"Ito na ang pagkakataon natin! Mabuti na lang at naibigay ni Maica sa akin lahat ng nakalap niyang files at pictures ng pwedeng gawing ebidensya laban kay Atty. Montemayor. Plus, mabuti na lang at nakita ko itong camcorder sa mga naiwang gamit ni Maica.", sabi ni Aaliyah sa kanyang mister. Nabuhayan naman ng loob si Eliseo dahil sa wakas ay naaaninag na nila ang mabuting kahihinatnan ng kanilang sakripisyo para sa kanilang mga kaibigan. Para maliwanagan sa susunod na mga gagawing hakbang nilang mag-asawa, minabuti nilang magdasal at humingi ng wisdom sa Diyos.
Mag-iisang taon na mula nang nadisgrasya si Maica pero naniniwala pa rin ang kanyang mga kapatid na buhay pa siya at balang araw ay babalikan sila. Sa tulong ng mga pinapadala nina Jeth at Jenny, naipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral sa probinsya. Nagtayo rin ng isang maliit na kainan sina Eliseo at Aaliyah para lalong mapabuti ang kanilang simple at tahimik na buhay habang naghihintay sila sa pagbabalik ng kanilang kaibigan.
Sa awa ng Diyos, unti-unti namang lumago ang negosyong iyon kaya nagkaroon sila ng budget para maipagpatuloy ang pagtulong sa misyon ni Jeth. Nasa 60% na ang nagawa nilang documentary video na naglalaman ng lahat ng mga anomalya tungkol kay Atty. Montemayor, lalong lalo na ang tungkol sa ginawa niyang pagsira sa buhay ng kanilang kaibigan. Pero walang kaalam-alam si Jeth dito dahil naisip nilang mas makakabuti kung mapanatili muna nilang sekreto sa pagitan nilang mag-asawa ang kanilang ginagawang aksyon. Dahil tama ang analysis nila na ginamit lang ng matanda sina Jeth para sa good publicity na kailangan niya sa planong pagsabak sa pulitika, mas lalo pa nilang pinagtuunang-pansin ang pagbubuo ng kanilang malaking pasabog pagdating ng tamang panahon.
"Ano nga pala ang sabi ni Jenny?"
"Ayun... pinadala na daw sa probinsya si Mitch para sa pinapa-produce sa kanyang video."
"Galing. Thank God at dumating na ang pinakahinihintay nating opportunity!"
"Oo nga, Pa. Malapit nang matapos ang pagpapakasanto nina Jeth at Jenny sa harap ng demonyong iyon. Kelan tayo babyahe?"
"Sa lalong madaling panahon. Pero Ma, kailangan din nating siguruhing nasa mabuting kamay ang mga bata kapag umalis tayo."
"Kakausapin ko si Diego. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya tungkol sa gagawin natin at sa dapat nilang gawing magkapatid para makaiwas sa mga posibleng panganib."
Hanggang ngayon, namamangha pa rin sina Eliseo at Aaliyah sa paraang ginawa ni God para matagpuan nila ang isa't isa. Si Eliseo, hindi na umaasa noong makakahanap pa ng babaeng tatanggap sa kanyang mga kahinaan at makaka-appreciate sa kanyang simpleng pagkatao. Wala naman dati sa isip ni Aaliyah ang pag-aasawa dahil lumaki siyang may pagka-boyish kahit sigurado siyang hindi siya tibo. Hindi lang sila pinagtago para maging kaagapay nina Jeth at Maica sa paghahanap ng hustisya, kundi para na rin mabigyan ng mas malalim na kabuluhan ang kanilang sari-sariling buhay sa piling ng isa't isa. Sila mismo ay hindi makapaniwalang pagkatapos lamang ng mahigit kalahating taong pagsasama sa loob ng isang bubong nang walang physical intimacy na namagitan sa kanila, nauwi kaagad sa kasalan ang nabuong 'di-inaasahang relasyon nila.
Malayo-layo man ang lalakbaying lugar ng mag-asawa, buong-loob pa rin nilang tinungo ang sinasabing birthplace ng taong babanggain nila. "Handa na kaya siyang makita tayo?", tanong ni Aaliyah nang sumagi sa kanyang isipan ang posibleng maging reaksyon ng taong kikitain nila sa lugar na sinadya nila. "Hindi ko alam, Ma. Basta manalig na lang tayo na makakahanap tayo ng tamang pagkakataon para makalapit sa kanya.", sagot naman ni Eliseo.
Sa kabilang banda, sinimulan na nina Jeth at Jenny ang pinapagawa sa kanila ng kanilang big boss. Hindi man napansin ng dalagang diva na may konting ligaya siyang nadama nang malamang magiging mas madalas ang pagsasama nila ni Jeth sa trabaho, hindi maipagkakailang lalo siyang naging ganado sa trabaho, pati na sa pagtulong sa pagtupad ng misyon ng kanyang kaibigang rakista. "Natutuwa ako para sa 'yo, Jenny at nahanap mo na rin sa wakas ang taong nakalaan sa puso mo.", bati ni Polo nang mapansin niyang nakangiting mag-isa ang kanyang bestfriend habang nakatitig kay Jeth. Si Jenny mismo ay nagulat nang ma-realize ang kanyang ginagawang pagtitig sa lalaking umaasang makikita pa rin ulit si Maica.
"Bestfriend, kahit sobrang sakit nang na-friendzone mo ako, naniniwala akong tama ang ginawa mo para mapahagalahan ang mga pinagsamahan natin. Sa totoo lang, patuloy akong umasang mamahalin mo rin ako balang araw... pero kasabay nun, patuloy kong pinagdasal na kung hindi man ako ang nakalaan sa 'yo, makakahanap ka ng tamang pag-ibig sa tamang panahon."
"Salamat, Polo... Ayoko namang saktan ka noon pero alam mo namang kailangan nating maging honest sa isa't isa, hindi ba? Sobrang thankful ako na nakilala kita at naging matalik na magkaibigan tayo. Ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na tunay ang iyong pagmamahal sa akin... kaya kagaya mo, pinagdarasal ko ring mahanap mo ang true love na nararapat para sa 'yo."
"Thank you. Alam mo, Jenny... Unang kita ko pa lang kay Jeth noon, naramdaman ko na ang kakaibang spark sa pagitan ninyong dalawa."
"Ha? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."
"Siguro nga ikaw mismo hindi nakahalata nun at alam kong pati siya, hindi pa niya naiisip ang posibility na siya ang karapat-dapat para sa bestfriend ko."
"Wow ha... Manghuhula ka na pala ngayon, Polo. Aaminin ko, humahanga ako sa kanya... Kahit na sa ngayon ay malayo ang kanyang loob kay Lord, I'm sure na sa kaloob-looban niya, isa siyang mabuting Kristiyano at totoo siyang magmahal. Sa ngayon, hindi pa ako sure kung may iba pa akong nararamdaman para sa kanya, maliban sa paghanga at concern sa kanyang mga pinagdadaanan."
"Pero for once, naisip mo ba kung kailan nagsimula ang biglang pagbabago ni Jeth mula sa pagiging lalaking masungit at patapon ang buhay?"
"Hindi... Paano nga ba nangyari iyon? Ilang beses pa lang kasi kami nagkita bago ako na-comatose."
"Nagre-rehearse tayo noon at bago pa man siya lumapit sa atin, napansin ko na siyang nakatitig sa 'yo at sigurado akong wala siyang kamalay-malay na nakangiti siya at mukhang santo habang nakikinig sa boses mo at minamasdan kang kumakanta."
Biglang nag-flashback ang isip ni Jenny at nabuo ulit sa kanyang isip kung ano ang kanyang pinakaunang naging reaksyon nang unang beses silang nagkaharap ni Jeth. Nakaramdam man ng konting kiliti, bigla na lang siyang nanlumo nang ma-remind niya ang kanyang sarili na ang lalaking hinahangaan niya ay boyfriend ng kanyang nawawalang bestfriend.
(Next Chapter: Takipsilim)
BINABASA MO ANG
Detour
ActionSi Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at...