Chapter 26: Berde

12 1 0
                                    

Kilalang kilala ni Jeth ang narinig niyang boses sa kanyang telepono. “Maica??? Buhay ka!”, masiglang tanong niya sa kausap. Maluha-luha na siya habang sabik na sabik sa susunod na sasabihin ng babaeng tumawag sa kanya. Pero biglang nawala rin ang tuwa sa kanyang mga mata nang marinig niya ang sagot ng dalaga.

“Ano ka ba, Jeth? Si Mitch nga ito... Hayan na naman tayo, eh. Ilang libong beses ko nang sinabi sa ‘yo na hindi ako si Maica.”
“Pasensya ka na, Mitch. Na-miss ko lang kasi ang girlfriend ko... Ba’t napatawag ka pala?”
“Ganito kasi... Kanina, may mag-asawang nag-approach sa akin. Mga kaibigan mo daw sila. Alam mo, parehong pareho kayo ng mga taong iyon. Pinagpipilitan ninyong ako ang nawawala niyong kaibigan.”
“Sabi ko sa ‘yo eh... Kamukhang kamukha mo talaga si Maica. Sigurado ka ba talagang hindi ikaw siya? O baka naman nagka-amnesia ka lang kaya hindi mo alam na ikaw nga si Maica.”
“Hay naku! Amnesia? Ano ‘to, pelikula o teleserye?”
“Nevermind. Pasensya ka na ulit... Bakit ka nga pala kinausap nina Aaliyah at Eliseo?”
“Ang weird lang kasi. Andami nilang mga tanong tungkol kay Big Boss. Mabuti na lang at wala ang mga bantay nang kinausap nila ako kanina.”
“Salamat naman at in-entertain mo ang mga tanong nila.”
“Hindi lang ‘yun... Kinwento nila sa akin ang tungkol sa mga ginawang masama sa ‘yo ni Montemayor. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang kasama ang tingin mo sa bossing natin.”
“Ang tanong, kanino ka ngayon kakampi?”

Hindi na nakasagot si Mitch dahil biglang kinailangan niyang ihagis sa labas ng bintana ang kanyang phone. Napaisip naman ang binata kung ano ang nangyari sa kanyang kausap at bigla na lang naputol ang linya. Agad niyang pinuntahan si Jenny para ikwento ang naging usapan nila ni Mitch.

“Ano sa tingin mo? Pagkakatiwalaan ba natin si Mitch?”
“Hindi pa natin alam sa ngayon. Ang sigurado tayo, hindi naman siya basta-basta lalapitan nina Aaliyah kung hindi nila nakikitang pwede siyang pagkatiwalaan. ‘Di ba nagawa pa nilang ikwento ang tungkol sa buhay mo?”
“Jenny, kailangan na nating bilisan ang mga hakbang natin... Alam kong maiipit si Mitch sa mga mangyayari. Siya man o hindi si Maica, hindi siya dapat madamay sa gulong ito.”
“Ganun din ang iniisp ko, Jeth. Actually, may kutob akong hawak siya ni Attorney sa leeg kaya ganun na lang ang pag-iwas niya sa atin kapag nandiyan ang mga bantay.”

Ngayon lang napagtanto ni Jeth na posible palang may nililihim ring plano si Mitch laban sa taong pinakamumuhian niya. Dahil dito, pinag-isipan niyang mabuti kung paano niya makukumbinsi ang matandang abogado na payagan siyang puntahan ang dalagang pinadala sa probinsya para gumawa ng documentary video. “Music video... sabihin natin kay Attorney na kailangan nating i-shoot ang gagawin nating music video sa Sitio Berde – sa mismong birthplace at hometown niya.”, biglang sabat ni Polo na kanina pa pala nakikinig sa usapan nina Jeth at Jenny. Nagkatinginan ang mag-singing partner at nagkaunawaan sila sa kanilang pagsang-ayon sa suggestion ni Polo.

Kinaumagahan, maagang pinatwag ni Atty. Montemayor si Jeth para sa isang mahalagang anunsyo. “Mr. Salvacion, bilang pinakamalaking talent ng network ko, naisip kong ikaw ang dapat unang makaalam ng napakalaking good news para sa kumpanya natin.”, panimula ng matanda. “Excited akong ibalita sa ‘yo na successful ang naging business proposal ko kahapon. Magiging international na ang network natin!!! Tamang tama lang para sa papalapit na campaign season!”, pagpapatuloy niya. Nagkunwari namang na-excite din si Jeth para makapagbwelo siya sa kanyang dapat sabihin sa kanyang big boss.

“Boy, dapat lang na matuwa ka! Alam mo kung bakit?”
“Hindi... Wala naman akong idea sa mga business plans mo.”
“Naku, naku, naku... Hindi mo ba naisip? Magiging international star ka na! Alam mo bang marami na palang nakakapansing mga foreigners sa ginawa mong soundtrack ng latest TV series ni Mitch? Actually, parami nang parami na ang mga fans mo sa ibang bansa mula nang ipinalabas sa kanila ang latest project natin!”
“Dati pangarap ko ‘yun... Pero ngayon, alam mo namang isang bagay lang ang pinakaasam-asam kong mangyari.”
“So, hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang Maica mo. Heto, basahin mo ulit... baka sakali matauhan ka na.”
Inabot ni Atty. Montemayor ang sulat ni Maica na dati na niyang binigay kay Jeth pero binitawan ito noon ng binata matapos basahin. Tinapik ng matanda ang balikat ng kanyang rockstar talent saka siya dumiretso papalabas ng kanyang office. Natulala naman si Jeth nang mabasa ang huling linya ng sulat na hindi niya noon napansin. Pinilit niyang tanggalin sa kanyang isipan ang nabuong posibilidad na ayon sa huling mensahe ni Maica. Hinabol niya ang kanyang bossing para sabihin ang kanina pa niya sinusubukang isingit sa usapan.

“Bakit, Jethro?”
“Naisip lang namin kasi... Within this week, sisimulan na namin ang pag-record sa pinapagawa mong kanta. Sa tingin namin, mas magandang gawan na rin natin ng music video ang kantang iyon.”
“Good idea. I agree with that.”
“At naisip rin namin na magiging mas effective ang campaign message natin kung doon tayo magsho-shoot ng music video sa lugar ninyo.”
“Hmmm... Mukhang gusto mo lang yata makita si Mitch... Pero mukhang okay ang naisip ninyo. Just finish your recording and immediately, we’ll do the music video in my hometown... Teka, naisip kong dapat lang na mag-umpisa ka na ring mag-take ng English course. Remember, soon enough, berdeng pera na ang kikitain mo.”
“Sige, paghahandaan ko ‘yan.”

Habang naglalakad papalayo si Atty. Montemayor, unti-unting lumabas ang evil smile ni Jeth. “Magdiwang ka na tanda hanggang gusto mo. Nalalapit na ang araw ng paniningil.”, ito ang nasa isip niya sa mga sandaling ito. Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya si Jenny na nag-aabang lang palang makalayo ang matandang abogado at ang mga tauhan nito. Napansin ng dalaga ang nilamukos na papel na hawak-hawak ni Jeth.

“Ano ‘yan?”
“Ah eto? Wa... wala... Notes lang tungkol sa napag-usapan namin kanina ni big boss.”
“Ganun? Eh anong balita nga pala? Pumayag ba siya sa plano nating music video?”
“Syempre naman. Takot lang niya na magrebelde ako kaya lahat ng request ko, siguradong aprub sa kanya.”
“Naks naman. Ikaw na! Pero... Ready ka na ba sa next move natin?”
“Excited na nga ako eh. Malaki-laking pasabog ang malapit nang bumulaga sa buong bansa.”

(Next Chapter: Lakas)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon