaga. Umabot ng umaga ang tagpong ito at natapos sa palitan ng phone numbers. “Here’s my personal calling card at nandiyan ang address ng condo ko. Magkikita pa tayo ulit, right?”, huling banat ng lalaki na halatang lasing na lasing na at hindi namalayang naibigay niya ang kanyang personal address. “Sure! I’m just a text away.”, may pagka-evil smile na linya ni Maica habang papalabas ng bar.
Sumapit na naman ang alas-otso ng gabi at “active” ulit ang hidden business ng Happy Nights. Nasa isang table malapit sa madilim na sulok si Jeth, naglalasing na naman as usual. Wala pang isang oras siyang nag-iinom pero nangangalahati na ang pangalawang bucket na inorder niya. Sasahurin din naman niya kasi ang magagastos sa paglalasing niya kaya tila lumuluwa ng pera ang kanyang pitaka tuwing nagsasabi siya ng “Waiter, isang bucket pa nga!”. At isa pa, wala naman siyang ibang pagkakagastusan ng sinasahod niya. Libre ang pagkain niya kapag nagtatrabaho siya sa bodega. Ang mga babaeng stay-in ang nag-aasekaso ng kanyang sabon, shampoo, toothpaste, at iba pang pang-araw araw na kailangan. Siyempre, wala siyang ginagastos sa kanyang pambabae dahil kusang lumalapit sa kanya ang mga nababakanteng magdalena.
“Pogi, ayos na.”, biglang bati ni Maica na kakabihis lang para sa kanyang “show”. Nakilala ni Jeth ang babaeng tumapik sa kanya at isang ngiti lang ang kanyang sinagot dito. “Puntahan na lang kita mamaya sa kuwarto mo. Isang customer lang tatanggapin ko ngayon para makuha ang premyo ko sa ‘yo”, sabi ng babae sabay alis papuntang backstage. Lasing na ngiti pa rin ang sinukli ng lalaki sa kanya.
Kinaumagahan, ginising ni Maica si Jeth na sobrang lalim ng tulog habang nakahubo’t hubad. “Ano ba, Jeth! Tanghali na! May lakad pa ako.”, medyo naiinis nang pangungulit ng babae. Totoo ngang nag-aaral ng culinary ang babae dahil nangangarap din siyang makaahon sa buhay balang araw. Maya-maya, nagising din ang lalaki at tumigil sandali para isipin ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Kinuwento ni Maica ang mga nangyari noong pumunta siya sa bar na pagmamay-ari ni Atty. Montemayor.
“Heto ang calling card ng lalaki.”
“Nice. Di ako nagkamali sa pagpili sa iyo. Kaya nga labs na labs kita e.”
“Sus. Binola mo pa ako. Yung talent fee ko?”
“Mamaya pagsahod. Bigay ko sa ‘yo.”
“Pag ako inisahan mo Jeth, humanda ka. Siyanga pala, ano ba ang kailangan mo sa taong iyon? Nakaganti ka na di ba? Kitang-kita nga noong isang gabi na namamaga pa ang pisngi ng mama.”
“Wala pa iyon katiting ng kasalanan niya sa akin. Kahit buhay niya, kulang na kulang pang pambayad sa atraso niya sa akin.”
“Bakit? Inutangan ka ba niya ng isang milyon? Dalawang milyon? O di kaya... hehe... Joke lang, my labs.”
“Ang lalaking iyon ang dahilan ng pagguho ng aking mga pangarap. Kung gaano kawalang kwenta ang buhay ko ngayon, iyon ay dahil sa kanya!”
“Easy lang, Jeth! Hayaan mo, makakaganti ka rin sa taong iyon. Sabihin mo lang kung ano pang maitutulong ko.”
Dahil sa narinig, napatingin si Jeth kay Maica at walang anu-ano’y may isang bagong idea ang nadagdag sa balak niya. Kinuha niya sa kanyang sira-sirang tukador ang isang scratch paper at maikling lapis. Na-curious ang magdalena sa pinagsusulat ng lalaki pero hindi na niya inistorbo ito. Nang matapos na ang kanyang sinusulat, nginitian ni Jeth ang babae sabay sabing, “Labs ko, may part 2 pa ang misyon mo.”.
_________________________________________________________________________________
Next Chapter: Dilim
Please feel free to give your comments and suggestions. Kindly vote also if you liked the story.
For updates and other interesting posts, please visit
and LIKE: https://www.facebook.com/akunideisyusero
_________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Detour
ActionSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...