Chapter 21: Hiyaw

20 2 0
                                    

Na-excite ang lahat ng mga fans nang mabalitaan nila ang great comeback ni Jeth sa music scene. Ngayong pa lang, kinikilig na sila sa bagong pakakabangang acoustic duo dahil botong boto rin sila sa pinarehang dalaga sa kanilang idol. Dagsaan ang mga re-posts at re-tweets ng links sa mga pinalabas na press release ni Atty. Montemayor tungkol sa debut album ng pinakabagong love team ng music industry. Hindi pa man natatapos ang recordning ng album nila, sunod-sunod na ang mga naka-lineup na mall shows at TV guestings nina Jeth at Mitch, ilang araw pa lang matapos ang kanilang contract signing.

"Alalahanin mo ang mga pinag-usapan natin. Huwag na huwag kang magkakamaling pumiyok sa pang-iintriga sa 'yo ng kutong lupang iyan.", pabulong na babala ni Atty. Montemayor bago umakyat ng stage si Mitch at nag-umpisang maghiwayan ang mga manonood ng kanilang pinakaunang mall show. Parang wala namang reaksyon ang dalaga sa kanyang narinig. Tinodo na lang niya ang pagpe-perform nila ng kanyang ka-partner na nagpapanggap ring hindi na apektado sa dating pinag-usapan nila ng matandang abogado. Walang kahirap-hirap para sa kanila ang maghakot ng instant fans. Hindi na nga kailangang dayain ni Atty. Montemayor ang pagpapasikat sa kanyang mga sunud-sunurang music artists.

"Boss, paano nga pala kapag umamin si Mitch?", tanong ng isang tauhan ng tusong attorney. "Sigurado akong hindi niya gagawin iyon dahil alam niya ang magiging kapalit at wala na siyang magagawa dun. 'Yung lalaki naman, hintayin lang nating maging hot ulit, saka natin uumpisahan ang bago nating palabas. Pareho ko silang hawak sa leeg at alam nilang wala akong hindi pwedeng gawin.", sagot ng boss.

Isa sa mga paunang papremyo kay Jeth dahil sa kanyang pagtanggap sa alok ni Atty. Montemayor ay ang magarang house and lot sa loob ng syudad mismo. Habang sinasakyan niya ang paandar ng taong kinamumuhian niya, naisip niyang gamitin na rin ang tinitirhang bahay para mabigyan ng mas maayos na matutuluyan sina Polo at Genny. Nag-demand na rin siya sa matandang VIP na kunin ang Tono band bilang banda nila sa lahat ng kanilang live performances at recording. Si Jenny naman ang kinuha nilang co-songwriter ni Jeth dahil hindi pa rin siya pwedeng masalang sa matinding tugtugan. Siyempre, kinuha na rin niya si Mrs. Villaluz bilang manager ng Tono band.

"Mabuti naman at pinakilala mo sa akin ang mga kaibigan mo, Jeth. Magaling sila."

"Napag-isip-isip kong mag-move on na at sa tingin ko, mas makakatulong kung palagi ko silang kasama."

"Walang problema sa akin 'yan. Isama natin sila sa iyong pag-asenso, basta tandaan mo lang ang usapan natin."

"Hindi ko nakakalimutan iyon. Kailanman, hindi ko makakalimutang ikaw ang sumira sa buhay ko, pero bilang boss ko, natutuwa ako at pinagbigyan mo itong tanging hiling ko."

"Hindi naman natin kailangang maging magkaibigan. Business lang ang nag-uugnay sa ating dalawa. Gawin mo lang ang trabaho mo, at ibibigay ko sa inyo lahat ng luhong gusto niyo. May iba ka pa bang hihilingin?"

"Wala na. Alam ko namang imposibleng ibigay mo ang pinakagusto kong mangyari."

"Mabuti at alam mo, bata."

Ang hindi alam ni Atty. Montemayor, may mga maliliit na sekretong naka-encode sa malalim ng compositions nina Jeth at ng Tono band para sa duo nila ni Mitch. Wala rin siyang kaalam-alam na nkahanap na ang binata ng paraan para makapag-communicate kina Aaliyah at Eliseo, na unti-unti nang nagkakamabutihan habang nagsisilbing mga bagong magulang nina Diego, Nida, at Lily. Si Mitch naman, may tinatago-tago ring lihim sa boss nila. Nag-aabang lang siya ng tamang pagkakataon para gawin ang isang nakakawindang na rebelasyon.

Isang araw, biglang nagkasakit si Mitch kaya hindi siya makaka-perform sa kanilang concert. Nagulo ang buong production dahil last minute na nang nag-collapse ang dalaga. Pinilit pa kasi nilang ipainda na lang ang sakit niya para maituloy lang ang concert kahit ilang kanta lang ang gagawin niya. May naisip na idea si Jeth at agad niya itong ipinaalam kay Atty. Montemayor. Pumayag naman ang big boss sa gustong mangyari ng binata na nagmadaling pumunta kay Jenny para kausapin ito.

"Malabo yata 'yan, Jeth."

"Jenny, alam kong medyo delikado 'to sa 'yo, pero alam ko rin na matagal mo nang pangarap ang maka-perform sa ganito kalaking audience."

"Pero..."

"Kabisado mo naman lahat ng piece ni Mitch 'di ba? Ang kailangan mo lang gawin ay kantahin 'yung dapat sana finale medley namin pagkatapos kong magpaliwanag sa mga tao at i-introduce ka sa kanila."

"Sigurado ka bang magwo-work ang plano mo? Baka awayin ako ng mga tao niyan."

"Kagaya nga ng palagi mong advice sa akin, have faith, 'di ba?"

Natuloy nga ang plano ni Jeth para sa concert at nagustuhan ng mga tao si Jenny bilang bagong ka-partner niya. Sobrang lakas pa nga ng hiyawan nila sa total performance ng dalawa, kasama ang Tono band. Mula noon, nabuwag na ang duo nila ni Mitch at nagkaroon na rin ng singing career si Jenny, matapos itong hilingin ni Jeth kay Atty. Montemayor. Pare-pareho silang nagtagumpay bilang solo singers —- si Mitch, bilang sexy pop singer; si Jeth bilang isang rockstar, at si Jenny bilang isang young inspirational diva. Pero si Jeth, madalas na nakakasama sa isang performance si Jenny dahil sa request ng kanilang mga fans. Pinasok na rin ni Mitch ang pag-aartista dahil sa sobrang dami ng mga lalaking artista na gustong makatambal siya sa TV at pelikula. Hindi naglaon, mas napadalas ang kanyang mga acting projects at unti-unti nang napabayaan ang kanyang music career.

Tuwang tuwa naman ang big boss nilang tatlo dahil na-resurrect ang kanyang TV station nang dahil sa kanila. Kung dati, kulelat ang istasyon niya pagdating sa totoong ratings, ngayon naman, nangunguna na ito at nalampasan pa nga nito ang pinakamataas na nakuhang net sales bago ito bumagsak noon. Sa sobrang tuwa ni Atty. Montemayor, hindi na niya namamalayan ang pag-abanse ng mga kanya-kanyang palihim na atake nina Jeth at Mitch laban sa kanya.

Lumipas ang tatlong taon at lalong naging close sina Jeth at Jenny sa isa't isa bilang mga songwriters, habang todo-iwas pa rin si Mitch sa binatang tumatawag sa kanya na Maica. Nauwi rin sa kasalan ang nabuong relasyon nina Aaliyah at Eliseo. Happy ending na sana, kung hindi lang bumalik ang nakakapagpabagabag na bangungot ni Jeth na tila nagbibigay-hudyat na dumating na ang takdang panahon.

(Next Chapter: Tatak)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon