Chapter 14: Talon

72 7 0
                                    

“Excuse me. ‘Di ba kayo ang doktor ni Jenny Marie Jacintos? ‘Yung comatose na pasyente?”, bati ni Maica sa doktor na naghahanda nang mag-break para makapag-dinner. “Yes, ako nga. You’re Maica, right? Do you have some concerns?”, sagot at pabalik na tanong ni Dr. Quirino. “I can see that you’re worried sa condition ng kaibigan mo. If you want, join me on a dinner and I’ll answer whatever else

 you need to know about her condition.”, dagdag pa ng halatang nagmamadaling doktor. Tinanggap naman ni Maica ang paanyaya dahil marami siyang gustong malaman, lalo na kung meron pa ba siyang magagawa para sa ikakagaling ni Jenny.

“OK. So, as you have seen, nahihirapan ang kaibigan mo na ma-gain ang kanyang conciousness dahil sa mahinang performance ng kanyang puso. In case you don’t know yet, pulmonary valve stenosis ang tawag sa pinagdadaanan ni Ms. Jacintos. Isa itong condition kung saan ang pulmonary valve ng puso ay barado o may maliit na opening kaya nagdudulot ito ng difficulty sa pag-flow ng oxygenated blood papasok at papalabas sa puso.”

“So paano po mapapagaling si Jenny?”

“Napaka-rare ng ganitong sakit at sa ngayon, wala pang guaranteed na solution dito. Some medical experts suggest patients na magpa-heart transplant. However, iba ang case ng kaibigan mo. I would only advise heart transplant para sa kanya if and only if makahanap tayo ng willing na donor na ang puso ay perfectly match sa puso ni Ms. Jacintos.”

“Bakit po doc? Anong mangyayari kung maling puso ang naipalit sa puso ni Jenny?”

“Mahirap ipaliwanag iyan. As what i’ve observed, masyadong maselan ang cardiovascular system ng kaibigan mo. Hindi namin pwedeng basta-bastang galawin ang kanyang puso kaya kung magsasagawa kami ng heart transplant, dapat wala nang iba pang kailangang surgical process na kasama nito. Hindi kakayanin ng kanyang katawan at maaaring ikamatay niya ang mahabang oras ng operation. That’s why there is zero tolerance for any form of error if we pursue heart transplant to her. It’s a big risk na tumalon kami sa isang napakahalagang procedure without increasing the chances of success.”

“So, ano po ba ang pwede kong gawin sa ngayon?”

“Prayers, iha. Hindi iyan ang least na magagawa mo. Iyan actually ang pinakamahalagang gawin ng isang kaibigan na nagmamalasakit sa kanya.”

“OK po. Bukod po sa prayers, may iba pa kaya akong maitulong sa kanya?”

“If you’re rich enough, pwede kang mag-sponsor sa expenses ng kanyang ongoing life support at medication. You may help raise funds for her operation as well... or... tulungan mo si Polo makahanap ng pwedeng maging perfect heart donor para sa kaibigan mo.”

Napaisip si Maica sa huling sinabi ni Dr. Quirino. Biglang nag-flashback sa kanyang isip ang mga pinagsamahan nila ni Jenny noong high school students pa lamang sila. Naalala niya kung paano sila dati nagkukulitan tungkol sa kani-kanilang mga suitors at love interests. Naalala niya rin kung paano sila sama-samang gumagawa ng kalokohan paminsan-minsan kapag nabo-bored sila sa klase or kapag kakatapos lang ng exam at wala nang ibang mapagtuunan ng pansin. Higit sa lahat, naaalala niya ang napakalaking kasalanang nagawa niya sa kaibigang napilitang lumisan sa kanilang lugar. Tandang tanda pa niya kung paano sila nagkaaway ni Jenny dahil sa isang lalaki, at kung paano rin sila nagkasamaan ng loob ni Aaliyah dahil sa rivalry nila sa pagiging class valedictorian.

Kinabukasan, huling araw na nina Jeth at Maica sa Happy Nights kaya nagpaalam na sila kay Mrs. Villaluz. Nalulungkot man, binigay naman ng ale ang kanyang suporta sa magkasintahang nagnanais magsimula ng bagong buhay. Lubos na nagpasalamat ang dalawa at inumpisahan na nila ang pag-iimpake ng kani-kanilang gamit bago dumating ang Tono band para mag-rehearse. Last day na nila sa trabaho kaya naisipan nilang magbigay ng special number sa performance ng banda ngayong gabi. Nagsimula na silang mag-rehearse kasama nina Gary nang may biglang dumating na lalaki.

“Magaling, magaling! Akala ko isinumpa mo na ang musika.”

“Aba! Naligaw ka yata, Boy.”

“Pasensya na sa abala, Jeth. Ituloy niyo lang ang rehearsal. Hindi naman ako nagmamadali. Kung nahihiya ka Bro, sabihin mo lang at sa labas na lang kita hihintayin.”

“Huwag na, Mr. Eliseo Pascual. Wala naman akong pakialam kung nakikinig o nanonood ka sa performance namin. Hindi mo kailangang lumabas. Pwede kang mag-order diyan ng meryenda para hindi ka mainip.”

“OK. Sure, Mr. Jethro Salvacion.”

Tinuloy nina Jeth at Maica ang pagpa-practice ng kantang ipe-perform nila mamayang gabi. Medyo naiilang si Jeth pero pinanindigan niyang hindi siya apektado sa presensya ng kanyang dating matalik na kaibigan. Tinuon na lang niya ang kanyang atensyon kay Maica dahil ang nasa isip niya, ito na ang huling beses niyang humawak ng mikropono. Kung hindi lang naging mabait sa kanya sina Gary at kung napigilan lang niya ang tawag ng musika, hinding hindi na sana siya tutungtong sa entablado para tumugtog at kumanta.

Pagkatapos ng rehearsal, binuksan ni Maica ang kanyang phone at napansin ang ilang beses na missed call ni Atty. Montemayor. “Hi beautiful Maica! Kamusta ka na? It’s been a long time since I’ve heard from you. Can we meet tonight?”, ito ang text sa kanya ng matandang VIP. Naguluhan ang dalaga at hindi alam kung anong dapat na gawin dahil walang kaalam-alam si Jeth kung ano ang mga nangyari sa kanila ng matanda noong huling beses silang nagkita. “Bakit mahal? Namumutla ka yata. May problema ba?”, puna sa kanya ng gwapitong nobyo. “Wala ito. Since okay na ang number natin, lapitan mo na ang kaibigan mo at kanina pa siya naghihintay. Magpapahinga lang muna ako dito.”, paliwanag ni Maica bago siya dali-daling pumunta ng banyo.

Nilapitan naman ni Jeth si Eliseo para makausap ito. “May isang bagay na hindi mo na-realize.”, panimula ng binatang reporter. “Jeth, nasabi mo last time na ginamit mo si Maica para makakuha ng mahalagang impormasyon kay Atty. Montemayor. Naisip mo ba na dahil pinakilala ni Maica ang kanyang sarili bilang ibang tao, nalagay siya ngayon sa alanganin? Alam mo ‘di ba kung gaano kaitim ang budhi ng matandang iyon? Sa madaling salita, malalagay sa panganib ang buhay ng mahal mong kasintahan sa oras na malaman ni Atty. Montemayor na kasabwat mo siya sa iyong pinaplanong paghihiganti. Para mo na rin siyang sinama sa iyong pagtalon sa bangin.”, pabulong na paliwanag ni Eliseo na nagpatulala naman sa kanyang kaharap na binata.

(Next Chapter: Siklab)

DetourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon