Chapter 5: Putik

108 9 0
                                    

Naalimpungatan si Maica nang makaramdam ng pagkapaso sa sinag ng araw na direktang pumapasok sa maliit na bintana ng tulugan ni Jeth. “Naku, ‘yung declamation ni Lily! Bakit hindi ako nag-set ng alarm?”, bulong niya sa sarili sabay pulot at suot ng kanyang nakakalat na blouse, palda, at underwear sa sahig. “Mauna na ako sa ‘yo, labs. Kailangan mong magpalakas kaya relax ka lang muna diyan.”, sabi niya sa natutulog pa rin na gwapitong warehouseman.

Mag-aalas diyes na ng umaga nang nakarating ang ate ni Lily kaya muntik nang hindi maabutan ang kanyang pinaghandaang piyesa. Sakto lang ang pagdating ni Maica. Kakaposisyon lang ng magde-declame na kapatid sa gitna ng stage nang umupo siya sa tabi ng kanyang dalawa pang nakakabatang kapatid. Kitang kita naman ang panlalaki ng mga mata at ang malapad na ngiti sa mukha ni Lily nang makitang dumating din sa wakas ang kapatid na nagsilbing magulang nila mula nang sila ay naulilang lubos. Pagkatapos ng kanyang declamation, dali-dali siyang bumaba ng stage para mayakap ang pinakamamahal na ate.

“Akala ko, hindi ka na makakarating. Alam mo ate, muntik na akong mag-back out kanina.”

“Pwede ba ‘yon? Hindi naman ako makakapayag na masayang ang pinaghirapan mo dahil lang sa’kin.”

“Talaga ate? Siguro, masyado kang napuyat sa studies mo kagabi kaya na-late ka ng gising.”

“A... e... Oo, Lily. Masyadong marami kasi kaming ipapasang term papers ngayon pero buti na lang natapos ko na kaninang madaling arawa kaya nakaabot ako sa performance mo.”

“OK lang ‘yon. Hindi naman sasama loob ko kung sakaling hindi ka nakarating. Alam ko namang busy ka sa school at sa work mo.”

“Ang sweet naman ng bunso namin! I love you, Lily!”

“I love you, too, ate!”

At lumapit din para makipag-group hug ang dalawa pa nilang kapatid, sina Diego at Nida. Mababait at matatalino ang mga kapatid ni Maica. Kagaya niya, natuto silang magpakumbaba sa isa’t isa at magsumikap para sa ikakaganda ng kanilang buhay. Pero wala silang kaalam alam sa totoong trabaho ng kanilang ate. Ang alam nila, sa isang office siya nagpa-part time job kung saan madalas siyang tumatanggap ng OT para matustusan ang kanilang pang-araw araw na gastusin.

Kinahapunan, natinag na naman ang zombie/robot-mode ni Jeth nang biglang umarangkada ang mga ingay na likha ng nagre-rehearse na banda. Pupuntahan sana niya para bulyawan ang mga musikero pero kagaya kahapon, napatigil na naman siya para makinig sa kanila na para bang nahi-hypnotize siya. Biglang tumigil ang banda sa pagtugtog at lumapit kay Jeth ang bokalistang babae. “Hi! You’re Jeth, right?”, tanong niya sa tila tulalang lalaki. Nakatatlong ulit siya ng kanyang tanong bago siya napansin ng kanyang kinakausap.

“Oo. Bakit?”

“Jeth, papasuyo sana ako. Grounded yata kasi itong cable na nakakonekta sa built-in speakers niyo. Baka pwede mong ma-check at mapalitan kung may extra pa kayong XLR cable.”

“Iyon lang ba?”

“Yup. Thanks ha.”

Masungit pa rin ang mukha ni Jeth pero pwede nang matuturing na himala ang kanyang hindi pagdedma sa mga taong hindi niya pa kakilala. Nakalimutan na rin niya ang totoong pakay sa paglapit sa banda kaya agad-agad niyang ginawa ang pinapasuyo sa kanya. May sampung minuto lang ang lumipas at naayos din ni Jeth ang grounded na connection sa built-in sounds system ng Happy Nights. “Wow. Ang galing! Kain ka muna, Jeth.”, alok ng babaeng bokalista nang nakitang OK na ang sounds nila. “Busog ako.”, agad na sagot ng supladong warehouseman na agad-agad umalis sa lugar na iyon.

Samantala, hinatid ni Maica pauwi ang kanyang mga kapatid sa inuupahang apartment. Bago niya iniwan ang mga kapatid, may binigay siyang ilang habilin sabay bigay ng allowance nila para sa loob ng isang kinsenas. “Ate, salamat ulit sa pagpunta mo sa declamation ko. Siguradong hindi ako nanalo kung hindi ka dumating.”, sabi ni Lily. “Pwede mo ba kaming dalhin sa trabaho mo minsan?”, singit ni Diego, ang kapatid niyang graduating high school student. Sumang-ayon naman ang second year high school student na kapatid niyang si Nida at sinabing “Pleeeease ate. Gusto naming makilala ang boss at mga katrabaho mo para mapasalamatan rin namin sila.”.Natahimik si Maica. Hindi niya alam kung ano ang pwede niyang idahilan sa mga makukulit na kapatid.

“Di ba sinabi ko na sa inyo na masyadong malayo ‘yun kaya makakailang sakay pa tayo bago makapunta doon? At isa pa, delikado para sa mga bata na pumunta sa office namin dahil maraming tao doon at kagaya ko, lahat sila palaging nagmamadali. Marami kaming mga ginagawa kaya dapat madalian ang mga kilos namin. Naiintindihan niyo ba?”, paliwanag ni Maica sa mga kapatid pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ng isasagot sa kanila. “Opo, ate”, sabay-sabay na sagot ng tatlong bata. Nag-group hug ulit sila bago tuluyang umalis ang panganay sa magkakapatid.

Pinipigilan lang ng tagong magdalena ang pagtulo ng kanyang luha habang nagpapaalam sa mga kapatid. Nang makalayo na siya, nawalan na siya ng control at tuloy-tuloy na ang pagtubig ng kanyang mga mata. “Kung alam niyo lang kung gaano ako karuming babae... kung alam niyo lang na sa isang putikan nanggagaling  ang mga binibigay ko sa inyo... kung alam niyo lang...”, ito ang nasa isip ni Maica habang humahagulgol sa pag-iyak sa isang waiting shed. Kagaya ng napakaraming mga bayarang babae, umaasa na lang siya na balang araw, makakaahon din siya at tuluyang matanggal ang bahid ng putik na kasalukuyang bumabalot sa kanyang katawan. Pero sa ngayon, wala siyang magagawa kundi pag-igihan ang pagtatrabaho para makaipon habang tinatapos niya ang vocational course na inaasahan niyang magiging susi sa kanyang pagbangon sa kahirapan. Wala siyang magagawa kundi magkubli sa isang pekeng katauhan kapag kaharap niya ang kanyang mga kapatid.

Tumuloy na ang umiiyak na dalaga sa pinapasukang technical learning institution. Nagsuot na lang siya ng shades at ginawang dahilan ang eye bags para maitago ang pamamaga ng kanyang mga basang mata. Sumapit ang 6PM at dumiretso na siya ng kanyang apartment para magpalit ng damit at maghanda para sa kanyang live show ngayong gabi. Anumang kapal ng mga koloreteng nilagay niya sa kanyang mukha, hindi pa rin maikakaila na may parang kakaiba sa kanyang itsura. “Malapit na. Konting tiis na lang, Maica.”, pampalakas-loob na bulong niya sa sarili bago siya pumasok sa backdoor ng Happy Nights.

(Next Page: Tono)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon