Nagpakawala kaagad ng isang napakalakas na suntok si Jeth pagkalapit at pagkalapit niya kay Atty. Montemayor. Pero this time, nakaiwas na ang matanda dahil inaasahan na niyang gagawin iyon ni Jeth. “Ang kapal ng mukha mong demonyo ka!”, sigaw ng binata habang hawak-hawak siya ng mga bouncer ng Happy Nights. “Easy, Boy. Nagpunta ako dito para sa isang napakaimportanteng offer. Isang offer na i’m sure matagal mo nang inaasam-asam.”, sagot naman ng bisitang VIP.
Gusto sanang lumabas ni Maica para awatin si Jeth pero wala siyang magawa dahil pareho silang mapapahamak kapag nalaman ni Atty. Montemayor na magkakilala sila ni Jeth at sa iisang lugar lang sila nagtatrabaho. Mabuti na lang at nandoon sina Aaliyah at Eliseo para tumulong sa pag-awat kay Jeth. “Wala akong pakialam sa offer na ‘yan! Saksak mo na lang ‘yan sa baga mo!”, patuloy na pagsigaw ng binatang hindi makapalag sa pagkahawak ng dalawang bouncer. Napangiti naman si Atty. Montemayor nang makita ang hindi inaasahang reaksyon ng taong nilaglag niya noon sa ‘The Quest for the Super Rockstar’.
“Makinig ka muna, iho. It’s time to move on. Kalimutan na natin ang nakaraan. Wala ka namang magagawa para baguhin iyon.”
“Tang*na mo, Montemayor! Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan.”
“Oh come on, Mr. Salvacion. Para namang hindi natin alam kung gaano ka kadesperadong sumikat. Hindi ba wala kang pakialam kung ilang beses nang tumatawag ang tatay mo noong panahong isinugod niya ang nanay mo sa ospital? Hindi ba wala ka ring pakialam sa paulit-ulit na calls ng girlfriend mong si Sheena noong kailangang kailangan ka niya?
“Hindi totoo iyan! Hindi!!!”
“Bakit? Hindi ba kaya namatay ang mga mahal mo sa buhay dahil inuna mo ang pagtupad sa iyong ambisyon kesa sa kanila? Ngayon, ibinibigay ko na ito sa iyo. Abot-kamay mo na ang kasikatan. Heto ang calling card ko. Pag-isipan mong mabuti at tawagan mo na lang ako kapag handa ka nang tanggapin ang offer ko. I’m sure you’ll grab this big opportunity very soon.”
Napaiyak na lang si Jeth pagkatapos ipamukha sa kanya ang napakalaking pagkakamaling nagawa niya sa buong buhay niya. Agad naman siyang pinuntahan para yakapin ni Maica nang masigurong nakaalis at nakalayo na si Atty. Montemayor. Dinala na lang nila si Jeth sa kanyang kwarto para doon kausapin at para matuloy na rin ang palabas ng Happy Nights. Doon inilabas ni Jeth ang lahat ng dala-dala niyang hinanakit sa loob ng mahigit tatlong taon. Nakinig naman lahat ng mga nandoon sa kuwarto, pati si Mrs. Villaluz na mangiyak-ngiyak na sa tragic na kwento ng buhay ni Jeth.
Hinintay nina Aaliyah at Eliseo na makatulog si Jeth bago sila nagpaalam kay Maica na umuwi. “Kita na lang ulit tayo bukas sa ospital.”, huling sabi ni Aaliyah bago umalis. “Sige, sama na rin ako sa inyo bukas.”. pahabol ni Eliseo. Nagpaiwan naman si Maica sa kwarto para samahan magdamag ang kanyang boyfriend. Ramdam na ramdam niya ang kirot at bigat sa kalooban ni Jeth. Mas naramdaman niya ngayon ang pangangailangan sa kanya ni Jeth kaya isang napakahalagang desisyon ang pumasok sa kanyang isipan bago siya nakatulog.
“Hi Attorney! Sorry, now lang me naka-reply. Super busy kasi sa work at sa pag-process ng graduation ko.”, ito ang text ni Maica sa matandang VIP pagkagising niya kinaumagahan. Agad namang tumawag ang malibog na abogado nang mabasa ang message ng dalagang pinagpapantasyahan niya. Napilitan tuloy si Maica na lumabas ng kuwarto para hindi magising si Jeth habang kausap niya si Atty. Montemayor sa phone. “Oo, pwede ako mamayang gabi. Same time and place? OK, see ‘ya!”, ito ang mga narinig ni Jeth kay Maica nang magising siya at matagpuan sa labas ang kanyang girlfriend.
“May lakad ka mamayang gabi? Sino ‘yon, Labs?”
“Ah... wala... si Aaliyah... Dadalaw daw kami mamaya kay Jenny sa hospital.”
“Ganun ba? Sige, samahan na kita ha.”
“Sa...samahan... mo ako? O... K...”
“Sa ngayon, maghahanap muna ako ng bagong trabaho. Wala akong planong tanggapin ang alok ng demonyong iyon.”
“Ha? Eh ano bang plano mo? Saan ka maghahanap ng trabaho?”
“Kahit saan. Huwag lang sa hayop na matandang ‘yon. Ipapamukha ko sa kanya na hindi ako kagaya ng ibang taong nabibili ng pera niya.”“Labs, kung gusto mo, samahan kita.”
“Sige ba. Mauna ka na lang mamaya kung may iba kang lakad.”
“OK. Thanks ha.”
“Ako ang dapat magpasalamat sa ‘yo, Labs. Napakaswerte ko at ikaw ang naging girlfriend ko. Paulit-ulit kong ipagsisigawang mahal na mahal kita.”
“Naku, nambola ka pa. Sige bihis na tayo.”
Unang pinuntahan nina Jeth ang stockhouse ng isang supermarket kung saan nangangailangan ng bagong kargador. “Hmmm.... Mukhang kayang kaya mo naman ang trabaho dito dahil related naman maski papaano ang dati mong trabaho at mukhang OK naman ang pangangatawan mo para sa pagbubuhat.”, comment ng HR personnel na nag-interview kay Jeth. Tuwang-tuwa ang magkasintahan sa narinig at napuno sila ng pag-asa na makakapagsimula sila kaagad ng bagong buhay sa tulong ng trabahong ito. “Hintayin mo na lang ang tawag namin mamaya para malaman kung makakapagsimula ka na bukas o sa makalawa.”, huling sabi ng taga-interview bago umalis sina Jeth sa pinag-applyan.
Dahil maagang natapos ang pag-aapply ni Jeth, minabuti ni Maica na dalhin na ang kanyang nobyo sa hospital kung saan naka-confine si Jenny. “Mas mabuti nang mapaaga tayo para makausap mo na rin si Polo.”, palusot niya. Pumayag naman si Jeth para mas maaga rin sila magkikita at makakapag-usap nina Aaliyah at Eliseo sa hospital. Pero si Maica, may planong pumuslit bago mag-6PM para makipagkita kay Atty. Montemayor. Balak niyang alamin kung ano nga ba ang totoong pakay ng matanda sa kanyang nobyo. Isa pa, gusto na niyang tapusin ang ugnayan nila ng maanomalyang abogado pero sa huling pagkakataon, magbabakasakali siyang makakuha ng mas mahalaga pang mga impormasyong magagamit nila laban sa kanya.
At ganun nga ang nangyari. Maagang dumating rin sa hospital sina Aaliyah at Eliseo. Nakapag-usap rin sina Jeth at Polo tungkol sa kalagayan ni Jenny at sa mga nangyari sa Tono Band habang si Jeth ang nagsilbing pansamantalang bokalista. Mga alas singko ng hapon nang umalis si Maica sa hospital. Ang dahilan niya, pupunta siya sa kanilang eskwelahan para i-process ang kanyang graduation. Pero lahat sila, walang kaalam-alam sa isang nakakagulat na trahedyang magaganap.
(Next Chapter: Yapak)
BINABASA MO ANG
Detour
ActionSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...