Chapter 10: Lubog

82 7 0
                                    

Halatang halata sa itsura ni Jeth ang hindi pagsang-ayon sa mga salitang nasambit ni Maica. Wala mang alam ang dalaga sa nakaraan ng kanyang kasintahan, minabuti na lang niya na huwag na munang piliting kontrahin ang nabaluktot na pananaw ni Jeth sa mundo. Pareho silang walang nasabi sa sumunod na dalawang minuto. Hindi rin kasi alam ni Maica kung ano pa ang pwede niyang sabihin sa mga sandaling ito. Walang anu-ano'y kusang nagkwento si Jeth tungkol sa bangungot ng nakaraan na ayaw siyang tantanan.

"Bata pa lang ako, wala na akong ibang pinangarap kundi ang maging isang sikat na rakista. Ang problema, wala akong mga kapatid, pinsan, o mga kapitbahay na pwede akong samahan para bumuo ng isang banda. Sinubukan kong maghanap ng mga bagong kaibigan na pwede kong sabayan at maging kabanda, pero lahat sila ayaw akong isama at hindi ko alam kung bakit. Ang iba sa kanila, okay sa umpisa pero makalipas lang ang ilang araw, unti-unti ring nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Siguro, wala sa kanila ang naniniwala na balang araw matututo rin akong tumugtog ng rock music at makakasabay sa mga matitinding jamming sessions nila.

Dumating ang aking college life at nakilala ko si Eliseo, isang lalaking may pagka-nerd at conservative. Hindi ko inakala na magiging matalik na kaibigan ko siya. Kung sabagay, hindi pa ako nagkaroon ng isang bestfriend mula nang bata pa ako at siguro no choice na ako noon kaya kaming dalawa ang laging nagkakasama sa mga group projects, presentations, at iba pang school activities na kailangan ng partner. Sino ba naman ang magtutulungan kundi ang mga napag-iiwanan?

Isang araw, pinagbigyan ko ang imbitasyon ni Eliseo na um-attend sa church nila dahil na-engganyo ako sa kinukwento niyang music ministry nila. Pagpasok ko pa lang ng church nila, gustong gusto ko nang umuwi kaagad dahil hindi ko talaga kayang tumagal sa loob ng isang lugar kung saan lahat ng mga kasama ko ay mga alive-alive o mga 'Jesus freaks'. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi matuloy-tuloy ang paglabas ko hanggang natapos ang worship service nila. Bago kami lumabas ng church, lumapit si Eliseo sa mga volunteer band members ng music ministry nila at pinakilala ako. Tinanong nila ako kung interesado daw akong tumugtog dahil kung oo, willing daw sila i-train ako na tumugtog at kumanta na parang professional na rakista. Dahil sa pagkadesperado kong matuto, tinanggap ko ang alok nila kapalit ng pagpilit ko sa sarili na um-attend ng worship service at bible studies nila linggo-linggo.

Tuloy-tuloy ang pag-ensayo ko noon kasama nila hanggang nakaya ko nang tumugtog at kumanta sa actual worship service. Di nagtagal, naging malapit na ako sa kanila kaya unti-unti akong naimpluwensyahan ng kanilang mga pinaniniwalaang "faith" at "salvation". Labag man sa kagustuhan ng mga magulang ko, nagdesisyon akong magpabinyag bilang Born-Again Christian dahil inaakala ko noon na iyon ang magiging daan para maging maganda ang aking buhay at lalong lalo na, para matupad ang aking ambisyon na maging isang sikat na rakista. Pero akala ko lang iyon.

Sumali ako sa sikat na contest sa TV na 'The Quest for the Super Rockstar' at sinamahan ako ng mga bandmates ko para suportahan ako. That time, may girlfriend ako - ang napakaganda at napakabait na si Sheena. Churchmate ko siya at volunteer din pero sa ushering ministry naman siya. Mahal na mahal ko siya kaya hinihintay ko na lang noon ang big break ko at papakasalan ko na siya. Hindi sana siya sang-ayon sa mga plano ko sa buhay pero dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin, pinili niyang suportahan ako sa pagsali ko sa contest na iyon kaya sinamahan niya ako sa bawat pagpunta ko sa TV station na nagpapalabas ng 'The Quest for the Super Rockstar'.

Nakapasok ako sa audition ako at tuloy-tuloy ang pag-advance ko hanggang umabot na ako sa Grand Finals. Ang hindi ko alam, matagal na palang minamatyagan ng isa sa mga directors ng TV station si Sheena dahil may gusto siya sa girlfriend ko. Nang nanalo ako sa semi finals, kinausap niya si Sheena nang wala akong kaalam-alam. Ang hindi ko alam, nag-offer ng indecent proposal sa aking girlfriend ang matandang VIP na iyon. Huli na ang lahat nang nalaman ko ang tungkol doon.

Tatlong araw bago mag-grand finals, binisita ko ang aking mga magulang para hingin ang kanilang suporta at para masabi na rin sa kanila ang tungkol sa panibago kong pananampalataya. Katulad ng inaasahan ko, naging negative ang reaksyon nila sa pag-aamin ko kaya gusto man sana nilang pumunta sa grand finals ng contest, nanindigan silang wala akong makukuhang suporta sa kanila dahil tinalikuran ko na daw sila. Kaya ganun, umalis ako ng bahay namin at tumuloy sa rehearsals nang masama ang loob ng mga magulang ko sa akin.

Malapit na ang final performance ko nang mag-ring ang phone ko. Si Tatay iyon pero hindi ko sinagot dahil ayokong mawala ako sa focus. Maya-maya, si Sheena naman ang tumatawag sa akin pero hindi ko rin sinagot. Nakailang beses pa silang dalawa tumawag sa akin kaya minabuti kong patayin na lang ang phone ko. Nang matapos na ang aking performance, hindi pa rin ako mapakali kaya hinintay ko muna ang announcement bago buksan ang phone ko at sagutin ang mga tumatawag sa akin. Hindi ko akalain na sa ganung kaliit na pagkakamali, buong buhay kong pagdurusahan ang magiging epekto nun.

Para akong biglang lumubog sa kinatatayuan ko nang in-anounce na isa ako sa mga unang na-eliminate sa grand finals. Kitang kita ko noon kung gaano kalaki ang ngiti ni Atty. Montemayor na halatang kakarating lamang sa venue ng contest. Para bang nangungutya siya at tuwang tuwa sa pagkawasak ng aking pangarap na maging isang sikat na rockstar. Saka ko na lamang naalala na minsan nagsabi si Sheena sa akin tungkol sa masamang pangitain niya sa matandang VIP na iyon. Binuksan ko ang phone ko at may pinadala ang girlfriend ko na voice message. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Tinakot daw ni Atty. Montemayor si Sheena para makuha ang gusto sa kanya. Ang sabi ng matanda, kayang kaya daw niyang ilaglag ako sa contest dahil bilang isa sa mga directors ng TV station na iyon, hawak niya ang desisyon ng mga kunwaring judge ng contest. Para hindi daw mangyari iyon, kailangan pumayag si Sheena na magpaangkin sa kanya ng isang gabi. Pinag-isipang mabuti iyon ng aking girlfriend. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng ikakaguho ng pangarap ko pero natatakot rin siya sa pwedeng gawin sa kanya kapag pumayag siyang sumama sa demonyong iyon. Ilang oras bago ang grand finals, nagpaalam si Sheena sa akin na hindi siya makakapunta sa contest dahil sobrang masama daw ang kanyang pakiramdam. Iyon pala, nagdesisyon siyang isakripisyo ang kanyang puri para hindi isabotahe ni Atty. Montemayor ang resulta ng contest.

Nangyari ang hindi dapat mangyari sa pinakamamahal ko. Tuwang-tuwa ang matanda pero hindi pa siya nakuntento. Naisipan ni Sheena na palihim na sundan ang attorney nang matapos na ang pangbababoy nito sa kanya...."

Napatigil si Jeth nang bigla na lang siya humagulgol sa pag-aalala ng masalimuot na trahedyang sinapit ng kanyang girlfriend. Bumalik sa kanyang alaala lahat ng mapapait na mga pangyayari noong gabing iyon matapos ang kanyang pagkabigo sa 'The Quest for the Super Rockstar'. Pinaramdam naman ni Maica na nandiyan lang siya para pakinggan at samahan siya. Pero ang mga sumunod na ikwinento ni Jeth ay lubha niyang ikinagulat.


(Next Chapter: Bala)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon