Chapter 7: Silaw

68 8 0
                                    

Bago magsimulang kumanta ay tumingin si Jeth kay Maica at sinabing “This song is dedicated to the most beautiful and the very sexy, Ms. Maica.”. Naghiyawan ang mga katrabaho niya dahil sa narinig habang ang ilang magdalena naman ay isinigaw ang kanilang hindi pagsang-ayon. “Magtatampo na ako niyan! Akala ko ba Jeth ako ang mahal mo?, sigaw ng isa. “Manloloko ka! Pero ang pogi pogi mo pa rin!!! Woooo!!!”, sigaw naman ng isa pang suking ka-table ni Jeth. Hindi sila pinansin ng binatang may hawak ng mikropono at nag-umpisa na ang kanyang pagkanta sa harap ng maraming tao at mga nakakasilaw na lighting effects.

“Wag ka nang umiyak... Sabay tayong aahon... Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin. Kumapit ka sa akin. Hindi kita bibitawan...”, ito ang ilan sa mga linya ng makabagbag-damdaming kanya ni Jeth para kay Maica. Naluha naman ang dalaga sa ginawa ng maloko niyang nobyo para sa kanya. Pero pinilit pa rin niyang magmatigas at itago ang kanyang totoong emosyon.

Pagkatapos ng kanyang performance, tumakbo agad si Jeth papunta kay Maica. Nagtinginan silang dalawa. Pareho silang walang masabi sa isa’t isa. “Pinahanga mo kaming lahat, bro. Magaling ka palang kumanta!”, sabi ni Gary na nasa likod na pala ni Jeth. Bigla namang umalis si Maica at susundan sana siya ni Jeth kung hindi lang siya pinigilan ni Mrs. Villaluz. “Hayaan muna natin siyang mapag-isa, iho. May matinding pinagdadaanan yata siya ngayon. Kausapin mo na lang sina Gary. May gusto silang sabihin sa ‘yo.”, sabi ng manager ng Happy Nights. Nakumbinsi naman si Jeth na huwag na munang kulitin ang problemadong babae kaya binaling niya ang kanyang atensyon sa bandang gusto siyang kausapin.

“Jeth, nag-message sa akin si Polo. Naka-confine daw si Jenny dahil hindi lang overfatigue ang problema sa kanya. Naaawa nga ako sa kanya dahil wala na nga siyang parents at wala din siyang mga kapatid, nasa probinsya pa namin ang kaniyang mga kamag-anak at kami lang ang kakilala niya dito. Ang sabi, mga two days pa daw bago sila makakapunta sa hospital kaya two days din kailangang magbantay dun si Polo. Kami din, walang ibang kakilala dito dahil mga bagong luwas lang kami.”

“Okay. So, ano ang kinalaman ko diyan?”

“Narinig ng lahat ng tao dito kung gaano ka kagaling kumanta. You sound like a professional, bro!”

“So ano namang koneksyon nito sa problema ni Jenny?”

“Gaya nga ng sabi ko, kailangan ni Polo na bantayan muna si Jenny... for two days. Kaya sana, kung papayag ka, ikaw muna ang magiging vocalist namin hanggang makabalik si Polo.”

“Ayoko.”

“Please, Jeth. Bibigyan ka naman namin ng share sa talent fee.”

“Hindi ako mukhang pera.”

Nag-walk out si Jeth pero sinundan siya ni Mrs. Villaluz. Pinilit siyang kumbinsihin na tanggapin ang inaalok sa kanya ni Gary. Nag-offer pa nga siya ng extra talent fee kung papayag siyang kumanta for two nights. “Pag-iisipan ko ho... pero hindi dahil sa nasisilaw ako sa alok niyo.”, sagot ni Jeth at dali-dali siyang umalis para mahanap si Maica. Napailing at wala namang nagawa ang ale dahil alam niya kung gaano kahirap baguhin ang isip ng binatang kinupkop niya.

Kinabukasan, dumalaw ulit si Jeth sa apartment unit ni Maica. Hindi na ito ikinagulat ng babae. Pinapasok niya si Jeth at hinayaang sabihin kung ano ang pakay niya. Hindi kagaya ng kahapon, nagsalita na ang binata at sa kauna-unahang pagkakataon, hindi na niya tinago ang kanyang totoong emosyon habang nagsasalita siya. “Halos dalawang taon na tayong magkakilala at mahigit isang taon na mula nang naging nobyo mo ako kahit alam mong marami akong ibang kalandian. Ngayon, na-realize ko na kung gaano ka kahalaga sa akin at ayaw na ayaw kong makita kang masaktan pa ulit. Heto ang tape ng scandal niyo ni Montemayor. Hindi ko na ‘yan kailangan. Hindi ko na itutuloy ang aking paghihiganti. Sorry kung ginamit kita. Ikaw na ang importante para sa akin ngayon. Gusto ko nang magbagong-buhay... kasama ka.”, sabi niya.

Napaluha ulit ang dalaga at yinakap si Jeth. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Sa dinami rami ng mga lalaking naka-table niya at nakasama niya sa kama, hindi niya inaakalang si Jeth ang magpaparamdam sa kanya ng pagpapahalaga. “Alam ng Diyos na hindi ko ginustong pasukin ang ganitong mundo. Pero wala akong magagawa! Sabay namatay ang mga magulang namin kaya wala nang ibang bubuhay sa mga kapatid ko kundi ako! Hanggang ngayon, huwarang ate ang tingin sa akin ng mga kapatid ko. Hindi nila alam kung saan talaga nanggagaling ang pinapakain ko sa kanila. Hindi nila alam na marumi akong babae at napakasakit para sa akin na paniwalain sila na kagalang-galang at disente akong tao!”, sabi ni Maica habang patuloy sa pag-iyak.

“Tahan na, Babes. Pwede pa naman tayong magsimula ulit, di ba?”

“Oo Jeth. Iyan ang matagal ko nang pangarap. Pero paano?”

“Hindi ko alam. Susubukan kong humingi ng tulong kay Mrs. Villaluz. Maiiintindihan naman niya siguro ako.”

“Sige, kung ano ang desisyon mo. May isang bagay lang akong gustong gawin ngayon. Hindi mo na kailangang malaman. Basta para sa ‘yo ito.”

“Pwede ba kitang samahan?”

“Huwag na. Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Sasamahan naman ako ni Aaliyah kaya huwag kang mag-alala.”

“Ayokong may mangyaring masama sa iyo pero sige, kung iyan ang gusto mo. Ingat ka na lang at kapag may problema, sabihin mo kaagad sa akin ha. Bibili ako mamaya ng cellphone para may communication tayo.”

“Sige, kailangan ko nang magbihis. Ikaw din, late ka na sa trabaho mo sa bodega.”

“Okay. Alis na ako. Ingat ka Babes.”

Pagkaalis ni Jeth, kinuha ni Maica ang kanyang phone para matawagan si Atty. Montemayor. “Hi Attorney! Naisturbo ba kita? Sorry ha, kailangan ko lang kasi ng makausap. Pwede ba tayong magkita mamayang gabi? Same place pa din kung available ka.”, sabi niya sa kausap na matandang VIP. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, naligo siya at dali-daling nagbihis para mapuntahan ang kaibigang si Aaliyah.

(Next Page: Sekreto)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon