Chapter 1

53.4K 1K 261
                                    

Nagbabike ako ngayon papunta sa Bakery kung saan ay doon muna ako magpapart time work habang summer pa. Graduated na rin naman ako ng kolehiyo at dahil iyon sa libreng scholarship na ibinigay sa akin ni Mayor Buenavista.

Grumaduate ako bilang isang Valedictorian noong high school pa lamang ako at ang kapalit nga nun ay ang scholarship na mismong si Mayor pa ang nag-abot sa akin nang tumuntong ako sa stage noong Graduation day.

Proud na proud sa akin sina Tatay at Nanay at maging pati na rin ang kapatid kong nasa abroad na si Kuya Macky dahil lahat ng paghihirap at pagtataguyod nila para lang mapag-aral ako ay nasuklian ko sa pamamagitan ng pagsusunog ko ng kilay.

Habang nagba-bike ako papuntang Bakery ay napapasulyap sa akin ang mga tao lalong-lalo na ang mga kalalakihan. Marahil ay dahil siguro ito sa kakaiba kong itsura.

Mayroon kasi akong maputing balat at mala kulay mais na buhok idagdag pang kulay light brown ang kulay ng mga mata ko. Unusual na itsura ng isang Pilipino. Hindi ko rin kamukha ang mga magulang ko.

Ang sinabi lang noon ni Nanay ay pinaglihian niya ako sa isang manika na parati niyang hinahawakan noong ipinagbubuntis niya pa lamang ako kaya naniwala na ako doon. Wala naman akong duda na sila ang pamilya ko dahil kamukha ko rin si Kuya Macky at mahal na mahal kami nila Nanay at Tatay.

Ang sabi nga nila ay maganda raw ako at syempre dahil kailangan na maging humble at huwag maging mapagmataas sa sarili gaya nga ng itinuro sa akin nila Nanay at Tatay ay hindi ko na lamang pinapansin iyong papuri sa akin.

Sa edad kong bente ay matangkad na rin ako sa height kong 5'7. Matangkad na para sa isang babae.

Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga tumitingin at sumusulyap sa akin sa daan hanggang sa makarating ako sa Bakery. Habang itinatabi ko sa gilid ng Bakery ang bike ko ay nakita ko si Jonas na lumabas mula sa Bakery bitbit ang itim na sako na naglalaman ng mga basura. Nang makita niya ako ay kaagad nitong itinapon sa trashbin ang basura at nginitian ako.

"N-nandito ka na pala, Mirae." Tila namumula pa niyang sabi saka ito nagkamot ng batok.

Natawa naman ako dahil nahihiya pa rin siya sa akin kahit mahigit isang linggo na kaming magkatrabaho.

Kaedad ko lang itong si Jonas. Gwapo ito at moreno. Napapansin ko nga na napapadalas ang pag-iistop over looking ng mga kababaihan dito sa San Alfonso kapag nakikita nila si Jonas na nagbabantay ng Bakery kasama ako.

Siya ang baker na hinire nila Mrs. Glenda dito sa bakery. Estudyante niya sa TESDA itong si Jonas at ng matapos nito ang vocational course niya ay nagpresinta na itong magtrabaho dito. Kailangan na kailangan daw kasi ni Jonas ng pera para sa Nanay nitong nasa ospital na kapapanganak pa lamang.

"Ang aga mo naman yata, Jonas. Talagang early bird ka, ah!" Nakangiting sabi ko na ikinangiti rin niya.

"Syempre, nilinisan ko muna itong Bakery bago tayo magbukas at ayokong mahirapan ka pa sa paglinis dito. Tayong dalawa na nga lang ang empleyado ni Mrs. Glenda kaya dapat ay magtulungan tayo." Sabi niya saka ito ngumiti.

Napakagwapo talaga niya lalo na kapag ngumingiti. Maswerte ang magiging girlfriend ni Jonas dahil nakikita ko na mabait ito at masipag rin na lalake.

"Ano ka ba! Wala lang sa akin ang maglinis, no kaya 'wag mo nang alalahanin 'yon." Sabi ko naman.

"Pero ayokong nahihirapan ka." Bigla niyang banggit na ikinatahimik ko naman pero deep inside ay kinikilig ako.

Oo na. May crush ako kay Jonas. Paano ba naman kasi, ang gwapo-gwapo na nga niya tapos ang bait-bait pa. Sino bang hindi hahanga sa lalaking ito?

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon