Chapter 15: Siklab

58 7 0
                                    

Sa gitna ng pag-uusap sina Jeth at Eliseo, may isa na namang di-inaasahang bisitang dumating sa Happy Nights. “Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Maica?”, bati ng kakapasok lang na si Aaliyah. “Uy, Chief! Ikaw pala. Upo ka muna. Nag-CR lang ang kaibigan mo... Siyanga pala, si Eliseo... ang dati kong... classmate.”, pag-eentertain ni Jeth sa bisita. “Nice meeting you, Eliseo. So, ikaw ang sinasabing reporter nitong si Jeth?”, sagot ni Aaliyah. Hindi naman nakapagsalita si Eliseo habang nakatitig siya sa dalagang pulis. Nahalata ito ng kanyang kaibigan kaya minabuti na lang niya na maunang magkwento kay Aaliyah tungkol sa dati niyang bestfriend.

“Oo, siya nga ang sinasabi ko sa inyo. Magaling ang taong ‘yan. Iyon nga lang, medyo kulang sa pakikipagsapalaran at masyadong mapagbigay sa mga kapwa niya reporter.”

“Talaga? Naku, mukha ngang mabait itong si Eliseo. Kaya lang, parang mahiyain. Akala ko ba kapag reporter, madaldal?”

“Pagpasensyahan mo na. Ganyan talaga iyan kapag nakakakita ng magandang dalaga. At tsaka, first time yata niyang makakita ng babaeng pulis na maganda at sexy.”

“Uy, uy, uy... Tama nga ang sinabi ni Maica. Napakabolero mo, Jeth. Tingnan mo si Eliseo. Namula tuloy dahil sa mga pinagsasabi mo.”

Nagulat si Maica nang makita kung sino ang kakarating lang na bisita. Hindi niya talaga inaasahan na tutungtong ang isang alagad ng batas sa isang maruming lugar kagaya ng kanyang pinagtatrabahuhan. “Hala. Bakit ka naman napadalaw dito?”, bati niya kay Aaliyah. Ipinaliwanag ng dalagang pulis ang mga latest na nakalap niyang detalye at analysis tungkol sa mga ilegal na negosyong konektado kay Atty. Montemayor. Kagaya ni Eliseo, nang malaman niyang may gagawing song performance sina Jeth at Maica, nagdesisyon na rin siyang mag-stay sa night club para abangan ito. Pero dahil mga dalawang oras pa bago iyon, napagkasunduan nilang apat na pumunta muna sa isang restaurant kung saan mas mapapanatili nila ang confidentiality ng kanilang pinag-uusapan.

Ilang minuto bago ang pagkanta nina Jeth at Maica, saka namang dumating ang isang second-timer na customer ng Happy Nights. Nagulantang ang magkasintahan at agad na nagtago nang makilala ang matandang VIP na pumasok sa lugar nila. Mabuti na lang at hindi pa sila nakakaakyat ng stage. Nag-isip sila ng pwedeng gawin para matuloy ang kanilang presentation dahil inaabangan na iyon ng mga customer ng night club. Pero mukhang walang balak umalis ang mayamang customer na pinagtataguan ng dalawa.

Napansin nina Eliseo at Aaliyah na parang nagtatago ang magkasintahan kaya minabuti nilang pasimpleng lapitan ang dalawa. “Jeth, siya ba ang taong kinamumuhian mo?”, pabulong na tanong ni Eliseo. Tumango lang si Jeth habang patuloy na tinititigan ang abogadong mukhang nagmamatyag din sa paligid. “Ang mabuti pa Eliseo, samahan mo ako. Tayo na muna ang bahala.”, aya ni Aaliyah sabay hila sa mahiyaing binata. “Musikero ka. Alam kong marunong kang kumanta at alam kong alam mo ang dapat kakantahin nila kaya sumakay ka na lang. OK?”, bulong pa niya habang paakyat na silang dalawa sa stage.

Sumiklab na ang lighting effects sa entablado at sinabayan ito ng pagtugtog ng banda para sa kanilang special number na sana ay gagawin nina Jeth at Maica. Nagulat naman ang lahat ng nanonood nang makitang ibang tao ang nasa stage. Si Atty. Montemayor naman, patuloy na iniikot ng tingin ang paligid para mamataan si Jeth. Wala siyang pakialam sa nakikita niya sa entablado na hinihiwayan na ng lahat ng tao sa lugar. Wala siyang ibang sinadya sa pagpunta sa lugar kundi ang makausap si Jeth para sa isang offer.

Natapos ang performance nina Eliseo at Aaliyah at agad nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat ng tao sa loob ng Happy Nights. Dinagdaan pa ito ng mga sigaw na “More!!!” kaya napilitan ang dalawa na pagbigyan ang request ng audience. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang umakyat si Jeth at sinenyasan ang mga kaibigan na para bang sinasabing “OK na. Ako na bahala dito.” bago nagsimula ang next number. Lalo tuloy lumakas ang sigawan at palakpakan ng mga tao, maliban kay Atty. Montemayor na nagulat nang nakita rin niya sa wakas ang taong kanina pa niya inaabangan. Seryoso naman ang mukha ni Jeth habang binubulungan ang mga band members tungkol sa kantang alam niya na alam nilang tugtugin.

Habang kumakanta si Jeth, nakatutok ang kanyang matalas na tingin sa taong tinuturi niyang puno’t dulo ng pagguho ng kanyang buhay at pangarap. Damang dama niya ang pagbigkas ng mga salita sa lyrics ng kantang tungkol sa karahasan at kasakiman. Parang walang epekto naman kay Atty. Montemayor ang ginagawa ni Jeth. Ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang makumbinsi ang binata na tanggapin ang kanyang iaalok na career opportunity. Kahit tatlong taon na ang nakalipas, parami nang parami pa rin kasi ang mga nagdedemand ng kanta at album ni Jeth. Hindi maikakaila na bawat taong nagvi-view ng uploaded videos ng “The Quest for the Super Rockstar” episodes ay nagiging instant fan niya.

Kahit ginawan na ng kung anu-anong dahilan ang hindi pagkapanalo sa contest at biglaang pagkawala ni Jeth sa entertainment scene, nanatiling solid pa rin ang kanyang fan base sa buong bansa at patuloy pa itong lumalaki. Kung matagal na sana siyang nagpe-perform at kung hindi lang nagbago ang kanyang itsura at pananamit, siguro may taga-media na nakatunton sa kanya sa pinagtatrabahuhan niyang night club at natuloy na ang kanyang music career. Pero may purpose o dahilan lahat ng nangyayari sa mundo.

Aminado ang matanda na alam niyang sagad hanggang buto ang galit sa kanya ng binatang kumakanta ngayon sa entablado. Inaasahan niya rin na pagkatapos ng performance ni Jeth ay sisiklab na naman ang isang “fight scene” sa pagitan nilang dalawa. Handa na siya kahit hindi niya sinama sa loob ang kanyang bodyguards. Kampante siya na maski papaano ay nandiyan pa rin ang pag-aasam ni Jeth na maging isang rockstar, lalo na ngayong nakita niyang mag-perform ulit sa stage ang binata. “Mahusay! Napakahusay!”, ang bati niya nang matapos ang napanood na stage number at nang papalapit na sa kanya si Jeth. Isang nakakabiglang senaryo ang naganap sa muling pagtagpo nilang dalawa.

(Next Chapter: Ulit)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon