Ngayon ay nasa kanya-kanya nang mga trabaho sila Jonas, Josiah at Andy. Ibinilin na rin nila sa mga guards na hindi ako pwedeng lumabas ng bahay kaya nakakulong lang ako dito.
Sobrang kinakabahan talaga ako dahil alam kong pupunta ngayon si Ysmael dito. Hindi ko na nga siya napigilan sa balak niyang iyon at alam kong pursigido talaga ito para mas mapalapit sa akin. Alam naman niyang magkakaanak na ako pero katulad nina Josiah at Jonas ay hindi pa rin niya ako magawang bitawan. Sana nga lang ay hindi kaagad umuwi 'yung tatlo para hindi na siya maabutan pa.
Dahil wala naman akong magawa ay nagdidilig nalang ako ng mga halaman at bulaklak sa garden area nitong bahay. Kakatapos ko lang inumin ang mga vitamins na pinapainom sa akin ni Nanay at kahit papaano ay hindi na nanghihina ang katawan ko. Napapansin ko kasi lately na mabilis na akong mapagod at hingalin. Marahil siguro ay dahil ito sa baby na nasa sinapupunan ko.
Napangiti nalang ako at hinaplos ang tiyan ko.
"Excited na akong lumabas ka, baby."
"Tao po?"
Napalingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na narinig ko at nakita ko ang isang matangkad na lalake na nasa tapat ng gate namin. Kinausap pa nito saglit ang guard namin at mukhang magkakilala na sila.
Sandali ko munang itinigil ang ginagawa ko saka nilapitan ang lalake. Napansin ko na may dala itong dalawang tupperware na de microwave na naglalaman ng mga ulam.
"Hi!" Nakangiting bati niya sa akin.
Napangiti na rin ako dahil talaga namang nakakahawa ang ngiti niya. Gwapo ito at tipikal na morenong Pilipino katulad ni Jonas.
"May kailangan ka?" Tanong ko.
Lumapit naman ito sa akin at iniabot ang dalawang tupperware na hawak niya.
"Nakita lang kasi kita kahapon dito and I guess you're my new neighbor. I just give this to you bilang welcoming gift. Luto 'yan ng Mama ko." Sabi niya.
Tumango nanan ako at kinuha ang dalawang tupperware. "Salamat, ah? Saan pala ang bahay niyo?"
Itinuro naman niya ang isang medyo may kalakihang bahay na may dalawang bahay lang ang pagitan nito sa amin.
"That house was ours." Sabi niya saka ito muling tumingin sa akin at nginitian ako.
Tumango nalang ako sa sinabi niya.
"By the way, ano nga palang pangalan mo?"
"Mirae, ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"I'm Jeremiah. Matagal na kaming residente dito. Hindi ko lang aakalain na may titira na sa Mansyon na 'yan dahil bibihira ko lang nakikita 'yung mga may-ari dito. Close ko na nga 'yung mga guards dito at nakikichika lang ako sa kanila." Natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.
"Ganon ba?" Tanging nasabi ko nalang.
Bigla naman siyang tumitig sa akin saka nito tinignan ang tiyan ko.
"Are you pregnant?" Tanong niya na ikinabigla ko.
"Oo. Paano mo nalaman?" Gulat kong tanong.
Ngumiti naman siya. "You just really reminds me of my sister na buntis ngayon. Kahit buntis ka, maganda ka pa rin naman, e." Sabi pa nito dahilan para mamula ang buong mukha ko.
"So, sino sa tatlong lalake 'yung ama ng ipinagbubuntis mo? Don't be shock kung alam ko, ah? Nakausap ko kasi si Manong Guard kagabi at chinika niya 'yon sa akin. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita huhusgahan at ako palang ang nakakaalam nito." Bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...