Chapter 13: Bato

59 7 0
                                    

Habang nakikipag-usap si Jeth kay Eliseo, napagkasunduan naman nina Maica at Aaliyah na dalawin ang isa pa nilang kaibigan na kasalukuyang naka-confine sa hospital. Medyo hindi maganda kasi ang kanilang huling pag-uusap kay Jenny bago ito tuluyang lumipat sa probinsya, mga pitong taon na ang nakalipas. At isa pa, nabahala rin sila nang mabalitaang hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakamalay ang kanilang kaibigan. Gusto nila sana na kahit natutulog si Jenny, maramdaman niya na kasama niya ang kanyang mga dating kaibigan na para bang buo na ulit ang kanilang trio. “Maica, mabuti naman at napadalaw kayo.”, agad na bati ni Polo nang makita ang kakarating lang na mga bisita.

“Pasensya na, ngayon lang kami nakadalaw. Kamusta na pala si Jenny?”

“Heto, comatose pa rin pero at least, medyo nag-stabilized na ang kanyang condition.”

“Salamat naman sa Diyos kung ganun. Pero sana lang magising na siya ngayon. Kasama ko nga pala si Aaliyah, ang isa pa naming matalik na kaibigan... noong high school.”

“Wow. Nice meeting you, Aaliyah. So, kumpleto na ulit kayong tatlo? Siguradong matutuwa ang kaibigan niyo kapag nagising siya at nakita kayo. Kung sa bagay, kahit hindi niya kayo maabutan, i’m sure matutuwa pa rin siyang malaman na dinalaw niyo siya at nabuo kayo ulit pagkatapos ng maraming taon.”

“Naku, sana lang. Bakit naman kasi hindi ko kaagad sinabi kay Aaliyah noon na nagkita na kami ulit ni Jenny at nasa iisang lugar lang kami nagtatrabaho...”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo. May dahilan si Lord kung bakit ngayon lang niya pinagtagpo ulit kayong tatlo.”

“Salamat, Polo. Hindi lang sa pag-iintindi sa akin, kundi na rin sa pag-aalaga at hindi pag-iwan kay Jenny.”

Napangiti lang ang binata sa sinabi ni Maica. Natutuwa kasi siya na sa wakas, matutupad na rin ang isa sa matagal nang pangarap ng kanyang matalik na kaibigan. Excited na siyang magising si Jenny para makita niya at marinig ang pag-aalala ng kanyang dalawang long-lost friends. Sinabi niya na rin sa dalawang dalaga na matagal nang pinagsisihan ni Jenny ang pagiging pusong bato niya noong lumipat siya sa kanilang probinsya nang hindi man lang nakikipagbati sa kanila. Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan nilang tatlo hanggang lumubog na ang araw at naghanda nang umalis ang dalawang bisita.

Palabas na ng pinto sina Maica nang mapansin ni Polo ang paggalaw ng kanang kamay ng natutulog na pasyente. Agad silang tumawag ng nurse at lumapit sila kay Jenny para makita kung ano na ang kalagayan nito. Saka namang dahang-dahang bumukas ang mga mata ng dalaga na sinundan ng pagtulo ng kanyang mga luha. Pero bago pa nila nakausap ang pasyente, mabilisan silang pinatabi ng doktor at mga nurse para maisagawa nang maayos ang observation at ang nararapat na aksyon. Umabot ng mahigit kalahating oras bago sila pinayagang makalapit ulit sa pasyente at sinabihan kung ano na ang status ni Jenny.

“Masyadong na-excite ang inyong kaibigan. Siguro, narinig niya ang mga pinag-uusapan ninyo kaya kahit hindi pa kaya ng kanyang katawan na magising, biglang bumukas ang kanyang mata at nagkaroon ng emotion sa kanyang mukha.”

“Eh bakit Doc hindi siya tuluyang nagising?”

“As what i’ve said, hindi pa handa ang kanyang katawan sa recovery ng kanyang consciousness. Sa ngayon, under observation pa rin ang kanyang cardiovascular organs, particularly ang kanyang puso. I could say na nasa 70% ang kanyang chance na malampasan ang condition na ito. Ipagpatuloy niyo lang, Polo, ang pag-pray para sa kanya. I believe may awa ang Diyos.”

“Naku, thank you po talaga, Doc.”

Matapos lumisan ang doktor at ang mga kasama nitong nurse, nagpaalam na rin kay Polo at sa pasyente ang dalawang bisita. “Dadalaw kami ulit, although hindi man sure kung magkakasabay pa kami ulit ni Maica. Hopefully, gising na si Jenny pagbalik namin. Andami naming dapat pagkwentuhan.”, paalam ni Aaliyah habang papalabas sila ng pinto. Nagpaiwan naman si Maica sa lobby ng hospital dahil may dadaanan lang daw siya.

Balik naman sa lugar kung saan nag-uusap sina Jeth at Eliseo, tila isang bato na nagmamatigas pa rin ang gwapitong warehouseman na magkwento tungkol sa naging buhay niya matapos siya sunod-sunod na nawalan ng mga minamahal sa buhay. Dahil sa kanyang limitadong pagsasalita, hindi tuloy maintindihan ni Eliseo kung bakit naman siya ang naisipan niyang lapitan. “Sandali, gumagabi na pala. Saan ka nga pala umuuwi ngayon?”, pag-change topic ni Eliseo. “Doon sa warehouse. Magdamag namang may biyahe paluwas doon.”, sagot ni Jeth. Ayaw man niyang magpahalata, nararamdaman pa rin ng kanyang dating bestfriend na kanina pa siyang may gustong sabihin. Ipinapalabas niya na kinapalan niya lang ang kanyang mukha para basta-basta na lamang siya lalapit kay Eliseo pagkatapos ng ilang taong hindi siya nagpakita at nagparamdam sa kanyang mga dating kaibigan.

“Kilala kita Jeth. Alam kong sa kaloob-looban mo, may natitira pa ring kabutihan na matagal nang naghihintay para ilabas mo ulit. Huwag kang mag-alala dahil naiintindihan kita at hinding hindi kita pipiliting ipakita ang totoo mong nararamdaman.”

“Teka. Ano bang pinagsasabi mo? Sinabi ko na sa iyo. Matagal nang patay ang kaibigan mo. Lumapit ako sa iyo ngayon bilang ibang tao. Oo, makapal na kung makapal ang mukha ko. Pero alam kong matagal mo na ring pinapangarap ang makauna sa isang eksplosibong balita. Pagkakataon mo na ito para umangat naman ang pagiging reporter mo.”

“So napapanood mo pala ako sa TV?”

“Minsan lang... Oo, aaminin ko... natutuwa ako para sa iyo. Iyon nga lang, alam kong mas magaling ka pa sa ibang reporter diyan pero sila pa ang mas nakikilala ng mga tao.”

“Sinabi mo rin. May malasakit ka pa rin pala sa kaibigan mo, bro.”

“Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Basta kung tutulungan mo ako sa balak kong pasabog, pareho tayong makikinabang.”

“Hindi Jeth. Hindi ko gagawin ito para gumawa ng ingay at magpabango ng pangalan. Tutulungan kita... dahil alam kong katotohanan ang pinaglalaban mo. We’ll do this for His glory.”

“Siya siya... andami mong alam. Kontakin mo na lang ako kung sigurado ka na diyan.”

Inabot ni Jeth ang isang maliit na piraso ng papel kung saan nakasulat ang kanyang phone number at ang address ng Happy Nights.  Bago pa man matapos basahin ito ni Eliseo, nasa pintuan na ang kanyang kaibigan na lumingon muna bago tuluyang umalis. Sa isang tinginan lang tila nagkapalitan sila ng “paalam” at “ingat ka” bago lumabas ng pinto si Jeth.


 (Next Chapter: Talon)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon