Chapter 25: Takipsilim

16 1 0
                                    

Napansin ni Jeth ang pagbaba ng energy level ng kanyang ka-partner kaya minabuti niyang mag-timeout muna sila sa pagre-rehearse. "Anong meron? Masama ba ang pakiramdam mo?", tanong niya kay Jenny. Ngumiti lang ang dalaga at sinabing maayos lang ang kanyang pakiramdam. "Pasensya ka na. May naalala lang kasi ako.", dagdag pa niya bago sila bumalik sa kanilang rehearsal. Sa isang tinginan, nagkaintindihan naman sina Jenny at Polo na kailangan nilang pangalagaan ang pagiging totoo sa lahat ng oras. Naging napakahirap ang sitwasyong ito para sa songwriter na diva dahil hindi mawala sa kanyang isip ang parang kuryenteng nadarama habang kasama niya si Jeth.

"Anong gagawin ko?", tanong agad ni Jenny sa kanyang bestfriend nang maghiwalay na sila ng kanyang singing partner pagkatapos ng kanilang rehearsal. Naramdaman ni Polo ang bigat ng conflict sa emosyon ng kanyang matalik na kaibigan pero wala naman siyang maisip na mabuting isasagot sa kanya. "Ang mabuti pa, mag-meryenda muna tayo diyan sa malapit na fastfood chain.", sagot ng binata. Pumayag naman si Jenny kaya dumiretso sila sa nasabing lugar.

"Naisip ko lang, paano si Maica? May magagawa ba tayo para masigurong buhay pa o patay na siya? Kung patay na siya, paano naman natin sasabihin kay Jeth? Nahihirapan na ako, Polo... Hindi ko na makakaya pang makasama si Jeth habang lumalaro sa isip ko ang guilt na unti-unti na akong nagkakaroon ng pagtingin sa boyfriend ni Maica."

"Naiintindihan kita, Jenny. Hayaan mo... bukas makikipag-coordinate ako sa NBI para makakuha ako ng latest update nila. Actually, tumawag kanina ang kinuha kong private detective. Walang alam si Jeth tungkol dito. Ang sabi ng detective, wala sa mga na-recover na bangkay sa sumabog na bus ang kay Maica. Bukas ko pa makukuha ang details kapag nagkita na kami."

"Naku, salamat naman kung ganun. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang nangyari iyon kaya sana lang malaman na natin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya para mawala na itong mga kaguluhan sa isip natin."

"Ang tanong, anong gagawin mo kung buhay pa nga si Maica at sila pa rin ni Jeth ang magkakatuluyan?"

"Mahal ko ang aking kaibigan kaya hindi ko magagawang saktan siya ulit. Minsan na kaming nag-away dahil sa isang lalaki and this time, hindi ko hahayaang maulit pa iyon. Nasa iisang bahay lang kami nakatira ni Jeth at ngayon, buong araw kaming magkasama sa trabaho... kaya natural lang siguro na lalong gumaan ang loob ko sa kanya. Kung sakaling bumalik si Maica at natapos na itong project namin ni Jeth, magkakaroon na rin ako ng pagkakataong makaiwas sa kanya at mawala na ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya."

Kahit hindi totally sumasang-ayon si Polo sa sinabi ng kanyang bestfriend, hindi na niya pinahaba pa ang kanilang pag-uusap tungkol kay Maica at naisip niya na ibahin na lang ang usapan. "By the way, stick to the plan pa rin ba tayo? Malapit na raw matapos ang binubuong video nina Eliseo at Aaliyah. Sa ngayon, on the way na sila sa pinuntahang lugar ni Mitch at doon nila itutuloy ang next part ng kanilang plano.", sabi ni Polo. Pansamantala namang nawala sa isip ni Jenny ang dinadalang bigat sa kalooban dahil sa naging bagong topic nila ng kanyang kausap.

Si Jeth naman, tumuloy na sa nakagawiang sekretong aksyon sa tuwing may free time siya. Alam niyang may idea si Atty. Montemayor na may binabalak siyang masama kaya todo ingat siya sa pamamagitan ng pagbabago ng kanyang pagkatao sa pagsapit ng takipsilim. Matagal niyang pinaghandaan bago niya sinimulan ang patagong pag-iimbestiga sa mga pag-aari at koneksyon ng taong kinamumuhian niya. Dala ang maliit na surveilance camera at ang kanyang gadget na pang-imbestigative journalism, nakukuha ni Jeth mag-ibang anyo para makapunta sa iba't ibang lugar at makakalap ng pira-pirasong impormasyon nang walang nakakakilala sa kanya.

Noong nakaraang buwan, nagpanggap si Jeth na isang professor para masundan niya at makausap ang may edad na babaeng secretary ni Atty. Montemayor na pumunta sa isang medical center. Last week, nagbihis naman siyang parang isang gangster nang sinubukan niyang makilala ang isa sa mga suking magdalena ng matandang abogado. Kung minsan pa nga, nagpapanggap siyang transexual para makalapit sa ilan sa mga naglalasing na bodyguard ng kanyang big boss. Marami-rami na rin siyang nakalap na impormasyon sa kanyang mga ginagawang pagpapanggap.

Isa sa mga pinakamatagumpay na pag-iimbestiga ng binata ay ang ginawa niya ngayong pagkukunwaring isang matandang salesman na nagdedemo ng kung anu-anong bagong produkto sa mga bahay-bahay. Nagkataon na nasa ibang bansa ngayon si Atty. Montemayor kaya nakuha ni Jeth puntahan ang bahay kung saan nakatira ang dating asawa at mga anak ng matanda. Doon niya mas nakilala ang katauhan sa likod ng corporate profile ng kanyang mortal na kaaway. Gabi na nang nakaalis siya sa lugar na iyon.

"Uy, Jeth... Ginabi ka ngayon ah... Nag-alala kami sa 'yo, kanina ka pa kasi namin hindi ma-contact.", bati ni Jenny nang nakitang dumating  na ang kanyang singing partner. "May kinamusta lang akong mga tao. Oo nga pala, kanina pa na-lowbat phone ko kaya pasensya na kung nag-alala pa kayo.", sagot ni Jeth. Dahil alam ni Polo na masyado nang awkward para kay Jenny para makipag-usap kay Jeth, sumingit siya sa usapan at binalita niya sa binata ang napag-usapan nila kanina tungkol sa update ng imbestigasyon kay Maica. "Sabi ko na sa inyo, eh. Buhay pa si Maica! Kung hindi man siya si Mitch, sigurado akong nandiyan lang siya sa tabi-tabi at naghihintay ng tamang pagkakataon para magpakita ulit sa atin.", optimistic na sagot ng kaibigan nilang rockstar.

Maya-maya, napunta pa rin ang usapan sa kapansin-pansing pananamlay ni Jenny. Hindi na nagawa ni Polo na ibahin ang topic dahil ayaw niyang maisip ni Jeth na may tinatago silang sekreto. "Alam kong hindi mo kayang magsinungaling kaya please... Jenny, i-share mo naman sa akin kung ano man 'yang pinagdaraanan mo ngayon.", mapanghamong tanong ng binata.

"Alam mo, Jeth... naisip ko lang... Kung sakali lang na mabigo tayong mahanap pa si Maica, ano ang gagawin mo?"

"Imposible 'yun! Hanggang ngayon, ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na wala na ang babaeng pinakamamahal ko!"

"Sige, nandun na ako... Pero paano naman kung pagbalik niya, hindi na ikaw ang lalaking sa tingin niya ay nararapat niyang mahalin?"

"Mas lalo namang malabo ang pinagsasabi mong 'yan! Mula umaga, tanghali, hapon, takipsilim, hanggang pagspit ng gabi, nararamdaman ko pa rin ang walang kamatayang pagmamahal niya para sa akin!"

Dali-daling nag-walkout si Jeth dahil sa tindi ng tama sa kanya ng huling tanong ni Jenny. Pinigilan ni Polo ang kanyang kaibigan nang sinubukan nitong sundan ang napikon na binata. Nagwala si Jeth sa loob ng kanyang kwarto pero natigil rin ito nang mapansin niyang may tumatawag sa kanyang unregistered phone number. Isang hindi inaasahang boses ang kanyang narinig pagsagot niya sa tawag na ito.

(Next Chapter: Berde)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon