Hindi na nagdalawang-isip pa ang matandang VIP. Agad-agad siyang pumayag sa gustong mangyari ng maalindog na binibini. “Sure! I didn’t expect ganyan ka pala ka-wild! Let’s go!”, pagmamadaling aya niya kay Maica. Naka-evil smile naman ang dalaga habang sinusundan ang nililinlang na attorney. Bago nila inumpisahan ang “round 2”, nagbukas ng isang bote ng red wine si Atty. Montemayor at inalok si Maica na uminom nito. “May isa pa akong request, mahal ko. Pwede mo bang hugasan muna ‘yan? Ayoko kasing malasahan ‘yung nanggaling dito.”, hirit ng babae sabay turo ng nguso niya sa kanyang baba.
Excited namang ginawa ng matandang malibog ang request sa kanya. Wala pa rin siyang kaalam-alam sa totoong intensyon ni Maica. Pagbalik niya, nag-last shot sila at inumpisahan na ang mas mainit pang eksena ng kamunduhan. Tuwang tuwa si attorney sa nagaganap sa dilim. Para siyang sasabog sa saya dahil sa sarap ng kahalayang ginagawa nila. “Sige, i-enjoy mo lang ‘yan tanda. Tingnan natin kung saan ka pupulutin kapag nagtagumpay ako sa misyong ito.”, ito naman ang nasa isip ni Maica habang hinahayaan niyang sagarin ang paggamit sa kanya ng kaeksenang DOM. Lagpas ng hatinggabi na nang biglang nakaramdam ng pagkahilo si Atty. Montemayor at unti-unti siyang nawalan ng malay.
“It’s showtime!”, sabi ni Maica at sinimulan na niyang gawin ang kanyang totoong pakay sa opisina ng taong kinamumuhian ni Jeth. Hinalungkat niya ang lahat ng mga nakita niyang lagayan ng mga papeles pero ingat-ingat pa rin siya na ibalik ang mga ito sa ayos para hindi makahalata ang matanda. May nakita siyang isang nakatagong cannister kung saan nakalagay ang isang flashdrive. Gamit ang nakabukas na PC ng matanda, kinopya niya sa kanyang phone ang mga files ng flashdrive dahil may kutob siyang may makukuha siyang importanteng impormasyon dito. Sa wakas, nakita niya rin sa isang tukador ang envelope na naglalaman ng isang confidential na listahan ng mga contacts at address. Tamang-tama at may photocopier machine sa opisina kaya na-duplicate niya ang mga files na ito at naibalik niya agad sa tamang kinalalagyan ang nasabing envelope.
Kinunan muna niya ng litrato ang mga pinaglalagyan ng mga nakuhang ebidensya bago siya gumawa ng isang note na nagsasabing “Pasensya ka na, mahal. I got to go. Thanks for the great time! Sana ulitin natin iyon next time J”. Idinikit niya ang note na iyon sa malaking salamin na nakalagay malapit sa pinto ng office ni Atty. Montemayor. Hindi na niya inalantana ang panganib na nag-aabang sa kanya sakaling malaman ng matanda ang kanyang pangingialam sa opisina nito. Agad-agad niyang nilisan ang lugar pagkatapos gawin ang mga bagay na ayon sa nabuo niyang plano. Parang walang nangyaring panghahalungkat sa lugar na iyon.
“Naku, my labs. Sobra akong nag-alala sa iyo ah. Saan ka ba nanggaling?”, bungad na tanong ni Jeth pagkarating ng nagmamadaling dalaga sa dressing room ng Happy Nights. “Okay lang ako. Masyadong napahaba kasi ang kwentuhan namin ni Aaliyah. Don’t worry, my labs. Kaya ko ang sarili ko.”, sagot ni Maica sa kausap na binata. Pinakita ni Jeth ang nabili niyang cellphone at kinuha nila ang number ng isa’t isa. Bago sumabak sa entablado si Maica, binigyan niya muna ng isang mainit-init na halik at mahigpit na yakap ang kanyang kasintahan. Galit na galit namang tinigil ni Mrs. Villaluz ang eksena ng lovers dahil kanina pa naghihintay ang mga avid fans ng superstar ng Happy Nights.
Hindi kagaya ng nakagawian kapag walang “takeout” si Maica, isang masinsinang usapan ang nangyari sa kanila ni Jeth pagkatapos ng kanyang last performance sa gabing ito. Marami silang dapat pag-usapan, lalo na ngayong sinimulan na nilang seryosohin ang kanilang relasyon at nagbabalak na silang mag-umpisa ng bagong buhay.
“My labs, paano nga ba nagsimula ang relasyon nating ito? Para kasi akong naka-coma na ngayon lang natauhan.”
“Jeth, alam ng lahat ng tao dito na sex lang ang habol naming mga babae sa iyo. Sino ba naman ang hindi magpapabitag sa matinding looks at katawan mo? Pero ako, hindi lang iyon ang nakita ko sa iyo. Kung ang ibang mga girlfriend mo walang pakialam sa pinagdadaanan mo, ako naman handang samahan at tulungan ka pag sinabi mo. Eh, bakit ka nga pala bigla na lang naging seryoso sa akin?”
“Sa maniwala ka o sa hindi, naging mabigat sa loob ko na gamitin ka sa tuwing kailangan ko ng tulong mo o ng panandaliang aliw. Ang natatandaan ko lang, dati na akong may espesyal na nararamdaman sa ‘yo pero pinilit kong pigilan at ibalewala dahil para sa akin noon, wala nang silbi kung iibig pa akong muli dahil patapon na ang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumiwanag ulit ang paningin ko sa mundo simula nang dumating ang bandang iyan sa Happy Nights. At nang makita kitang umiiyak, parang nadurog ang puso ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang nabahala ako sa pinagdadaanan mo.”
“Ang Tono Band? Hmmp... Siguro, crush mo lang si Jenny kaya bigla kang na-inspired.”
“Naku, nagselos pa ang mahal ko. Walang panama ang ganda niya sa iyo. At kahit hindi pa kita nakilala, hinding hindi ako magkakagusto sa kanya.”
“Ha??? Bakit naman? Mukhang napakabait naman niya ah.”
“Paano mo nalaman? Nakausap mo na ba siya? Ni hindi ka pa nga nakalapit sa kanya dahil palaging tapos na silang tumugtog sa tuwing dumarating ka dito.”
“Mahabang istorya. Basta ang totoo niyan, dati namin siyang bestfriend ni Aaliyah. Third year high school na kami nang biglang sinama siya ng kanyang pamilya sa probinsya kaya mula noon, doon na siya nag-aral. Actually, nagkasalubong kami noong lumuwas sila ng banda niya dito. Naghahanap daw sila ng kahit saang pwede silang mag-gig kahit mababa lang ang bayad. Kaya ayun, rineto ko sila kay Madam.”
Dahil sa pang-uusisa ni Jeth, napilitang magkwento pa si Maica tungkol sa dati niyang bestfriend. Pero nalipat din ang usapan nila sa kani-kanilang drama sa buhay, hanggang nabalik ang topic sa pagiging miserable ng buhay ni Jeth. “Ayokong madagdagan pa ang mga taong kinukuha sa akin ng Diyos.”, sabi ng gwapitong warehouseman. “Huwag mong iisipin iyan. Mahal ka Niya. Alam kong wala akong karapatan na sabihin iyon dahil ako mismo, maraming tanong sa Kanya at maraming akong ginagawa na labag sa kagustuhan Niya. Pero ito ang tandaan mo Jeth, hindi pa huli ang lahat. Sabay tayong magbagong buhay.”, pampalubag-loob naman ni Maica.
(Next Page: Lubog)
BINABASA MO ANG
Detour
ActionSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...