Mga alas otso ng umaga nang marating ni Maica ang bahay ng kaibigan na policewoman. “Magandang umaga, chief Aaliyah.”, bati niya sa nagbukas ng pinto. “Uy, ikaw pala Maica. Good morning din. Paganda ka nang paganda ah. Kamusta na sa pinagtatrabahuhan mong office? Ikaw ha, lagi ka na lang busy kaya hanggang ngayon, wala ka pa masyadong kinukwento sa akin mula nang tumigil nag-graduate tayo ng high school.”, sabi ni Aaliyah, ang dating bestfriend ni Maica na nagpulis para masundan ang yapak ng kanyang namayapang ama. Hindi naman nakasagot kaagad si Maica dahil walang kaalam alam ang kanyang kaibigan tungkol sa buhay na kinabagsakan niya.
“Aaliyah, may dapat kang malaman tungkol sa akin.”
“Seryosong usapan yata ito ha. Sige makikinig ako.”
“Tama ang sinabi ko dati na kumukuha ako ngayon ng short-term culinary course. Pero ang totoo niyan, hindi sa trabaho sa office nanggagaling ang pang-tuition ko at pansustento sa mga kapatid ko.”
“Huwag kang mag-alala, Maica. Kahit ano pang sekreto iyan, asahan mong kaibigan mo pa rin ako.”
“Naalala mo nang magkasunod na namatay ang mga magulang ko? Halos mabaliw ako noon kakaisip ng kung saan ako kukuha ng ipapakain ko sa mga kapatid ko. May lumapit sa aking isang mukhng VIP na lalaki. May inaalok siya sa aking job opportunity sa abroad at siya daw bahala sa lahat ng mga kakailanganing proseso. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinanggap ko ang offer niya dahil basta para sa mga kapatid ko, papasukin ko...”
“Tapos, anong nangyari?”
“Pinapunta niya ako sa isang hotel dahil doon na daw hihintayin ang plane ticket namin. Nagtaka ako dahil mag-isa lang ako doon. Tapos iyon, nalaman ko na hindi pala totoo ang pinangako niya sa aking trabaho. Gusto lang pala niya ang katawan ko at handa daw siyang magbayad kahit magkano kung papayag ako sa lahat ng ipapagawa niya sa akin.”
“Hala. Pumayag ka?”
“Nasilaw ako sa pera, Aaliyah. Sa sobrang pagkadesperada kong makahanap ng trabaho, pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Habang wala pa rin akong nahahanap na trabaho, tatlong beses sa isang linggo kami nagkikita sa parehong hotel at iyon ang naging source of income ko bago ako napadpad sa Happy Nights.”
“Happy Nights? Eh, iyon ang night club na pinaghihinalaan naming may hidden services ah.
“Oo, Aaliyah. Tama ang hinala niyo. Nang namatay ang VIP na iyon dahil sa atake sa puso, pinag-igihan ko ang paghahanap ng trabaho. Nakilala ko si Mrs. Villaluz, ang manager ng Happy Nights. Ang sabi niya, tatanggapin niya daw ako bilang waitress pero mababa lang ang sahod.”
“OK lang iyon. Wala namang masama sa pagiging waitress.”
“Naging waitress ako doon pero pagkalipas ng isang buwan, biglang inatake ng asthma ang aking kapatid at kinailangan ko siyang isugod sa ospital. Lumapit ako kay Mrs. Villaluz pero maliit na halaga lang daw ang kaya niyang pautangin sa akin, maliban na lamang daw kung tatanggapin ko ang inaalok niya sa aking sideline.”
“Don’t tell me nagshow at nagpa-table ka sa mga customer?”
“Hindi lang ‘yon. Nagpa-takeout na din ako para mas malaki ang bayad. Napilitan akong gawin iyon ng ilang gabi pa at naging manhid na ako sa mga kahayupang ginagawa sa akin ng mga customer ko. Eventually, tumigil na ako sa pagiging waitress at iyon na nga ang naging trabaho ko sa Happy Nights.”
“Shocks. Maica, anong nangyari sa ‘yo? Bakit hindi ka lumapit sa akin?”
“Pride, Aaliyah. Hindi ko matanggap noon na kailangan kong humingi ng tulong sa inyo. Sobrang na-insecure ako nang mabalitaan kong may kanya-kanya na kayong trabaho, lalo na nang nakita kong unti-unti kayong umasenso at tumataas ang tingin sa inyo ng mga tao.”
“Hindi, Maica. Hindi ka dapat na-insecure. Para saan pa ba ang pagiging magkaibigan natin?”
Naluha na lang si Maica nang ma-realize niya na napakalaking pagkakamali ang ginawa niyang pag-iwas sa mga totoong taong handa siyang tulungan. Inamin niyang malaki ang naging epekto sa kanyang pananaw sa buhay nang biglaang namatay ng kanyang mga magulang. Sinabi niya na gusto na niyang umalis sa Happy Nights para makapagbagong buhay na. Natuwa naman ang kanyang kaibigan at ipinangako niyang tutulong siya. Nang humupa na ang pagbuhos ng kanyang luha, nagpatuloy na si Maica sa pagsabi ng isa pang bagay na dapat malaman ng kanyang kaibigang pulis.
“Aaliyah, nakita ko sa news na hinahanap niyo ang source ng mga naglipanang smuggled sportscar. May alam ako.”
“Mas mabuti pang pumunta tayo ngayon ng presinto para ma-file natin ‘yan.”“Hindi Aaliyah. Huwag na huwag mong sasabihin sa mga kasamahan mo. Lahat sila sa station niyo, hindi mo dapat pagkatiwalaan dahil may kinalaman sila sa sa kasong ito.”
“Mapapatunayan mo ba ‘yan?”“Mamayang gabi, susubukan kong makakuha ng ebidensya. May kilala ka bang pwedeng lapitan natin, maliban sa mga kasama mong pulis?”
“Sa NBI tayo magre-report. May alam din akong taga-media na pwede nating pagkatiwalaan. Pero paano ka makakakuha ng ebidensya? Baka mapahamak ka sa binabalak mong gawin, Maica.”
“Buo na ang loob ko. Hindi ko lang ito gagawin para sa awtoridad, kundi para na rin sa ikakatahimik ng aking boyfriend.”
Pagkatapos maibigay ni Maica ang ilang mga importanteng detalye, umalis na siya sa bahay ng kaibigan para sa pumasok na sa kanyang culinary class. Malaking bahagi ng kanyang dinadala ang nabawas dahil sa wakas, nagkausap na sila muli ng dati niyang bestfriend at nasabi ang pinakatago-tago niyang sekreto. Pero hindi pa siya pwedeng magsaya dahil may isang malaking desisyon pa siya na kailangang panindigan.
Dumiretso na sa isang restaurant si Maica pagkatapos ng klase niya. Kagaya ng napag-usapan, nagkita sila doon ni Atty. Montemayor na sabik na sabik na sa mangyayari pagkatapos ng kanilang dinner. Ganoon nga ang nangyari. Pero this time, nakumbinsi ni Maica na doon sa personal place ng attorney nila gawin ang bagay na hatid ng makamundong pagnanasa. Mas binilisan nila ang kanilang pagkain at hindi na sila masyadong nag-usap para maumpisahan na nila kaagad ang balak nilang gawin. Humirit pa si Maica sa kasamang lalaki pagkatapos ng unang round. “Pwede ba doon naman tayo sa office mo? Gusto ko kasing ma-experience ang humiga sa isang office table. Mas exciting iyon, lalo na kung may iniinom tayong wine. Pagbibigyan mo ba ako?”, panunukso niya sa matandang manyakis.
(Next Chapter: Panganib)
BINABASA MO ANG
Detour
ActionSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...